~My Personal Protective Equipment ~ 6:30 am pa lang gising na ako para mag prepare kasi aalis kami. Ihahatid namin ang pamangkin ni D' one para magpabakuna ng 2nd dose nya. Isang Nursing student sya at mandatory sa kanilang mga students na magpabakuna para requirements sa face to face classes. Nakahanda na ang mga bagay na hindi ko makakalimutan isuot kapag aalis ng bahay. Ito ang mga PPE ko; Cap, Bonnet, Air purifier necklace, face mask at face shield. At syemore ang rubbing alcohol nasa bag na at sa outfit ko naman, maliban sa t-shirt ay naka long sleeve ako at syempre pantalon, kaya balot na balot ako pag nasa labas ng bahay. π· Gloves lang ang wala dyan sa picture kasi gumagamit ako ng gloves pagpupunta lang sa Supermarket. Kumain muna kami ng breakfast at doon na kami mag lunch mamaya sa sister ni D'one. Doon kasi kami tatambay sa bahay ng sister nya sa Caloocan habang hihintayin namin matapos ang pamangkin nya na doon nagpabakuna sa Caloocan Sports Complex. Seryoso ko sinabi kay D'one habang kumakain kami " magpabakuna ka na rin kaya kasi yan naman ang gusto mong brand di ba?", sagot naman nya sa kin " Ay hindi naman ako nagmamadali, hayaan ko na yan sila mauna, ikaw kaya ang magpabakuna." at ang bilis ko nakasagot sa kanya " okay lang ako hindi magpabakuna, nasa bahay lang naman ako palagi, at sakali man lalabas daig ko pa ang naka PPE" π . " Eh bahala ka, paano ka makauwi sa Cebu kung hindi ka magpabakuna, hahanapan ka ng Certification na fully vaccinated ka na kung sasakay ka sa airplane"sagot ni D' one na para ba tinatakot ako na di na makauwi π¬ May punto nga naman si siya, yan din ang inaalala ko. Paano kung mandatory na rin sa mga bebeyahe na fully vaccinated ka. π₯΄ Pero hindi pa talaga ako ready... Hayy! huwag naman sana mangyari yun na mandatory ang bakuna pagsasakay ng plane. Ayaw ko pa talaga magpabakuna, alam ko kasi sa sarili ko physically na hindi ako handa, kahit pa siguro sabihin ng Doctor na okay lang magpabakuna sa mga nararamdaman ko physically, ay hindi pa rin nya ako ma convince, kasi katawan ko to eh at ako ang nakakaalam na di ko talaga kakayanin ang side effects ayun sa mga naririnig ko. Kung physically fit lang siguro ako, malamang tapos na rin ako magpavaccine. π Ikaw ka-noise, tapos ka na ba magpabakuna? Congratulations kung tapos ka na ! saludo talaga ako sa inyo. ππΌππΌππΌππΌ ~Be inspired but do not copy @ezo 9:30am 7/10/2021a
3 comments
Hindi pa, di parin kasi ako decided Sis. Parehas tayo ng reason sa bahay lang din kasi ako as in hindi nalabas. Within compound lang din ako. Pinag iisipan ko pa, bahala na.
Ingat na lang tayo kung sakali lalabas man,, at si Lord na ang bahala sa tin π
Oo sis, takot ako sa injection talaga at mas lalong di ako kampante sa vaccine na yan. Malaman siguro at sana walang side effects sa mga vaccinated na.