read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~Ice Cream Pampa Good Mood Daw~ Magandang gabi noisemates! Buong maghapon din ako hindi nakasalip, pasensya na noisemates, di ko kayo nasuklian ng pag-ibig ( hehehe) hayaan nyo, matagal ako matulog mamaya para lang ipadama ko ang pag-ibig ko sa yo , Ayayay! ( hehehe), napasarap kasi ang tulog ko kanina buong hapon habang nakikinig ng music at pag gising ko okay na ang mood ko (hahaha ) kulang lang pala sa tulog at mas na alive ako ng senorpresa ako ni D' one ng ice cream. Binilhan nya ako ng ice cream para daw lumamig ang ulo ko (hahaha) napansin pala nya na maldita ako kanina, hindi daw ako iyon Zoe kanina, hindi daw ako bagay magmaldita (hahaha). Nagtaka din pala sya bat bigla ko na lang sya sinungitan at di kinausap. At pasensya rin pala sa mga nag post sa Channel ko " Meron Akong Kwento" .. sorry po kung na disapprove ko ang post nyo. Pag checked ko ng channel may mga posts kasi na hindi ko pwede e approve. Please, basahin po ang rules bago mag post ng kwento. Ang channel po ang tungkol sa kwento ng buhay natin, buhay mo o kahit anong kwento ang nais mo ibahagi. Di po ba pag sinasabi na kwento ay medyo mahaba ito, hindi matatawag na kwento ang post mo kung binubuo lang ito ng dalawang sentence. Nakasulat po sa rules ng channel na at least 3 paragraphs o mahigit pa. Okay lang po walang picture. Kung mahaba ang kwento mo, pwede naman po e cut mo and mark as part 1 then maya maya post mo ang part2. Kaya pasensya na po kung na disapproved ang posts nyo noisemates. Salamat, sana makipagkwentuhan ka ulit. @ezo 8:19pm 8/17/2021

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.