Nasaan ang manok? haha nawawala ang manok, ito na lang natira ang atay at itlog ng manok haha Alam mo paborito ko ang atay, mapa manok o baboy. Dati kasi ang baba ng Hemoglobin ko kaya ito si D'one halos araw araw ay pinapakain ako ng atay. Ayaw kasi nya na salinan ako ng dugo baka daw kung kanino pang dugo ang maisalin sa akin haha baka daw mag-iba ang tingin ko sa kanya at di ko na sya mahalin pag mahaluan ng ibang dugo hahaha io talaga si D'one.... Pero sa awa ng Diyos naging normal naman ang Hemoglobin ko kakakain ng atay :D Tapos na ba kayo mananghalian guys? ako ngayon pa lang pagkatapos nitong post ko. Ala una na pero inuna pa ang mag post hehe mabuti kasi yun post muna para habang kumakain ay mag iipon muna ng ft tas pagkatapos kumain ay tama lang meron na naipon at ipamigay na, o di ba time management yon haha .. O sige na.. mamaya kwentuhan ulit tayo ...
6 comments
Ngayon ko lang nalaman sis pamapataas pala Ng hemoglobin ang atay :) paborito ko rin atay Ng manok sa baboy hindi masyado. Ang sarap Ng pagkaluto nito sis mapapadami Ka Ng kanin :)
Oo sis lalo na atay ng baka...
Salamat sa info sis :) yung atay ng baka never pa akong nakatikim.
Oo sis mahirap kasi hanapin ang atay ng baka... wala yan sa palengke
Oo nga sis wala akong makita niyan sa mga palengke siguro sa mga nagtitinda ng karne ng baka lang talaga.
Morning sis happy Sunday po sa inyo ,ganyan ako sis pag nagluto nilalagayan ko itlog kase yan favorite ni apo sa adobo,enjoy eating and keepsafe