~Tayo mag Otso-otso~ 😅 (Oct. 8 ~ 8/8) Sabi nila ang otso(8) daw ay lucky number. Sabagay wala naman mawawala kung maniniwala ka sa mga pamahiin na ito. Sa larangan ng negosyo, maganda daw mag start o mag open ng business sa petsa otso(8), lalo na kung October 8, at 8 am ( haha) . At sa laramgan naman ng politika, may naniniwala din na siswertihin sila kapag ngayon October 8 mag file ng candidacy :D ... Kaya ngayon ako mag file ( hahaha) mag file ng mga damit na lalabhan ko ( hahaha) pinapatawa ko lang kayo noisemates (hehe) Seryoso, kagabi ko pa naisip na mag remix ng photo about number 88, kasi nga Ocotober 8 ngayon, lucky day ika nga. Ang balak ko kagabi ay 888 ang remix photo, kasi at exactly 8 am ko sana e post kaso ang bagal ng internet kaya lumagpas na sa oras kaya ginawa ko ay 88 na lang ( haha) Ehh sabayan na lang natin ang pamahiing ito kahit na pwede naman kahit anong petsa ay magiging lucky day natin. Kay Lord lang naman nakasalalay ang blessings. Si Lord lang nakakaalam kailan ang lucky day natin di ba? Wala lang noisemate ... gusto ko lang mag remix ng photo at walang ibang topic na naisip kasi ito palagi naririnig ko sa balita, ang October 8 which is last day of filing ng candidacy(hahaha) Ano nag file na ba ang kandidato mo? kung tapos na eh di tara na mag ingay tayo at mag otso-otso! hahaha Magandang araw! #goodvibes #goodday #happythoughts #luckyday
2 comments
Maraming mag o ocho ocho ngayon. 😄
Sa mga Chinese swerte Ang 8 kasi ibigsabihin daw niyan walangw katapusan. Paikot ikot lang ang daloy kaya swerte. Infinity kung baga pero sa Pilipino 7 naman Ang swerteng number.😁😁