read.cash Log in
@yujin

@yujin in March 2023

@yujin

Good night. Now watching The Clash 2023. Isa ito sa mga favorite kong panoorn. Ang gagaling din ng mga contestant. Kaya lang dahil contest ito ay iisa lang talaga ang mananalo. Musta kayong lahat dito.

@yujin

Happy afternoon guys. Di ako makapagpost lagi rito. Laging busy sa lahat ng bagay. Busy sa work at busy rin sa mga gawaing bahay. Pero lagi pa rin akong happy. Katatapos ko lang mag plantsa ng mga damit ng mga anak ko na isusuot for OJT bukas. Siyempre kailangan maayos ang kanilang mga isusuot lalo pa at nasa company kung saanako nagtatrabaho sila mag OJT. Kakagutom na. Kaya oras na para magmeryenda.

@yujin

Pangalawang araw ngayon ng anak ko sa kanyang OJT dito sa company na pinapasukan ko. Nanibago siya na 8 hours na nagtatrabaho. Nakakapagod daw pala. Pero kahit isang company lang ang pinapasukan namin ay di rin kami nagkikita. Dahil magkaiba kami ng department at building. Sana matapos niya ng maayos ang kanyang OJT at mataas ang grade na ibigay sa kanya. Lahat ng mga magulang ay iisa lang ang gusto o pangarap para sa kanilang mga anak. Ang mapabuti ang kanilang buhay.

@yujin

Minsan ang mga anak natin ay parang balewala lang sa kanila ang hirap sa pagtatrabaho ng kanilang mga magulang para mabigyan lang sila ng magandang buhay hanggang di nila maranasan ang magtrabaho. Katulad ng anak ko na kahit OJT pa lang ay marami na ang pinapagawa sa kanila. Kaya sabi niya sa akin na nakakapagod daw pala ang maghapon sa trabaho. Kaya sabi ko sa kanya na ngayon ay alam na niya kung paano kahirap kumita ng pera. Na wag basta gagastusin lang ang pera sa mga…

@yujin

Mura na uli ang presyo ng galunggong dito sa palengke malapit sa amin. At sariwa pa kaya masarap ang lasa. Sa halagang 50 pesos ay ganito na karami ang mabibili mo. Dati mga two hundred pesos na ang halaga ng isda na ganito karami. Kaya dahil mura na ito ngayon ay pwede na itong ulam kung medyo kulang na sa budget.

@yujin

Good morning. Kahit maraming pagsubok sa buhay ay lagi pa ring magpasalamat kay God at laging isipin na lahat magagandang bagay ang darating sa ating buhay. Have a blessed and happy day.

@yujin

Isa ito sa mga pagkaing pinoy na marami rin ang ayaw kumain nito. Ang dinuguan. Pero masarap talaga itong ka partner ng puto. Kumakain ako nito pag sarili ko lang na luto. Pero pag iba ang nagluto lalo na kung di ko kilala ay di ako nito kumakain. Tara kain na po.

@yujin

Good morning. Four pa lang ng umaga ay nagluluto na ako. Babaunin naming lahat. Kaya laging wala ng taong naiiwan sa bahay. Ang kambal ko ay parehong nasa OJT. Kaya para makatipid ay lahat kami nagbabaon na lang ng food. Habang nagpapahinga saglit ay dito muna kay noise.

@yujin

Good morning. Maaga pa rin gumising kahit walang pasok. Ngayon busy naman sa mga gawaing bahay. Tinitingnan ko pa lang ang aking mga labahin ay parang nakakapagod na sa dami. Pero ganito talaga ang buhay. Lahat ng gawain ay nakakapagod . Pero kahit nakakapagod pag masaya ka sa buhay ay parang walang pagod na mararamdaman. Kaya happy lang lagi.

@yujin

Ang aga kong makapagluto ng pang dinner namin. Ang beef caldereta. Inagahan ko talaga para makapag relax na rin. Wala ng gawaing iisipin pa. May time na para makapanood ng mga gusto kong panoorin. Nakakatamad din lumabas ng bahay. Kahit hapon na ay mainit pa rin.

@yujin

Good morning. Thank you Lord for another day. Life is too short. So always do anything that make us smile. Have a happy day.

@yujin

Mahirap ang maging isang nanay. Lahat ay gagawin para sa kanilang mga anak. Lalo na sa katulad kong working nanay. Pagdating sa bahay kahit pagod na at minsan masama pa ang pakiramdam ay kikilos pa rin sa mga gawaing bahay. Kaya para sa mga dalaga diyan ay pag-isipan niyo munang mabuti bago kayo mag-asawa. Magpakasawa muna kayo sa pagiging single para pagdating ng panahon na maging nanay na rin kayo ay handa na kayong harapin ang responsabilidad ng pagiging nanay. Good night…

@yujin

Happy sunday. Malapit na ang holy week. Pwede sana mag bakasyon dahil five days ding walang pasok. Kaya lang kulang sa budget. Maraming pinagkakagastusan ngayon. Sana pagka graduate ng kambal ko sa college sa makahanap kaagad sila ng stable job. Para kahit papano ay may katuwang na ako sa mga gastusin sa bahay. Have a happy day.