read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~Si Pangulong Duterte At Si D'one ~ Hindi pa man nag umpisa ang campaign, pero umiinit na ang labanan ng mga kandidato pagka Pangulo lalo na ang mga maka BBM at maka Leni na sya nga yon ang maingay sa social media. Bawat isa sa atin ay mayroon kanya kanyang desisyon at opinyon sa pagdating sa mga kandidato ngayon Halalan2022. Pero sana hindi umabot sa punto na hindi na magkikibuan at may galit na sa puso. Dapat kung sino ang susuportahang kandidato ng kaibigan mo, kaupisina o asawa mo, igalang mo na lang ang desisyon nya pati na rin ang kandidato na sinusuportahan nya igalang mo na rin, wag mong siraan ang napupusuan nyang kandidato, dahil syempre masasaktan yun sya. Kahit naman ikaw, kung sisiraan niya ang kandidato mo ay tiyak sasama ang loob mo at maging dahilan pa ng hindi pagkakaintindihan at ang iba ang nauuwi sa away. Pero iba kami ni D'one, dahil palagi kami na debate, ang argumento namin ay tungkol sa kasalukuyan administrasyon at nakaraang administrasyon. Ewan ko ba sa kanya kung bakit ayaw na ayaw nya kay Pangulong Duterte. Kung dati ay hindi ako kumikibo kapag sinisiraan nya si Pres. Duterte, pero lately lang binibweltahan ko na sya. Nakikipag debate na ako sa kanya( haha). Napakakitid kasi ng isip nya eh at sarado ang puso nya kay Tay Digong. Kaya ito ang sinabi ko sa kanya... "Alam mo walang perpekto na Pangulo pero may pinakamagaling sa lahat ng mga Pangulo. Hindi ko sinasabi na pinakamagaling si Pres. Duterte, pero gusto ko sya kaya huwag mong siraan at irespeto ang opinyon ko. Matanong nga kita, yan bang iniidolo mong dating Pangulo ay magaling ba? Anu-ano ba ang mga nagawa nya sa bansa natin, aber?!?di ba mas maraming nagawa si Duterte kesa iniidolo mo? Natapos na ang termino ng mahal mong Pangulo, bakit ba ang hirap mo maka move on at tanggapin ng maluwag sa puso mo si Duterte? Ang hirap sa yo ay pikit mata ka sa mga mabuting nagawa nya at ang naka focus ka lang bagay na sinasabi mong hindi mabuting gawain nya. Subukan mo kaya timbangin, di ba mas marami ang mga mabuting nagawa nya para sa atin bansa? Sana naman marunong ka rin mag appreciate sa mga nagawang proyekto ni Duterte, ang hirap sa yo ay naka focus ka lang sa bagay na para sa yo ay hindi tama, na kung tutuusin, kung lalawakan mo lang yan isipan mo ay makikita mo na kabutihan naman pala ang ginawa ni Pangulong Duterte sa taong bayan at sa bansa natin." Ang haba ng pinagsasabi ko pero ayaw pa rin ni D'one kay Pangulong Duterte. :D Pinarinig ko kay D'one ang isang video sa youtube channel tungkol sa mga projects ni Duterte, at ito ang sinabi nya habang tumatawa " Naku fake news yan! naniwala ka naman dyan " . Sagot ko naman, "paano maging fake news? di ba narinig at nakikita naman natin ito sa legit na mga balita sa TV at mga pahayagan, ang hirap sa yo hindi mo matanggap na mas magaling si Duterte kesa iniidolo mong Pangulo. Ang akin lang naman, sana marunong ka mag appreciate sa mga mabuting bagay na nagawa ng Pangulo Duterte at iukit mo rin sa isip mo yung mga maling nagawa ng Pangulo mo. Ngayon, kung hindi mo kayang mahalin ang Pangulo, just appreciate what he did for our country, hindi yun puro ka na lang pintas at paninira" . Hayyy! ang hirap talaga makipag diskusyon tungkol sa politiko. Lalo na kung makitid ang isipan kagaya ni D'one. Naalala ko tuloy ang isang kasabihan "when you are wrong, nobody remembers... when you are right, nobody forgets" .. ganyan ang attitude nya when it comes to politics and I don't like kaya ang sarap makipag debate sa kanya. Pero wag kayo mag-alala, hindi naman kami nag away pagkatapos ng amin diskusyon, magkatabi pa rin kami matulog.( hahaha) Yan ay nangyari kanina after namin mag dinner, at yan ang dahilan kung bakit hindi ako naka tambay dito sa noisecash. (hehe) Bukas makipag debate ulit ako sa kanya tungkol naman sa kanyang kandidato pagka Pangulo at Kandidato ko. with hidden camera ( hahaha) tas e prank ko sya , kunwari magagalit ako tas sabihin ko uuwi na ako sa Cebu at di na babalik. Yohooo! humanda ka D'one , e prank kita bukas ((wahaha) Good night na noisemate! ang haba ng kwento ko at dinalaw na ako ng antok:) Pahabol: Ang mga sinabi ko kay D'one ay sariling opinyon at isip ko lamang. Salamat sa pagbasa.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.