read.cash Log in
@zoe316 more from that month

~Bisaya vs Tagalog~ (lato ~ arorosip) #greenday #convo #laughtrip Ito pang isang green :D gaya ng sinabi ko kanina ang ipopost ko sa araw na ito ay puro green dahil ang BCH ay green na green hahaha nakikisabay lang ako sa kulay ng BCH para naman hindi sya nag-iisa at manatili syang green..,, baka kasi bigla na naman maging pula, wala pa tayong pang invest kun pupula sya :D Sa wakas nakatikim din ako ng sariwang lato( bisaya ) dala ni D' one galing Pangasinan, sabagay dalawang oras ang byahe nya kaya di na talaga sariwa hahaha pero nilagay kasi nya sa cooler kaya pagdating nya ay fresh pa rin compare sa nakikita ko sa palengke na naninilaw na ang kulay. Sa bisaya ang tawag namin nito ay "lato" at sa english naman ay " sea grapes" , ewan ko anong tawag nito sa tagalog hahaha. Tinanong ko si D' one kung ano ang tagalog nitong lato at sabi nya ay "arurosip" daw, tumawa ako sabay search ko sa google dahil hindi ako naniniwala sa kanya, Ako: Sige nga e seach ko sa google anong tagalog ng lato. ( tawa ng tawa) D' one: Bakit ba kasi nagtatanong ka pa eh di ka naman naniniwala sa akin na arirosip yan sa tagalog .... Ako: Eh since birth ngayon ko lang narinig yan arorosip ( hahahah) Ayun! may na search na ako, tagalog ng lato ay.... Ako: ahaha tama ka nga arorosip nga D' one: Hhmmmp ayaw mo kasi maniwala ehhh alam mo naman dito ako pinanganak, tagalog na pogi pa ...., ( ahahahah) Ako: sige nga kung talagang tagalog ka, ano ang spelling ng arorosip. ( ang tagal nya nakasagot hahaha) D' one: A-R-U-R-O-S-I-P hahahaa Ako: ahaha bisaya ka rin yata ah ( tawanan na naman kami ni D' one ) ~ezo~ 3:20pm 8/07/2021

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.