read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~Kapag May Itinago May Bibilangin~ Naalala ko tuloy ito ng sinilip ko ang Fb memories kanina. Nakakatuwa lang balikan ang memory na ito. Naalala ko dati meron akong pinagkatuwaan hulugan ng pera araw-araw sa isang empty box. Inumpisahan ko yun hulugan January 1, 2020, wala pa noon Pandemic. Dalawang tag one hundred peso bill ang hinuhulog ko at minsan ay na tatlo pa . Ang goal ko nun ay bubuksan ko sa December at ipamili ko ng regalo sa mga mahal ko sa buhay at uuwi kami sa Cebu ni D'one. Kung araw- araw ko yun huhulugan from January 1 to December 31 ay sigurado meron akong mahigit 75k php. Hindi ko talaga nakaligtaan na hulugan iyon araw-araw. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari sa buong mundo at nagka lockdown na noon March 16, ay iyon din ang umpisa ng araw na hindi ko na nahulogan dahil natigil na rin ang araw-araw na pinagkakakitaan namin ni D' one. Nawala sa isip ko ang box na iyon, itinago ko kasi yon sa sulok. Hanggang lumipas ang apat na buwan at isang araw ay nag-aayos ako ng mga gamit, nakita ko ang box na iyon, naalala ko ang inihulog kong pera sa box at na curious ako kung magkano kaya ang laman nito. Hindi ko iyon binilang, binuhos ko lang sa sahig para kunan ng picture at binalik ulit sa box habang naliligo si D' one, walang kamalay malay si D' one sa box na ' yon. Hindi ko ginalaw ang perang iyon, hanggang December 24,2020 ng umaga tinanong ko si D' one kung ano ang handa namin sa Pasko, ako na daw bahala kung ano ang gusto kong lutuin sabi nya. Tinanong ko rin sya kung ano ang gusto nyang regalo, at nagulat pa sya sa ko " Bakit, may extra pera ka pa ba pambili ng regalo? at hindi ka rin naman makakapunta sa Mall para mamili, hindi pa safe lumabas ngayon" paliwanag sa akin ni D' one. Natawa ako habang nagbibihis at nagtaka si D' one " Bat ka nagbihis san ka ba pupunta?". " E di mag grocery para sa Noche Buena natin mamaya " sagot ko sa kanya sabay kuha ko sa box. Nakahiga si D' one sa bed at umupo ako sa kilid at pinapikit ko sya ng mata. Habang nakapikit sya ay ibinuhos ko sa bed ang pera at ng dumilat sya ay nagulat ito . (hahaha) Tinulongan nya ako magbuklat sa nakatuping pera at binilang namin ito. Wow! umabot ito ng mahigit 16k . Naku kung hindi lang nagkalockdown tiyak makokompleto ko iyon goal ko na by December mahigit 75k sana ang laman ng box. ( lesson learned: Pag may itinago may bibilangin hehehe) #memory @ezo 10:10pm 8/20/2021

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.