Nang makita ko ang picture na ito sa Facebook ay bigla kong naalala ang bahay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Noong kabataan ko ay isa ang mga bahay nila Jose Rizal sa Calamba, Laguna ang napuntahan ko. Ganitong klase ang mga kamang nakadisplay sa bahay nila. Ang gaganda nito tingnan sa personal. Kaya kahit noon pa ay mga bahay na bato na pala ang mga bahay ng may kaya sa buhay katulad nila Rizal.
@yujin in December 2022
Unang biyernes ng buwan bukas. Ngayon pa lang ay inihanda na namin ang mga fruits na pang-alay sa gagawing mesa bukas dito sa loob ng compound ng company na pinapasukan ko. Ginagawa ito every month bilang pasasalamat sa patuloy na pag-unlad ng company.
May nagbigay ng pancit sa amin. Kaya ito na lang ang kinain ko ngayong dinner. Di na ako kumain ng rice. Musta ang unang araw ng December. Dumaan ako kanina sa bilihan ng mga damit dahil binilhan ko ng white T-shirt ang aking anak. May mga namimili na ng mga damit pambata. Panregalo raw nila sa kanilang mga inaanak.
Good morning. First Friday of the month. Maaga akong papasok at may mass na gagawin sa work namin. A Thanksgiving mass. May mga aayusin pa kami sa pagdadausan ng misa. Kaya ngayon pa lang ay nakahanda na ako para pumasok. Kaya silip muna kay noise dahil masyado pang maaga. Have a blessed and happy day.
Kain na po tayo. Ang paborito ng karamihan ang ulam namin. Lalo na ng mga Pinoy. Ang chicken adobo. Katatapos ko pa lang magluto. Mukhang gutom na mga anak ko. Dahil di pa nga ako tapos magluto ay mga nakaabang na at may rice na ang kanilang plato. Hinihintay na lang ang ulam. Bye muna at kakain muna kami.
Thank you Lord for waking me up this morning. Thank you for giving me another day of my life. Lahat ng bagay ay may wakas. Kaya kung binigyan pa tayo ng pagkakataon na mabuhay sa mundo ay wag nating sayangin sa mga walang kwentang mga bagay. Bawat minuto ng ating buhay ay mahalaga. Gawin natin itong kapaki-pakinabang. Enjoy lang ang buhay. Have a happy day. Gandang buhay
Sinubukan kong di kumain ng rice kaninang lunch at ito lang ang kinain ko. Ang bilis kong makaramdam ng gutom. Nagugutom na naman ako at di pwedeng di kumain. Useless din lang yong kunwari diet ako.
Healthy food ang niluto kong ulam namin. Ginisang kangkong with tokwa. Iginisa ko lang sa maraming garlic at nilagyan ng oyster sauce ay ok na. Masarap na rin. So kain na po
Good morning. Sunday ngayon at ang aga kong pumunta ng palengke. Ngayon ay nagluluto na ako ng uulamin namin for lunch. Sinadya kong agahan para maraming time mag kalikot ng cellphone na wala ng iisiping gagawin pa. Pork sinigang ang niluluto ko para may sabaw. At kung may gutumin ay pwede ng kumain. Have a happy day.
Kanina pa ako nakaluto ng pork sinigang pero ngayon pa lang ako kakain. Lumabas muna ako at tumaya sa malapit na Lotto outlet dito. Sana palarin na manalo sa 2 digit. Para sa nalalapit na birthday ng kambal ko. Ngayong darating na December 13.
Nakakainip din pag walang ginagawa. Lalo na kung nasanay nang laging busy sa.work. Kaya naisipan kong gumawa na lang ng fresh salad. Apple, mango at lettuce. Nilagyan ko lang ng kunting mayonnaise, cream at sugar. Meryenda na po tayo kahit maaga.pa.
Good night kaingay. Matulog ng maaga para maaga ring magising bukas. At ihanda ang sarili sa pinaka busy na araw bukas. Ugaliin ang laging matulog ng maaga. Having enough sleep ay napapanatiling healthy ang ating katawan. Alagaan ang ating kalusugan. Ito ang kayamanang di makukuha sa atin nino man.
Hello everyone. Kumusta ang Monday niyo. Ako heto so busy simula pa kaninang umaga. Nagkaroon lang ng pagkakataon para sumilip dito at makapag-ingay. Share ko lang uli ang food ng kasama ko. Kaya ang lusog niya dahil lagi siyang ganito karami kung kumain. Sabi niya ay nanghihina raw siya pag kunti lang ang kanyang kainin. Pag nasanay na siguro na marami kung kumain ay manghihina talaga pag kunti lang kainin.
Katatapos lang namin kumain. Dahil medyo pagod ako ngayong araw kaya tuna belly in can na lang ang niluto ko. Iginisa lang sa garlic, tomatoes and onion. Now naghahanda na para matulog. makapagpahinga na rin at iipon uli ng lakas para sa bagong hamon na kakaharapin bukas. Good night.
So busy and nakakapagod na maghapon. Ngayon lang ako naka bisita kay noise ngayong araw. Mabuti at pagdating ko ay tapos na magluto mga bata. Beef caldereta ang niluto nila. Nanood lang daw sila sa you tube at ginaya.lang nila.kung paano lutuin. Ok na rin ang lasa. Maasahan na rin ang mga anak ko. So kain na po tayo.
Happy new day. Thank you Lord for giving me another day to live. Let's eat breakfast. Pancit miki. Maaga akong papasok ngayon dahil holiday bukas. Maraming gagawin at para matapos kaagad. Makauwi ng tama sa oras. Smile lang kahit laging pagod. Ganyan talaga ang buhay. Pero mas nakakapagod pag may gusto kang bilhin na di mo mabili dahil walang pera. Kaya tiyaga lang sa work.
Lahat kami ay bumaba ng building dahil may lindol dito sa lugar namin. Ingat po tayong lahat. Kaya kahit mainit ang panahon ay.lahat kami nasa compound ng company.
Let's eat dinner. Dahil maghapong pagod kaya kailangang bumawi ng lakas. Kaya beef nilaga ang niluto ko. Masarap higupin ang sabaw lalo na kung mainit pa at nakakapagpalakas ng katawan. Bye muna at kakain muna kami.
Have a blessed day everyone. It's holiday today here in Philippines. Kaya di muna ako babangon. Masarap pa mahiga lalo na at malamig ang panahon. Thank you Lord for this day. Every morning always think happy and positive. Para buong araw natin ay maging masaya.
Oras na para kumain uli. Wag magpapalipas ng gutom para iwas sakit. Laging alagaan ang ating kalusugan. Di natin ma-enjoy ang ating buhay kung masama ang pakiramdam natin. Fried pork ang ulam namin. Kain na po tayo.
Tinamad na ako lumabas ng bahay at pumunta ng palengke. Kaya kung ano na lang ang mayron ay ito na ang niluto ko. Ginisang sayote ang ulam namin. Lalong tumataas ang mga presyo ng mga.bilihin ngayon. Pero pagkasyahin na lang kung ano ang kaya.
Let's eat dinner. Ginataang kalabasa, sitaw at malunggay. At with kunting hipon. A healthy food for the family. Nasasanay na rin mga anak ko kumain ng gulay. Dati ay ayaw nila. Pero ngayon kumakain na rin sila. My first post for the day. Dahil so busy today.
Busy ngayon sa mga gawaing bahay. Naipon mga labahin. Di pa ako tapos maglaba. Pero inuna ko na muna ang pagluto ng uulamin namin. Chicken tinola with sayote and dahon ng malunggay. Kakain muna kami bago ipagpatuloy ang paglalaba para may resistensiya.
Good morning. Happy Sunday. Late na ako nagising. Always be thankful for every moment. Because in a second your life could change.
Now watching on tv a foreign blogger and he is in Divisoria, Manila. Lahat ng mga street foods doon ay tinitikman niya. Siyempre lahat sinasabi niya ay mura at masarap. Nakakatuwa rin siyang panoorin.
Ang aga kong kakain ng dinner ngayon. May tira pang gulay na nakalagay sa ref. Ipinainit ko na lang. Kaysa masayang. Wala ng may gustong kumain nito rito sa bahay. Lagi na lang ako ang taga kain ng mga tirang ulam. Pag ikaw talaga ang.namimili ay di ka magsasayang ng kahit kunting pagkain dahil sa taas ng mga bilihin ngayon.
Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Salamat sa mga anak ko dahil pagdating ko ay may luto ng pagkain. Tapos na sila magprito ng chicken at nakasaing na rin ng kanin. So let's eat na guys.
Birthday ngayon ng kambal ko. Wala kaming handaan. Simpleng kainan lang. Salamat sa mabait nilang tita na nagbigay ng.cake.
Lahat ng tao sa work namin halos lahat nakangiti. Dahil ngayon nakuha ang pinakaaabangang 13th month pay. Kaya eksaktong five o'clock ay tayuan kaagad lahat. Excited ng umuwi. Siyempre ito lang ang time na may ekstrang pera ang mga ordinaryong manggagawa. Kahit papano may maibibigay na ako sa mga inaanak ko. Ito lang ang kasiyahan ng mga bata pag December. Kaya mga ninang at ninong ay wag niyo naman silang pagtaguan
Late na ang dinner namin. Chicken salpicao ang ulam namin. iginisa ko lang sa maraming garlic at hinaluan ng mushroom. Tara let's eat.
How's your day noise app family? Katatapos lang namin mag dinner. Nakabisita rin dito ngayon. So busy today. Ok lang at productive ang araw ko ngayon. Busy sa work at pagdating.ng bahay ay.may pinagkaabalahan pa rin lalo na iyong mga bayarin. Kahit pagod pero nakangiti pa rin. Mas gumagaan lahat ng pagsubok sa buhay kung relax lang at di nakasimangot. Good night guys.
Friday na naman at ang ganda ng.panahon sa lugar namin. Christmas party namin ngayon. Kaya lang ay walang party para sa pangkalahatan. Only per department. Pero masaya na rin ang lahat.
Late na ang dinner namin. Late na rin kasi ako umuwi dahil Christmas party namin. Di pa tapos ang party pero umuwi na ako. Iba talaga ang mga nanay. Laging mga anak ang nasa isipan. Ang hina ng signal sa.amin ngayon. Di makapag upload ng.picture.
Happy weekend. Ang aga kong makaluto ng ulam namin. Almusal namin ito hanggang pananghalian. Pork asado ang.niluto ko. Lahat ng mga kasama ko sa bahay ay mga tulog.pa. Paggising nila ay kakain na lang. Siguro karamihan ay nakatanggap na ng 13th month pay. Lahat ng taong nakikita ko rito sa amin lahat nakangiti. Gandang buhay
Pancit canton for meryenda. Sabayan ng tinapay at coffee or coke. Talagang busog much lagi pag nasa bahay lang. Pagkain lang lagi ang nasa isipan. Lets eat guys.
Happy Sunday guys. Ang aga ko magluto ngayon. Salmon with oyster sauce. Kakain muna kami bago gumala. Para makatipid dahil busog na at di na kakain sa labas. Kung ano lang ang sadyang bibilhin ay iyon lang.
Kakarating lang namin. Sabi ko ay di na kami Kakain sa labas para makatipid. Pero di rin nakapagpigil ang anak ko. Nag take out pa rin ng chicken McDonald. Pero ok lang. Minsan lang naman.
Simula Monday ay ngayon lang uli ako nakapagpost dito. Dahil sa sobrang busy at pagod na rin. Pero hanggang sa Friday na lang naman ang busy talaga kami. Merry Christmas sa lahat. Sana maging masaya ang pasko nating lahat. Nagpapasalamat din ako sa mga mababait naming mga boss sa mga pinamigay na pamasko.
Good morning. Lord thank you for another day. Ang sarap pa sana matulog. Lalo na ang lamig na ng panahon. Pero di pwede at kailangan ng bumangon. Kahit wala pang 25 pero marami na akong nakikitang may mga bitbit na regalo. Kaugalian na talaga na tuwing pasko ay nagbibigayan ng regalo. Have a happy and blessed new day.
Dinner na naman. Beef caldereta ang niluto ko. Maraming patatas ang hinalo ko dahil ito lang ang kinakain ko rito. Minsan na lang ako kung kumain ng meat. Mga anak ko.lang ang may gusto ng mga ganitong food. Tara let's eat
Good evening guys. Sobrang nakakapagod na araw. Gabi na rin ako nakauwi. Tinapos muna ang lahat ng dapat tapusin. Pero makakapagpahinga rin dahil tatlong araw.din na walang pasok. Pagdating ko ng bahay ang daming mga batang nangangaroling. Natatawa ako sa ibang mga bata dahil pag di nabigyan ang lalakas ng boses na kakanta ng ang dadamot niyo
Good morning noise family. Merry Christmas. Nakikita ko halos lahat ng kapitbahay namin ay busy sa paghahanda ng mga lulutuin na mga pagkain. Pero ako ay busy din. Kaya lang sa paglalaba. Sana lahat tayo ay maging masaya.pa rin ang ating pasko kahit ano mang pagsubok ang nararanasan natin. Have a happy day.
Happy Christmas. Ang sasaya na ng mga bata ngayon. Ang dami ng namamasko sa kanilang mga ninong at ninang. Pero karamihan ay ito ang totoong nangyayari. Di ba mga kapwa ko nanay.
Dahil malalaki na ang mga anak ko kaya di na sila pumunta sa kanilang mga ninong at mga ninang. Pero di ko akalaing ngayong hapon ay sila ang pumunta sa amin para magbigay ng pamasko sa mga anak ko. Kaya ang sasayapa riin nila dahil nakatanggap pa sila ng gifts at may cash pa. Dinner na naman. Kain po tayo. Ito lang ang kakainin ko ngayon.
Good morning. Super late na ang gising namin. Lahat napasarap ang tulog. Ok lang din dahil holiday pa naman ngayon. Sulitin ang pahinga. Kung hindi pa ako nakaramdam ng gutom ay di pa sana ako babangon. Lahat ng kasama ko sa bahay ay mga tulog pa. Have a happy and blessed day everyone.
Good evening. Ilang araw na lang ay 2023 na. Sana maging masagana tayong lahat.ngayong darating na bagong taon. Sabi nila pag sinalubong daw ang bagong taon ng maingay ay mas maswerte. Tara let's eat dinner. Fried pork ang ulam namin.
Good morning and advance happy new year. Apat na araw ding walang pasok dito sa Pilipinas. Kaya yong mga Gusto mag bakasyon ng prov ay may pagkakataon na. Iyon nga lang ang daming mga pasahero ngayon at siksikan talaga. Rizal day ngayon. Alalahanin natin ang mga kabayanihang nagawa nila para sa ating bansa.
Good morning. Lahat ng tao ngayon ay busy na sa paghahanda ng mga lulutuin para mamaya. Dito sa amin ang aaga ng mga taong namalengke at ang dadaming pinamili. Kaugalian na talaga natin ang maghanda tuwing new year. Advance happy new year everyone.
Isa rin ako sa mga sumusunod sa mga ginagawa ng karamihan tuwing sasapit ang new year. Kaya ngayon pa lang ay ready na. Sumusunod lang ako dahil wala namang mawawala kung maniniwala. Laging magagandang bagay lang ang ating isipin na iyon ang dumating sa ating buhay. Gandang buhay
Kaugalian na ng mga tao ang mag-ingay tuwing new year. Dito sa amin ay masakit na sa tainga makinig sa mga ingay ng mga kapitbahay. Di na magkarinigan. Wala pa nga ang new year ay kanya-kanya ng palakasan ng sounds. Di na maintindihan kung anong sounds ang pakikinggan mo. Musta sa inyong mga lugar.
Happy new year. Umpisahan natin ang unang araw ng taon ng masaya at pasasalamat sa lahat ng blessings na ating natanggap at matatanggap pa lang. Kalimutan na natin ang lahat ng mga pangit na nangyari sa ating buhay noong nakaraang taon. Para maramdaman natin ang totoong kasiyahan sa ating buhay. Good morning and May this year filled with love, happiness and more blessings.