read.cash Log in
@zoe316 more from that month

Namihasa yata ako mag shopping sa Shopee (hehe) Nilaro ko kasi ang mga games ng shopee at naka earn ako ng coins, plus may coins pa ako galing don sa last ko na purchased kaya ang laki din ng discount maliban sa free shipping. Nagkataon nasira ang earphones ko kaya ito ang naisipan kong bilhin sa Shopee, at binilhan ko na rin si D'one para may reserba na sakali masira ang earphones nya, at pati charger bumili na rin ako kasi alanganin kung yan earphones lang ang idedeliver, lugi sa gasolina si kuya hahaha) . Ang mura lang lahat nyan ay 125.00php lang . Pinili ko ang mura na earphones tag 59.00 pesos lang (haha) para hindi ako magsisis sakali pangit ang sounds,) sa mga nabasa kong reviews ay okay naman yun tag 59.00 php. Pero hindi ko talaga inexpect na maganda ang sounds kasi nga mura lang. At ito na nga in 3 days lang dumating na, Aba! na amazed ako ng i try ko makinig ng music, di ko inaasahan na maganda ang sounds nya, lakas din ng bass nya , at love ko ang kulay green ... okay ah! (haha) Kaya ang inabot ko kay kuya ay 150.00 php, at sabi ko keep the change na at dinagdagan pa ng 20.00 ni D'one pang merienda nya ng banana cue at coke. (hehe) ang ganda ng ngiti ni kuya, kawawa kasi ang init alam ko nauuhaw sya. No regrets Shopee! satisfied customer here! Salamat Shopee ... Teka... maglaro ulit ako para maka earn ng coins. (haha)

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.