read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~ Tortang Repolyo~ Na try mo na ba magluto ng tortang reployo? Akala ko dati ang talong lang ang pwede gawin torta. Hangang isang araw may nakita akong video paano pasarapin ang simpleng repolyo. Na curious ako kaya sinubukan ko agad mag luto. Napakadali lang gawin, slice mo lang ang repolyo ng pahaba ag manipis, gaya ng nasa larawan, tapos lagyan ng 2 itlog, harina , black pepper , magic sarap or knorr cubes ( depende anong gusto mong flavor). Sa niluto ko kanina knorr beef ang tinimpla ko. Huwag mo na lagyan ng asin kung meron na knorr o magic sarap, pwede rin ginisa mix, nasa sa yo na anong gusto mo. At tantsahin mo na din ang itlog at harina, depende sa dami ng repolyo mo, mas maraming itlog mas masarap. Haloin mo lang ang mga ingredients tapos pritohin. Ayan meron ka ng ulam na tortang reployo. Try mo na Momshie, magugustohan to ng mga kids 🥰 ~Be inspired but do not copy @ezo 12:23pm 6/19/2021

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.