Pag maaga talagang nag-umpisa ng mga gawaing bahay ay maaga ring matatapos. katulad ko na dahil inagahan ko ang paglalaba kaya mga sinampay ko ay malapit ng matuyo. Inaagahan ko talaga ang paglalaba dahil sa bandang hapon ay laging umuulan. Kaya bago man umulan ay nakapagpatuyo na ako. Kahit nakakatamad bumangon ng maaga dahil wala namang pasok ay di pwede. Mahirap pag nasanay na pairalin ang katamaran. Pag tamad ang tao ay walang mararating sa buhay.
@yujin in October 2022
Kakaiba ang neryenda ko ngayon. Pang dessert pero pwede na rin pang meryenda. Ginawa ko ito kagabing buko pandan. Mga anak ko pagkatapos nila mag almusal ay kumain kaagad sila nito. Favorite nila itong pang dessert.
Hoping na this month ay maging ganito rin ang laman ng wallet ko. Wala namang masama mangarap. habang buhay tayo ay may mga pangarap tayong gustong matupad natin. Pero minsan ay di rin natutupad lalo na kung di natin sasabayan ng pagsisikap. Ako napakasimple lang ang aking pangarap. Makita ko lang na maging successful na lahat sa buhay ang aking mga anak ay sobrang saya ko na.
Maaga akong kumain ng lunch kaya gutom na naman ako. Marami naman akong nilutong adobong pusit kanina dahil ulam na namin hanggang dinner. Kaya kakain na naman uli ako. Pero kunti lang. Pampawala lang ng nararamdamang gutom. Alanganing meryenda rin dahil maaga pa.
Remembering my childhood ng makita ko ang picture na ito. Malaki ang koprahan ng lolo at lola ko sa bicol. Doin kami nakatira noong maliliit pa kami. Sa tuwing nagpapakopra sila ay pumupunta kami.doon sa malaking kubo na ginawa nila para paglutuan ng kopra. Pumupunta kami roon para lang manguha nito. Pero iyong maliliit lang ang pinipili namin. Masarap ito kainin lalo na iyong maliliit pa lang. Simpleng buhay noon Pero parang pakiramdam ko ang sasaya namin noon.
Pag nasa bahay lang talaga ay walang ibang maisip kungdi pagkain. Nakaidlip lang ako at paggising ko iyong kalahating kilong grapes na nasa ref ay hiniwa ng mga anak ko. Hinati nila bawat isa. Di ko na naman alam kung anong gagawin nila rito. Nang tinanong ko ay secret daw. Sabay tawa. Mamaya na lang daw pag tapos na.
Dahil past six o'clock na kaya ayaw ko na kumain ng heavy meal. Siyempre for healthy reason and I want also to maintain my body healthy and also to maintain my sexy body (joke) even all my children are in college now. Kaya cookies na lang ang kakainin ko o kaya fruits na lang.
Good night. Inaantok na ako kahit gusto ko pa sana manood ng tv. Kaya lang pag inaantok na ay wag tiisin. Dapat matulog na. Having enough sleep is one way to make us healthy. Unang araw ngayon ng October. May this month bring us abundance of love and never ending peace and happiness.
OCTOBER 2, 2022 So early to wake up today. Good morning. Lord I never tired of saying thank you because you never tired of waking me up each day. Thank you for giving me a chance for extending my life to live with my family and my love ones. May this day filled with good things and answered prayers. Have a happy and blessed day.
It's a new day again. Good morning. Have faith and believe that good things is going to happen. Always stay positive. Maaga akong nagising kanina. Pero nakatulog uli ako ng mga 6am na. Kaya ngayon pa lang ako magkakape. Pero mga kasama ko sa bahay ay tapos na sila mag-agahan. Di rin nila ako inisturbo sa aking tulog. Blessed Sunday kaingay
It's merienda time. Pero sa akin ay hindi ito merienda. Almusal pa lang. Fried eggs and ginisang tuna in can. Pagkatapos ko nito kumain a maghahanda na naman ako ng lulutuin for lunch. Ganito pag nasa bahay lang. Lagi lang pagluluto ng pagkain ang inaatupag. Simula ng pandemic kahit mga anak ko ay tinatamad ng gumala. Kahit yayain kong kakain sa labas ay mas gusto pa nila na magpadeliver na lang.
This is one of the Philippines old photo collection. This bus called ALATCO. Ito ay ang bus company sa bicol region noong 1910 to 1950. Naalala ko pa dati ang mga lolo at lola ko. Itong bus na ito ang sinasakyan nila dati.
Thank you Lord at natapos na naman ang isang buong araw. Walang ginawa kungdi kain at tulog lang. At siyempre nasa social media. Parang kulang ang isang araw natin kung hindi tayo makahawak ng cellphone. Pati mga bata ngayon ay puro cellphone na rin ang hawak. Di na naglalaro para ma exercise ang katawan. Di tulad ng mga bata dati na ang lalakas dahil kumpleto sa exercise ang katawan kaya di mga sakitin. Dinner time na uli pero kami tapos na kumain. Kaya tutok na lang sa tv…
Good night. We only live once. So live it well. Wag nating sayangin ang ating buhay sa mga walang kwentang bagay. Mabuhay tayo ng masaya at with peace of mind. Pag mabuti tayo sa ating kapwa at wala tayong natatapakan ay magiging masaya at payapa ang ating pamumuhay. Oras na para matulog at maipahinga na ang katawan at isipan. Magpasalamat kay God sa buong maghapon na pagprotekta niya sa atin.
Good morning. Thank you Lord for another day to live. Thank you for giving another chance to be a better person. Please bless this monday. Maulan ang umaga ngayon at masarap matulog. Pero need ng bumangon. Magluluto na ako ng food namin for breakfast. Pero bago ang lahat ay inom muna ako ng warm water. Isa ito sa mga paraan sa pagpapanatiling malusog ang ating katawan. Have a happy day.
Good morning. It's monday again. Bagong hamon na naman sa buhay ang ating kakaharapin. Bagong pag-asa at pagkakataon na maipadama natin ang ating pagmamahal sa ating mga mahal sa buhay. Bawat oras ay mahalaga. Wag itong sayangin lang. Gawin na ang mga bagay na gusto nating gawin. Wag ng ipagpaliban pa. Maybe tomorrow may not come. Before it's too late do it now. Have a happy day.
This is our free lunch for today. Sa mga nakikita ko sa mga kasamahan kong iba dahil libre ang food kung makakuha ang dami tapos di naman kaya ubusin. Di man lang nanghinayang dahil lubre ang food. Sa mahal ng mga bilihin ngayon siguro kung sariling pera nila ang pinambili ay di magsasayang ng pagkain.
Family and love is the most important things in this world. So if we have time don't forget to be together with our loveones and show our love to them. Specially to our parents, habang buhay pa sila ay lagi nating iparamdam sa kanila kung gaano natin sila kamahal. Minsan may mga anak na di man lang mabigyan ng kahit na kunting oras para tawagan o bisitahin man lang ang kanilang mga magulang. Pero pag mawala na ay grabe ang.iyak at sasabihing mahal na mahal niya ang kanyang…
Kahit napagod ako sa maghapon pero masaya ako pag-uwi ko ng bahay. Tapos na uli magluto ng ulam namin ang mga anak ko. Pork adobo with eggs ang niluto nila. Maaasahan na talaga ang mga bagels ko. Di na naghihintay sa akin. Kusa na silang nagluluto kung ano ang may stock sa ref. Sobrang nagpapasalamat ako na katulad nila ang mga naging anak ko.
Transportation in Pandan Catanduanes during 60's and 70's. But until now it is still happening in some remote areas here in Philippines. Where transportation is very difficult. Noong mga panahong iyon ay iilan pa lang ang sasakyan sa kanilang lugar. Kaya bago man umalis ay overload talaga at pati bubong ay puno.
Kindness is the only gift that all of us can afford to give. Because it is costs nothing but it is worth a lot. So wherever we go always show kindness to everyone. Good evening.
OCTOBER 4' 2022 Thank you Lord for the gift of life. Thank you for allowing me to witness another beautiful day. I pray that today is day of more blessings and miracles. Please protect me and my loveones not only for today but for everyday. I begin this day to surrender all my plan to you. Good morning happy people. Smile lang palagi. Para laging maaliwalas ang ating buhay.
Bago kami natulog kagabi ay nag request ang aking bunso na dapat daw ay masarap ang ulam nila ngayon dahil may exam daw siya. Kaya pinagbigyan ko. Nilutuan ko sila ng Bulgoli bago ako umalis. Isa sa mga favorite niyang ulam. Minsan lang ako kung magluto nito halos two to three times a year lang. Dahil request lang ni bunso kaya pinagbigyan ko.
One way to be happy is to wake up early. Go out until the sun comes up. Pag nasilayan natin ang pagsikat ng araw ay nagpapahiwatig sa atin ng pag-asa. Na kahit anong dumating na pagsubok ay lilipas din.
Share ko uli rito ang free lunch namin ngayon. Ganito ang pagkain ng katabi ko. Complete meal uli ang kinuha niya. Sa akin ay pancit lang kinuha ko. Di naman ako malakas kumain. Nakatawa lang sa akin katabi ko habang kinukuhanan ko ng picture foods niya. Biniro pa nya ako na kulang pa nga raw iyon sa kanya.
Chocolate pasalubong ng isa naming kasamahan sa work dati. Naka-assign na siya ngayon sa sister company na pinapasukan ko. Nasa Papua New Guinea siya. Ngayon andito uli siya sa Pilipinas for vacation. Free transportation and vacation with pay. Maganda rin sana ma assign doon kasi malak ang sahod pero sa katulad ko ay di ko kayang iwan mga anak ko.
Wala akong ibang maisip lutuin na mabilis lang kungdi pancit canton. Ang pinanghalo ko rito ay yong tira naming adobong pork at tirang adobong pusit. Kaya sandali lang lutuin dahil mga luto na ang sahog niya. Di walang nasayang na mga tirang ulam. Masarap din pala kahit mga tirang ulam ang pinanghalo ko. Mga anak ko nga di na kumain ng rice. Pancit lang at saka bread ang hapunan nila.
Good morning. Thank you Lord for this another beautiful day. No matter what I face today I know I can overcome because of God's help. As usual maaga lagi ako gumigising. Gagawin muna ang mga gawaing bahay bago umalis. Lalo pa at exam ng mga anak ko ngayon. Busy sila sa pagre -review. Siyempre gusto nilang ma maintain ang.kanilang matataas na grades.
Sinong nakapansin na sainyo rito. Na ang month of October ay may limang days na Saturday, limang days na Sunday at limang days na Monday. Ayon sa Chinese feng shui ito raw ay tinatawag na money bag. Ayon lang iyon sa kanilang paniniwala. Pero di lahat ng tao ay naniniwala sa mga ganito.
Some true wealth is invisible. Like peace of mind. Kung mayron kang peace of mind ay mamumuhay kang masaya. Dahil wala kang inaalala. Kaya habang buhay tayo ay gawin natin kung ano lang ang mga nararapat para payapa ang ating isipan. Wag tayong gagawa ng mga bagay na mayroon tayong nasasagasaan. Dahil habangbuhay natin itong dadalhin
Dahil fried chicken ang ulam ng mga bata kanina at may tira pa kaya gulay naman ang niluto kong ulam namin ngayon. Naggata ako ng kalabasa at may kunting sitaw at kunting hipon. Dahil kunti lang naman ang niluto ko kaya super magata siya. Ang sarap din ng lasa.
Now watching Maria Clara and Ibarra. Habang andito kay noise para mag-ingay. Pampaantok din dahil mamaya lang kunti ay matutulog na ako. Natutuwa lang ako sa role na ginagampanan ni Barbie Forteza sa palabas na ito. Kung sa totoong buhay ay parang nakakahiya. Good night sa lahat.
Good morning. Everyday is a fresh start. Always wake up with a grateful heart. Now coffee muna habang nagluluto. Malamig na ang simoy ng hangin sa lugar namin. Halatang malapit na ang pasko. Ang pinakahihintay ng lahat. Have a happy day.
Paalis na sana ako papuntang work. Dumaan sa amin kapatid ko at may binigay na mga prutas. Ang dami rin. Matutuwa na naman nito mga anak ko paggising nila. Kung ano na naman ang gagawin nila dito. Thank you so much sa kapatid ko. Alam ko na di ka na ngayon masyadong hirap sa buhay dahil lahat ng anak mo ay may trabaho na. Di tulad ko na lahat pa sila nag-aaral. Thank you so much for sharing your blessings.
Bago ako umalis kanina ay nilutuan ko na mga anak ko ng ulam nila. Dahil may exam pa sila ngayon para maka focus sa exam nila. Di na sila magluluto pa. Sinubukan kong lutuin ang napanood ko sa you tube. Isang Japanese food ang Catsudon. Masarap din pala.
Our free lunch for today. May kasama pa iyan na fried fish. Siguro nagsawa na rin sa isda kaya di na kumuha. Sa katabi ko uli itong food. Sa akin ay rice and gulay lang.
Dahil wala ng pandemic kaya back to normal na uli ang mga activities na ginagawa sa work namin. Every first Friday of the month ay may misa na ginaganap sa company for thanksgiving.. Kaya ngayon pa lang ay nakaready na ang mga pang-alay na fruits. Kaya di ako kaagad nakauwi dahil binalot ko pa itong mga fruits.
Let's eat dinner. I cooked what I want to eat today. And it is beef caldereta with many potatoes. Di lang naman ako ang may gusto nito but the whole family. Lalo na ang aking bunso. Hayun lumabas kaagad at bibili raw ng softdrinks para lalo siyang ganahan kumain.
Good morning In a few hours we are going to smile because more blessings are coming in our way. Alanganing gising. Di na pwedeng matulog pa. Baka late na kung magising pag nakatulog pa. Dito na muna para mag-ingay. Hoping na lahat tayo ay maging masaya sa araw na ito. Have a blessed day.
Ang aga ko pumasok ngayon. Preparing for the venue na pagdadausan ng misa. Pati bulaklak ay ready na rin. Salamat sa kasama ko na incharge din dito at maaga rin dumating. Exactly 8 o'clock mag-umpisa ang misa. Have a blessed and happy day everyone.
Manggang hilaw. Ito ang kinakain ko ngayon habang nagtatrabaho. Akala mo pagkain ng naglilihi. Pampawala lang ito ng antok. Pinapapak ko paisa-isa. Di naman siya gaano maasin pero di naman din matamis. Tama lang ang lasa niya.
Sharing here again ang free lunch namin kanina. Nauna akong dumating kaya nakuhanan ko ng picture uli. Ang sarap lagi ng food na inihahanda nila. Kahit libre pero masarap at complete meal lagi. Maulan na naman sa amin. Sana mamayang uwian ay tumigil na rin.
Ready na ang food namin for dinner. For 30 minutes ay luto na kaagad. Chicken afritada ang niluto ko. Para may sauce naman. Hindi yong puro lang prito. Sauce pa lang nito ay ulam na. Ako pinipili ko lang kainin dito ay yong halong patatas at carrots. Para ang chicken ay sa mga anak ko na lang.
Antok na antok na ako kahit maaga pa. Siguro dahil din sa.pagod. Pagkatapos ko kumain ng hapunan ay naglaba na ako ng ilang damit para mabawasan na ang labahin ko bukas. Masasabi ngang walang pasok pero minsan mas pagod pa nga. Lalo na kung ang daming gawaing bahay. Bye na muna. Bukas na uli ako mag-iingay. Good night
Thank you Lord for this new day again. Thank you for giving me another chance to live with my family. A chance to forgive and to ask forgiveness. Be blessed and a blessings to others. Thank you for your love, guidance and protection. Good morning noise family. Kahit walang pasok ay maaga pa rin ako gumising. Umpisahan na ang mga gawaing bahay para mamaya ay mag-iingay na lang. Have a happy day.
A beautiful creation by God. Kung paggising ko sa umaga ay ganito kaagad ang makikita ko ay laging ang saya ng buong araw ko. Dahil sa ganda nito. Pampawala ng stress. Kaya lang ay hindi ito sa amin. Naglakad lang ako papuntang palengke hindi para makatipid kungdi for exercise na rin. Nadaanan ko lang ito at kinuhanan ko ng picture.
Food for lunch. Beef nilaga. Ang sarap ng mainit na sabaw sa pagod na katawan. Pambawi ng lakas. At masustansiya pa. Pagdating ko galing ng palengke ay nagluto ako kaagad. Para kung sino man ang gusto na kumain ay may makakain na. Relaxing time na ako. Wala na akong gagawin sa bahay kaya maraming oras para mag-ingay. Enjoy your day kaingay.
Nagutom si bunso. Pagkatapos ng online class ay nagluto siya. Akala ko kung anong lulutuin. Itlog lang pala pati hotdog. Pagkatapos kumain ay tulog kaagad. Di na nakapaghugas ng kinainan niya. Akala mo sobrang napuyat.
Nasubukan niyo na rin ba magluto ng ginataang gulay na ang halo ay sardines. Ito ang ginawa ko ngayon. Ang sarap din. Kaya lang sobrang mahal ng mga gulay ngayon dito sa NCR. Isang pirasong medium size na sibuyas ay ten pesos isa. Kunti lang ang niluto kong gulay pero ang halaga niya lahat ay katumbas ng isang kilong chicken.
Nakahiga na sana ako. Pero may nangatok. Pamangkin ko pala. May dalang blessing. Buko pandan salad. Mapapakain tuloy uli ako. Ang dami pa namang binigay. Good night. Bye muna at bukas na uli mag-iingay.
Good morning. Thank you Lord for blessing me another day. Another day for me to be happy and to enjoy my life. One of the purpose of our life is to be happy. So if we are happy all people around us are happy too. Di ba sa isang family pag malungkot ang isa ay parang malungkot na rin ang lahat lalo na ang isang nanay na katulad ko. Kaya sa amin kahit minsan nahihirapan na ako pero di ko ipinapakita na nalulungkot ako. Lagi pa rin akong nakangiti kaya laging masaya ang buong…
Happy family day. Pag maaga gumising at maaga rin umpisahan ang gawain ay maaga ring matatapos. Kaya ang aga pa ay tapos na ako magluto ng ulam namin mamayang tanghali hanggang gabi na. Kaya maraming oras para mag-ingay. Pork belly adobo with eggs ang niluto ko.
Dahil wala na akong gagawin sa bahay kaya naisipan kong mag general cleaning na lang. Nakita ko itong ibang medals ng mga anak ko na nakatago lang sa cabinet. Lahat kasi ng tatlo kong anak ay may mga medals silang ntatanggap simula elementary hanggang grade twelve. Kaya marami na akong nakadisplay sa bahay namin na mga medals nila. Di ko akalaing may nakatago pa pala sa cabinet. Musta ang araw niyo ngayon mga kaingay. Ako nanlalata sa pagod pagkatapos maglinis. Pero sulit…
True kindness is always comes from the heart. Sa panahon ngayon ay marami ang nagbabait-baitan lalo na kung maraming tao ang nakakakta at lalo na kung mayron kamera. Ang totoong mabait ay di na dapat ikwento pa sa iba ang ginawang kabutihan sa kapwa. Kahit walang ibang taong makakakita ay gagawa pa rin ng kabutihan ang totoong mabait. May mga tao kasi na ang bait pag kaharap ka pero pag nakatalikod ka na ay kung anu-anong kwento ang gagawin sayo.
Good night kaingay. Time for me to sleep again. Lord thank you for all the blessings you have given me this day. Hoping that tomorrow could be the day that I have been waiting for. Bye kaingay. See you tomorrow again.
It's Monday again. Thank you Lord for this new beautiful day. Please make this week healthy and joyful. Ang aga pa lang pero ang init na ng sikat ng araw. Nakakauhaw kaagad. Kaya ang mga lalabas ay wag kalimutan magbaon ng tubig. Have a blessed Monday.
Natatawa ako ng makita ko ito. Pero di magbabago ang paniniwala ko na Do good and good will come back to you. Happy monday
Share ko lang dito ang isa sa mga old picture ng Sta. Mesa dati. Ito ay noong 1946. Maganda na pala dati pa ang Sta. Mesa. Kaya lang mas kunti pa lang ang tao noon kaysa ngayon.
Nakakapagod ang araw na ito. Pero salamat sa mga anak ko dahil pagdating ko ng bahay ay tapos na sila magluto. Makakapagpahinga na rin ako. Chicken adobo ang niluto nila. Isa rin ito sa mga paborito nilang food.
Good night noise family. Kanina pa sana ako inaantok at gusto ko ng matulog. Kaya lang hinihintay ko pa ang isa kong anak. May group activities silang ginagawa. At hanggang ngayon di pa dumarating. Mamayang kunti pa raw siya uuwi dahil di pa sila tapos. Ganito talaga mga nanay sobrang maalalahanin sa mga anak.
When we wake up talk to God and thanks Him for everything. And make sure that we think always good things so that all good will happen to us for the day. Never sumimangot lalo na sa umaga. Magiging mabigat sa pakiramdam buong maghapon. Have a happy day.
Bago ako umalis kaninang umaga sa bahay ay nag marinate na ako ng beef para sa ulam namin mamayang gabi. Para pagdating ko ng bahay ay lulutuin na lang at siguradong malasa siya. Nilagyan ko lang siya ng rosemary, salt, pepper, calamansi garlic and knorr seasoning. Mabilis lang ito lutuin dahil ito yong malambot na parte ng beef.
Sila ang mga taong kahit di ko sila mga relatives o kaya di ko sila kaanu-ano pero sila iyong mga ayaw kong mawala sa akin. Di ba lahat tayo ay may gusto sa kanila. At ayaw nating mawala sila sa atin.
Marunong na rin mga anak ko. May kanin kaming bahaw sa ref at para di masayang ay sinangag nila at hinaluan ng corned beef at itlog. Kahit ito nga lang kainin ay pwede na. May kasama ng ulam.
Good morning. Thank you Lord for this new day. Thank you that I am alive, healthy and blessed. Let's eat breakfast. Pancit and coffee. Tira pa ito noong isang araw. Kakainin ko na lang para di masayang. Nakalagay na naman sa ref at pwede pa kainin.
Ito ang plantsa ng ating mga lolo at lola. Noong mga panahong wala pang cellphone, Internet o kaya wifi. Pero totoong wireless na ito. Mga panahong uso pa ang bayanihan. Lahat ng tao nagdadamayan. Pero kahit simple lang ang buhay noon pero masaya. Alam ko na karamihan dito ay di na nakakita nito sa personal.
Pagdating ko ng bahay ay nagmamadali akong mag-ipon ng tubig. Dahil everyday from 6pm to 4 am ay mawawalan na kami ng tubig. Kaya lahat ng gripo sa bahay ay nakabukas at may nakasahod. Ang hirap pag walang tubig. Mabuti nga at may advice na rin ang Maynilad.
Nagkahiyaan pa. May natira pang kunti sa niluto kong tempura. Papapakin ko na lang ito mamaya bago ako matulog. Papangit na kasi ito kung ilagay pa sa ref. Now relaxing time muna. Nag-iingay dito habang nanonood ng news. Mabuti na ang laging updated sa mga balita.
Hello good morning. Ang aga ko para mag-ingay dito. Musta ang tulog niyo. Lord thank you for giving me another day of my life. A chance for me to show my love to my family. And to do another good things to others. Doing something good to others make my day complete.
Lets eat breakfast. Binigay lang ito ng kapitbahay namin na may birthday kahapon. Tapos na kami kumain ng hapunan ng binigay kaya d na nakain at nilagay ko na lang sa ref. D tinipid sa ingredients ang pagluto kaya masarap. Good morning
15 minutes breaktime. Gusto kong uminom ng coffee pero di na lang. Maaga pa pero ang init ng.panahon sa lugar namin. Maalinsangan sobra. Kaya cold water na lang ang iinumin ko. Lagi akong may malamig na tubig sa tabi ko. Maya-maya ay umiinom ako. Kaya parang lagi tuloy akong busog. Iyon pala tubig lang.
Share ko lang ito rito. Sinubukan kong lutuin saglit sa oven yong spaghetti at nilagyan ko ng maraming cheese sa ibabaw. Di pala pwede pag ordinaryong cheese lang. Dahil di naman natunaw at nasunog lang.
Dinner n naman. Beef salpicao ang ulam namin. Tipid-tipid muna ngayon dahil wala ng budget. Kaya kunti lang ito. pagkakasyahin na lang naming lima. Damihan na lang ng kanin para mabusog.
Good morning. Everyday maliit man o malaking blessings ang aking natatanggap ay lubos ang aking pasasalamat. Nagluto ako ng kunting pancit. Ito na muna ang pagkain ng mga anak ko ngayong umaga hanggang tanghali. Babawi na lang ako sa kanila mamaya dahil payday naman ngayon. Minsan ko lang sila mabilhan ng gusto nila pero mga maunawain ang mga anak ko. Alam nila kung anong.sitwasyon mayron kami. Pero happy lang tayo palagi.
Kararating ko lang galing sa labas dahil may nilakad lang akong importante. Thanks sa kasama ko dahil ipinagtabi niya ako ng food dahil alam niyang gusto ko ito. Kaya ngayon pa lang ako kakain. Late lunch na. No rice na lang ako Dahil carbohydrate din itong pagkain ko. Ang pasta with tahong.
Birthday sa Friday ng mismong may-ari ng company namin. Sa tuwing birthday niya ay nagpapakain siya sa.lahat ng mga admin employees. Nagpapadeliver siya ng limang lechon pork, 100 chicken savory at special kikiam. Almost 450 employees are invited. Kaya ngayon pa lang ay namili na ng mga bilao messenger namin para dito ilalagay ang mga foods.
Thank you sa blessing. May ulam na kami. Dumaan sa amin pinsan ko galing ng fishport dahil namili sila ng isda. Binigyan niya mga anak ko ng sariwang squid. Prinito rin kaagad ng mga anak ko. Ito na lang ang uulamin namin. Kaya lang ay need ko pa rin magluto. Di kumakain nito si bunso.
Pag sinuswerte nga naman. Maraming blessings ang dumarating. Kahit gabi na ay may namimigay pa rin ng food. Kaya kahit busog na ay kain pa rin. Kaya lang nabawasan na ng ma picturan ko.
Spaghetti For almusal and meryenda namin. Kinuhanan ko muna ng picture bago ko pinakain mga bata. Sabi ni bunso nagugutom na ako bakit kailangan pa picturan muna. Lalo ko inasar sabi ko di pa pwede kainin dahil may darating na bisita. Nagugutom na raw siya bakit kailangan pang maghintay. Minsan ang sarap asarin ng bunso ko. Kasi di siya umiimik pero parang iiyak.
Feeling ko pasko na dahil sa maraming pagkain ang mga binigay sa amin simula pa kahapon hanggang ngayon. Ito ang kabibigay lang sa amin. Mango sago ang cake. Kaya ang ref namin ay maraming pagkain pero lahat bigay. Salamat sa mga mababait kong mga kapitbahay at nakatipid ako ngayon dahil sa mga bigay niyo.
Having a happy life is good enough for me. Even I don't have the best life I want to be. Maituturing ko ng so much blessed ako at napakasaya ko sa pagkakaroon ko ng mga anak na bukod sa mababait ay matatalino pa. Di sila lumalabas ng bahay para mambarkada. Di tulad ng ibang mga kabataang nakikita ko. School at bahay lang talaga sila. Lahat sila ay focus sa kanilang pag-aaral. Kaya kita naman sa mga grades nila. Lahat line of 9. Kaya di ko pinanghihinayangan ang…
Happy Sunday. Another day, another blessing and another chance of life. Dumaan yong suki kong nagtitinda ng mga prutas. Iba ang binebenta niya ngayon. Tahong kaya napabili rin ako. Kaya niluto ko kaagad. Ulam na namin ito mamayang lunch. Kaya.lang di ito pwede sa mga high blood dahil ang taas nito sa cholesterol.
Kurumbot ang tawag namin dito sa Bicol. Tumutubo lang ito sa mga damuhan o kaya sa mga tabing kalsada. Kinakain namin ito pag hinog na. Alam ko na iilan lang dito sainyo ang.alam ito. Masarap din ito. Pero nang umuwi ako ng Bicol noong nakaraang taon ay wala na akong nakitang ganito. Isa lang kasi itong ligaw na halaman.
Ang gaganda naman ng mga halaman nila. Kaya kinuhanan ko talaga.ng picture. Ang gandang pagmasdan. Kaya lang magastos din pag.mag-alaga ng.mga.ganito Di pwede kung kulang ka sa budget. Lalo na sa katulad ko.
Nakakaasar na ang mga ganitong gawain. Minsan mga ilan ang natatanggap kong ganito sa isang araw. Mga walang magawa sa buhay. Pero di ko na lang pinapansin at binubura ko kaagad.
Happy Monday. So busy kami ngayon. Birthday ng boss namin. Isa kami sa mga mag-aasikaso ng mga foods ang ang lugar kung saan kakain ang mga employees. Only admin employees are envited. Di kasi kakayanin. Almost 400 na ang admin employees pa lang. Blessed Monday kaingay
Coffee jelly. Ang sisipag ng mga anak ko gumawa ng dessert. Pag may makita silang stock sa bahay na kung ano pwede gawin ay ginagawa kaagad nila. katulad nito dahil may stock akong cream at condense ay kung ano kaagad ang.nagawa nila. Kaya kakain na rin lang ako.
Sino may gusto ng cupcake. Kuha lang po kayo. Libre lang ito. Kasama ito sa pakain ng boss namin kanina. 500 pieces ito at pinasadyang ipagawa. Pwede na rin at medyo masarap din.
Good night noise family. Pagod sa maghapon kaya maagang matutulog. Pag pagod pa naman ang bilis lang makatulog. Kahit may maingay pero balewala lang. Nakakatulog pa din. Samantalang minsan kahit gustong-gusto mo na matulog pero di makatulog. Bye muna. Matutulog na ako para makabawi ng lakas.
Happy new day and new blessing. Let's eat breakfast. Coffee and fried banana saba. Ayaw ko muna ng heavy breakfast. Dahil kakain din mamaya ng meryenda. Minsan pag oras ng meryenda at parang busog pa ako ay di na ako nakakakain. Bago tuloy mag twelve o'clock ay parang sobrang gutom ko na rin. Blessed morning.
Anong masasabi niyo sa pagkain ng katabi ko. May rice, vegetables, beef nilaga, fried chicken at lechon paksiw. Kung kayo kaya niyo ba ito ubusin. Ako mga one fourth lang siguro nitong food ang.kaya ko.
People have different looks different appearance and different behavior. Kaya dapat matuto tayong makisama at makibagay sa lahat ng uri ng mga taong ating makakasalamuha. Dahil ipinanganak tayo rito sa mundo na magkakaiba.
Ito ang isa sa mga favorite kong food na handa ng boss namin kahapon. Ang kikiam dahil ito ay super healthy. Mabibili ito sa halagang 35 pesos each sa mismong pagawaan nito. Ito ay gawa sa pure ground mixed vegetables. Masarap na at healthy pa.
Gusto ko pa sanang manood ng tv at mag-ingay dito. Kaya lang need ko ng matulog dahil maaga ako lagi kong gumising. Sa bawat gabi ay sinisiguro kong mayron akong six to eight hours na tulog. Kailangan ng katawan natin ang tamang pahinga para laging malusog ang ating katawan. Isa sa mga dahilan kung bakit mabilis dapuan ng sakit ang isang tao ay kung laging kulang sa tulog. Kaya habang malusog ang ating katawan ay lalo natin itong pangalagaan. Magiging masaya at magagawa…
Bigla akong nagising sa malakas na buhos ng ulan. Pagtingin ko sa orasan ay past twelve na pala. Lumamig din ang panahon. Kanina sobrang maalinsangan. Nawala na rin antok ko. Kaya andito muna ako kay noise. Kumusta ang panahon sa lugar niyo? Mapapahimbing na nito ang tulog ko mamaya dahil sa lumalamig na panahon.
Lalong lumakas ang buhos ng ulan. At ang lalaki ng buhos niya. Parang nakakatakot. Di tuloy ako dalawin ng antok. Sandali pa lang ang ulan pero nag-umpisa na magkatubig ang kalsada Ingat po ang lahat lalo na sa mga kugar na katulad sa amin. Baka mamaya lang nito ay baha na.
Thank you lord for this new beautiful day of my life. Ang aga ko na naman uli gumising. Siyempre para sa pamilya. Kahit maruruning na magluto mga anak ko pero ayaw ko pa ring umalis ng bahay na wala pang lutong pagkain. Kaya kahit nakakatamad pang bumangon ay di pwede. Magdamag na ang ulan sa amin hanggang ngayon. Pero mahina na ngayon. Di tulad kagabi na grabeng lakas. Gandang umaga.
Good morning. Lalo akong sinisipag at nagiging energetic nang pagbukas ko ng aking wallet ay may mga blessings na dumating. Pag naipon na ito ay pandagdag.na rin para sa gastusin ng mga bata sa school. Having three college students ay napakahirap lalo na sa financial. Pero nakakaraos din. Laking pasasalamat ko sa mga online apps na kahit papano ay kumikita tayo kahit pakunti-kunti katulad kay noise. Saan ba nag-uumpisa ang malaki di ba sa maliit muna. Gandang buhay. Ito pa…
Ang tuwa ng mga anak ko dahil makakakain daw sila ng lechon paksiw. Binigay sa kanila ng.kapatid ng asawa ko. Di kasi namin afford bumili nito. Nakakakain lang kami kung may.magbigay. Happy lunch time sa lahat. Enjoy your meal.
Nakakaramdam ako ng antok. Pero di pwede matulog. Nasa oras ng trabaho.One hour pa bago mag breaktime na pwede pumikit kahit saglit. Makapagtimpla nga ng black coffee para mawala kahit papano ang aking antok. Ano bang pagkain ang nakakawala ng antok.
So much thankful ako sa mga anak ko dahil maaasahan na sila sa bahay kahit busy rin sila sa kanilang pag-aaral. Nag send sa akin ng picture si bunso kanina at wag na raw ako bumili ng ulam dahil tapos na sila magluto. Ground pork with eggs ang niluto nila. Medyo putla nga lang. Pero ik na rin
Tapos na kami kumain pati magligpit. Now relaxing time na. Oras na para mag-ingay dito at siyempre manood din ng daily news para updated sa lahat ng mga nangyayari sa ating paligid. And also sa panonood, we will learn something new. Habang buhay tayo ay mas makakabuti sa atin na may mga bagong kaalaman tayong matutunan. Kaya ako ay mahilig magtanong lalo na sa mga bagay na di ko pa alam. Minsan may mga bagay.na napakasimple lang.pero di rin natin alam. Kaya nga walang taong…
Thank you Lord sa bagong umaga at bagong pag-asa. Hindi natin alam kung hanngang kailan tayo mabubuhay dito sa mundo. Kaya lagi nating piliin ang gumawa ng mabuti at mabuhay ng masaya. Maulan ang umaga sa lugar namin. Kaya ang sarap pa matulog. Maaga lang akong nagising dahil wala pang eight o'clock kagabi ay natulog na ako. Gandang umaga sa lahat
Thank you for this day. Even if what kind of weather we have, if it is rainy, cloudy, or sunny but every morning is still a blessing. So everyday live our life to the fullest. Always smile and be happy. Wag sayangin ang mga araw natin sa.mundo na malungkot. Mabuhay ng masaya at payapa. Wag makialam sa buhay ng iba. Instead do good to others. Happy morning
Pinapainggit ako ng mga ana ko. Gagawa raw silang fruit shake. Nakabili na raw sila ng papaya sa naglalako ng mga prutas. Ito ang gagawin nilang meryenda pati dessert na rin. Mas ok na nga ito dahil healthy.
Gusto ko lang share rito ang isa sa mga product na binebenta ng sister company namin. Ang frabelle marketplace. Itong coffee capsule ay isa sa mga binibenta nila online. Ang frabelle marketplace ay parang shopee o lazada na nagbebenta through online. Lahat ng products nila ay mga pagkain. karamihan frozen foods.
Lahat ng tao ay nakakaranas ng mga pagsubok. Kaya kung nasa taas ka ngayon o kaya nasa tagumpay ka ay wag magyabang. At baka dumating ang panahon na ikaw naman ang subukin at di mo kayanin. Meryenda na naman po. Coffee lang sa akin ay sapat.na. Pampagising dahil nakakantok na. Di bale ngayong undas ay 4 days na walang pasok. Magpakasawa ako nito sa kakatulog. Gandang hapon.
Isa ito sa mga nakadisplay dito sa isang conference room sa work namin. Nagandahan lang ako kaya kinuhanan ko ng picture. May nakalagay dito na gold plated of 24 carats gold. Sabi ng kasama ko at bigay lang daw ito ng isang Chinese supplier. Pero talagang nagagandahan ako rito.
Ang masarap na beef caldereta. Dinner na naman at ito ang ulam namin. 30 minutes kong pinalambot sa pressure cooker ay ang lambot kaagad. Kaya mabilis lang din lutuin ganitong ulam. Pero kung sa ordinaryong luto lang ay aabutin ng mga two hours bago lumambot ang karneng beef. Masarap ito kainin kong malambot at.maraming sauce.
Remembering my childhood. Ganito ang bahay namin dati. Kahoy ang sahig pero nara siya. Pag bagong bunot ang kintab ng sahig lalo na kung may floor wax. Ang ganda tingnan. Pero nakakapagod din magbunot ng sahig. Sa ngayon ay wala na akong nakikitang gumagamit nito.
Thanks God it's Friday again. A new day to improve myself and to be happy again. Everyday make sure that we learn something new and make something good to others. Good morning. Ang aga ko na naman uli magising. Ito na ang kinasanayan. Now drinking warm water while preparing some foods to cook. Have a happy day.
Thank you for the food I have today. Let's eat breakfast. A heavy meal but healthy. Rice, gulay and papaya. Sa umaga ay laging kumain ng tama. Para healthy lagi ang ating katawan. Pag healthy tayo ay masaya tayo dahil lahat ng gusto natin ay magagawa natin at siyempre ma-eenjoy natin ang ating buhay. Gandang buhay
One of my secret for having a flat tummy is drinking water with cucumber. Drinking water with cucumber specially in the afternoon has many health benefits in our body.
Hello sa lahat. Tambay muna rito habang naka break. Ayaw ko na kumain. Busog pa ako at malapit na rin uwian. Basa lang muna ng mga post dito. Dito ko uubusin ang oras ko habang breaktime. May mga bagong kaalaman din akong natututunan dito
Pagdating ko ng bahay ay ito ang naabutan ko. Nasa amin ang kapatid ko at may dalang manok na pansabong. Pinagyayabang niya sa asawa ko. Imbes na walang bisyo asawa ko ay tuturuan pa maging sabungero. Mabuti siya lahat ng mga anak niya ay may magaganda ng trabaho samantalang ako nag-aaral pa lahat.
Gumawa ako ng cucumber salad. Ito na lang ang hapunan ko pati bread. No heavy meal na dahil malapit nang matulog. It's our duty to keep our body healthy. Tayo ang nakakaalam kung ano ang makakabuti sa ating kalusugan. Health is still the biggest wealth.
A DAILY REMINDER. ALWAYS TAKE CARE OF OUR HEALTH. Waking up is the first blessing that we received everyday. And waking up healthy is also a big blessing for us. Lagi nating aalagaan ang ating kalusugan. Kahit gaano pa tayo kayaman kung hindi mabuti ang ating kalusugan ay hindi tayo mag- eenjoy sa ating buhay. Gandang buhay. SMILE.
Happy Saturday. Lahat ng blessings na aking natatanggap at matatanggap pa lang ay laking pasasalamat ko. At ipinagpapasalamat ko rin lahat ng bagay na mayron ako ngayon. Ang aga ko makaluto ng pancit. Pang-almusal at pang meryenda na rin. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng paglalaba pero inuna ko muna pagluto para makakain na rin. Let's eat breakfast.
Bumili ng buong pork lechon kapitbahay namin. At ibinebenta niya per kilo. Inalok akong bumili. Tinanggihan ko at sabi ko wala na akong budget para rito. Pwede naman daw utang at sa sahod na lang ang bayad. Bilang pakikisama ay kumuha ako ng isang kilo. one thousand pesos per kilo. Sa katulad kong nagtitipid ay malaking halaga na ang isang libo para sa ulam lang. Kaya niluto ko na lang itong lechon paksiw para may sauce at mas dumami. Happy lunch time.
Nang makita ko ang picture na ito ay bigla kong naalala ang pangit na naranasan ko sa lugar malapit dito. Ito ang kanto ng Recto Avenue at Rizal Avenue sa lungsod ng Maynila. First job ko ay sa isang jewelry store malapit dito. May customer na talagang gawain na talaga niya ang magnakaw. May alahas na ang tagal niyang tinitingnan at sinusukat. May dumating din na iba pang customer at ang gugulo na parang nililito ako o baka kasabwat ng naunang dumating. Habang ang gugulo ng…
Gandang buhay. Ilang oras din akong walang ginagawa at puro cellphone lang hawak. Mamaya lang kunti ay kakain na kami. Di na ako nagluto. Hinati ko sa tatlo yong ulam namin kaninang lechon paksiw. Yong isang hati ay inulam namin kanina at ngayon naman yong isang hati. Inilagay ko sa freezer ang.isang hati para iulam namin sa mga susunod na araw. Kailangan magtipid sa panahon ngayon para di magkautang.
Lord thank you for keeping me and my family safe through the night. Thank you again for blessing us to see another beautiful day. It's Sunday and a family day. It is also the day that most people go to church. Bago pandemic halos tuwing linggo ay pumupunta kami ng church. Pero ng dahil sa pandemic hanggang ngayon ay sa mga online mass na lang kami nanonood. But even I can't go to church but God is always in my heart. Gandang buhay.
Now I am eating breakfast habang andito kay noise para mag-ingay. Ako pa tuloy na matanda ang napuna ng anak ko. Bakit daw di ko muna tapusin ang pagkain bago mag cellphone. Parang nahiya ako sa sarili ko. Let's eat. Bread, eggs and pancit canton ang food namin.
Healthy living muna ngayon. Ginataang gulay. Pumunta ako ng palengke. Sa halagang 200 ay ito lang ang nabili ko. Halos doble ang presyo ng mga gulay ngayon. Kaya di na gaano magata pagkakaluto ko dahil maliit na lang na niyog ang nabili ko pero forty pesos na rin ang halaga. For two hundred pesos na halaga ay ganito lang karami.
Pagkatapos namin kumain ay wala akong ibang ginawa kungdi ang humawak ng cellphone. Nang magsawa na ay naisipan kong magluto ng spaghetti dahil may mga stock pa naman akong ingredients para rito. Kalahating kilo ang niluto ko. Pagkain na namin ito hanggang mamayang hapunan. Di na kami magluluto ng ulam pati rice. Spaghetti na rin pati bread ang hapunan namin. Pag nasa bahay ay magastos talaga. Walang ibang maisip kungdi pagkain. Lalo na nito ngayong darating na undas. Mas…
Ang sarap ng pahiga-higa ko. May katok ng katok. Blessing pala. Birthday ng isa naming kapitbahay. Ito binigay sa amin. Fried chicken, pancit and lechon kawali. Sabi ng anak ay ulam na lang nila bukas. Nakalibre na uli ng ulam.
Dito na lang ako kay noise para mag-ingay. Di ako makapanood ng tv. Naunahan ako ng mga anak ko. Nanonood sila ng Korean movie sa you tube at naka connect sa tv. Wala naman akong maintindihan sa pinapanood nila. Samantalang sila ang sasaya habang nanonood. Bawat generation talaga ay magkaka-iba ang gusto panoorin.
Thank you Lord it's Monday again. Ito ang araw na halos lahat ng mga tao ay busy lalo na ang mga nanay na may mga anak na papasiok sa school. At pati rin ang mga taong naghahanap pa lang ng job ay sa ganitong araw din busy. Katulad ko ang aga pa pero tapos na ako magluto ng agahan namin. May mga gising na rin ba rito. May this week filled with love and happiness. Good morning
Kasarap naman nitong baon ng kasama ko. Maaga kaming kumain dahil lalabas kami at may pupuntahan. Naparami tuloy ng kain ko. Ang sarap ng pagkakagawa nitong chicken barbeque. Siguro ang iba diyan ay natatakam din.
Swerte talaga natin kung may mga kapitbahay tayong mababait at mapagbigay. Katulad ngayon nagsend sa akin ng picture anak ko. May tira pa raw sila sa meryenda nila. Bigay uli ng isa naming kapitbahay. Alam ko na masarap ang ganitong klaseng.puto. Kaya pag-uwi ko may makakain pa ako.
Good evening. Andito na naman ako para mag-ingay at siyempre takamin kayo sa masarap na ulam namin. Joke......... Dahil nabitin ako sa kinain ko kanina na baon ng kasamahan ko kaya pagdating ko ng bahay ay iyon din ang niluto ko. Binabad ko kaagad binili kong chicken sa palengke at dahil wala kaming ihawan ay niluto ko na lang sa kawali an ala barbecue. Iyong pinagbabaran ko ay iyon din ang.ipinangluto ko at ng kunti na lang sabaw ay hinalo na hinalo ko hanggang matuyo. O di…
Thank you Lord for this new beautiful day again. Ang aga ko makaluto ng request ni bunso. Maaga raw ang online class niya kaya habang naka online class ay may papapakin siya. Kaya ito ang una kong niluto bago ang pang-almusal namin. Have a happy and blessed day sa lahat. .................S M I L E.............
Pagdating ko ng work ay marami na ang nauna sa akin. At busy sila sa kaka marites. Dahil lahat sila busy di nila namalayan ang.pagdating ko. Nagulat sila lahat ng napansin nilang nakaupo na ako sa aking upuan at nakikinig lang sa kanila. Natahimik sila bigla dahil ang pinag-uusapan nila ay ang katabi ko. Bakit kaya may mga taong masasaya.na pakialaman ang buhay ng may buhay. Sarili nila ay di nila nakikita.
Bago ako umalis kanina ay ready na ang iluluto kong uulamin namin mamayang dinner. Ang chicken lollipop. May timpla na siya at ipiprito na lang. Nilagay ko na lang sa chiller. Di na ako mag-iisip pa ng ulam namin mamaya. Isa rin ito sa mga favorite food ng mga anak ko.
Simula pa kaninang tanghali ang ulan hanggang ngayon.Siguro hanggang mamayang uwian na ito. Mabuti at lagi akong may dalang payong. At saka may nakatabi na rin akong tsinelas dito sa cabinet. Ang hirap pag sapatos ang mabasa. Kaya ngayong tag-ulan ay dapat talaga laging handa. Mas maigi nga sana kung bota para pati paa di mabasa. Musta sa mga lugar niyo.
Hello kaingay. Patuloy ang buhos ng ulan sa amin kaya malamig ang panahon at nakakagana rin kumain. Lalo na kung type mo rin ang ulam. Dahil ipiprito na lang yong chicken kaya mabilis na lang akong nakapagluto pagdating ko. Bago ko nakuhanan ng picture ay nabawasan na kaya kunti na lang. Mayonnaise na may onion, garlic, pickles at boiled eggs ang ginawa kong sawsawan niya. Ito ang chicken lollipop na halos maubos namin.
Good night. Eight o'clock pa lang ay natulog na ako. At nagising lang ako ngayon. Sumilip ako sa labas dahil hanggang ngayon ay wala pa ring tigil ang ulan dito sa amin. Di naman gaano kalakasan kaya di pa baha. Ang sarap matulog dahil malamig. Kaya lang ng magising ako ay di maiwasang humawak ng cellphone para mag-ingay na naman.
Good day kaingay. Magdamag ang ulan sa lugar namin. Pero mga bandang 4;30 ay huminto na rin. May kunting baha sa kalsada kanina pero pagsilip ko ngayon ay unti-unti ng bumababa. Pero napakakulimlim pa rin. Anumang oras ay pwedeng bumuhos uli ang ulan. Sa mga papasok diyan ibayong pag-iingat. Pero kahit parang nakakalungkot ang panahon ay smile pa rin. Always start each day with a smile and good thought. Gandang buhay.
Sobrang tuwa ng mga anak ko kanina dahil paggising nila ay nilutuan ko sila ng favorite nilang ulam. Ang vinegar chicken. Minsan lang ako kung magluto nito. Kaya medyo natatakam sila pag ito ang ulam.
Medyo diet ngayon yong katabi ko kumain kanina. Fried chicken lang at soup ang kinuha niya. O kaya baka medyo busog pa siya. Sa wakas nagpakita na si haring araw. Ang init niya yong akala mo di kagagaling lang sa ulan. Pero kahit ang init ay di na maalinsangan. Malamig pa rin ang simoy ng.hangin. Malapit na talaga ang pasko. Ang pinakahihintay ng lahat.
Ginisang ampalaya. Healthy food muna ang niluto ko ngayon. Bago ako umuwi ay bumili ako ng isang pirasong ampalaya. para ito ang lulutuin ko. Ginisa ko sa sibuyas, tatlong pirasong kamatis at nilagyan ko ng dalawang itlog. Nakatipid na at masustansiya pa.
Happy morning. Thank you Lord for this new beautiful day again. Let's eat breakfast. Mga tirang pagkain sa ref ay ipinainit ko na lang para di masayang. Java rice and gulay ang pagkain ko. Heavy meal ako ngayon para mamaya ay di na ako magmemeryenda. Excited na rin ako sa darating na apat na araw na walang pasok. Mahabang pahinga kaya magastos kahit nasa bahay lang dahil walang ibang maisip kungdi pagkain. Gandang buhay.
Silip kay noise saglit habang di gaano busy. Bago ako umalis kanina ay ni ready ko na ang lulutuin kong catsudon. Para pagdating ko mamaya ay lulutuin na lang. Isa itong Japanese food pero nagustuhan din ng mga anak ko ang lasa.
Nag-order ako ng pancit sa canteen for meryenda. Wala pang breaktime ay kakain na ako. nakakaramdam na ako ng gutom. Bibilisan ko na lang para di mahalata ng isa sa kasama namin dito na masyado ma papel. Pag nakakaramdam ng gutom ay wag tiisin. Kumain kung may makakain.
CATSUDON Ang catsudon ay isang Japanese food at ito ang niluto ko ngayon. Dahil naka marinate na siya kanina bago ako umalis kaya mabilis na lang akong nakapagluto. Sandali lang naman ito lutuin. Pag naka marinate na ay ipiprito na lang at gagawan na lang ng sauce at.mat itlog sa ibabaw. Nakalimutan ko lang kuhanan ng picture ng di pa nagagalaw o nabawasan.
Good night. Inaantok na ako. Kaya bye na muna. Bukas na lang uli mag-ingay dito. Lord thank you for this day. Please protect me and my family throughout the night. Have a sweet dreams guys.
Happy new day. Thank you Lord for giving me another day to live. Ang aga kong nagising ngayon. Kaya tapos na kaagad ako magluto ng food namin. Siyempre excited ako ngayon pumasok. Dahil payday. Nililista ko na kung ano ang aking mga bibilhin. Dahil bago ako umuwi mamaya ay dadaan na ako sa grocery. Blessed morning.
Ang aga ko ngayon pumasok. Maraming gagawin. Pagbungad ko sa pintuan ay may paandar si hr. Medyo madilim pa naman. Kaya nagulat ako ng kunti. Mamaya marami ang magsusuot ng pang Halloween costume sa amin. At makikipanood na lang ako kung sino ang.may magandang.kasuotan.
Ito ang niluto kong food sa mga bata. Ang calamares. isawsaw lang sa sukang may garlic at.sili ay.solve na. Pero para may sabaw sila ay pinasabayan kona lang ng cup noodles.
Isa ito sa mga employee rito na sumali sa hollowen costume. Nasalubong ko siya sa hagdanan at di ko siya nakilala. Siguro kong sa gabi ko ito masalubong ay.mapapasigaw ako bigla.
Wala ng ginagawa ang mga tao rito ngayon. Ang iba pagandahan na lang ng dekorasyon sa kanilang mga mesa. May prize din na matatanggap ang mapipili. Ako di na sumali. Nanghinayang ako sa perang magagastos. Ok lang ito sa mga wala pang anak na pinagkakagastusan.
Let's eat dinner. Dahil malamig ang panahon at masarap mag-ulam ng may sabaw kaya nilagang pork pata ang niluto ko. Napadami ng kain bunso ko. Pero ako gulay at saka sabaw lang kinain ko. Di na ako nag rice. Pag nagkaka-edad na ay kailangan ng mag-ingat sa mga kinakain.
Latest update sa bagyong Paeng. Halos apektado na ang buong Pilipinas. Mag-ingat po tayong lahat. Ang mga dapat lumikas ay lumikas na kaagad. Wag na nating hintayin na may madisgrasya pa uli dahil sa sakuna. Magkusa ng lumikas kung alam niyong nasa delikadong lugar kayo.
Lord thank you for this day. Thank you for keeping me and my family safe throughout the night. Pag ganitong may bagyo ay di ako nakakatulog ng maayos. Lagi akong nagigising at sumisilip sa labas. Lalo na ngayon na walang tigil ang ulan sa lugar namin. Mabuti at naman malakas kaya walang baha. Magluluto na ako ng food namin hanggang mamayang gabi. In case na lumakas man.ang.hangin ay di na mahirapan pa. Good morning.
Dahil malamig ang panahon ay masarap mag-ulam ng may sabaw lalo na kung mainit pa. Nagluto ako ng sinigang na hipon. Ulam namin ito ngayong umaga hanggang mamayang gabi na. Pag ganitong may bagyo dapat lagi tayong handa. In case man mag brownout ay di na mahirapan pang magluto. Pero sa may mga highblood ay di po recommended ang pagkain ng hipon. Dahil mataas po ito sa cholesterol. Pwede tikim lang.
LONGOS MALABON CITY, METRO MANILA Ganito kalakas ang ulan sa amin. Walang hinto. Ang lalaki ng buhos ng ulan. Minsan sasabayan pa ng malakas na hangin. Dahil sa panahon parang nakakaguton lagi. Musta na sa mga lugar niyo. Mag-ingat na lang tayong lahat.
One o'clock in the afternoon ay ganito pa rin kalakas ang ulan sa amin. Minsan bigla ring ang lakas ng hangin. Parang napakalungkot ng panahon. Sana wala ng masyadong may.mapinsala pa si bagyong Paeng. Magdasal na lang tayo para sa kaligtasan nating lahat.
Let's eat meryenda. Di ako nawawalan ng stock sa bahay na mga pwede papakin pag nasa bahay lalo na pag ganito ang panahon. Kanina tumigil na sana ang ulan. Ang akala ko ay tuluy-tuloy na. Iyon pala mga 30 minutes lang. Ngayon ang lakas na naman uli ng ulan at ang dilim pa.
Gabi na pero wala pa ring tigil ang malakas na ulan sa amin. Nakakatakot pa naman pag gabi na ganito ang panahon. Dahil sanay akong maaga kung matulog kaya kahit nakakaramdam ako ng antok ay di ako makatulog. Ang dami ng apektado ng bagyong Paeng. Pero karamihan sa mga tao ay natuto na. Kusa na silang nagsipaglikas.
Thank you Lord for this day. Always start our day with God. Magdamag pa rin ang ulan sa amin. At hanggang ngayon ay umuulan pa rin. kumusta na ngayon ang panahon sa mga.lugar niyo. Sama-sama tayong manalangin na sana ay wala ng bagyong dumaan pa sa atin ngayong.taon. Smile pa rin at magpasalamat na tayo ay ligtas at buhay pa rin.
Late na ako bumangon ngayon dahil masarap matulog. Kaya ngayon pa lang kami kakain ng almusal. Pero ang niluto ko ay ulam na namin hanggang lunch. Ground pork menudo with quail eggs. Tara let's eat.
Umpisa na maglinis. Dahil sa lakas ng hangin at ulan ay basang-basa dito sa terrace namin. At salamat Lord at wala ng ulan at nagpasilip na ng kunti si haring araw. Makakapagpatuyo na ako nito ng mga nabasa ni Paeng. Linis muna bago kain ng lunch. Busog pa naman ako dahil late na kumain ng agahan kanina. Sana maganda na ang panahon sa lahat ng lugar sa atin.
Thank you Lord kahit katatapos lang ng bagyo pero may dumating pa rin na blessing. Galing sa isa naming kapitbahay. Pancit canton and fried pork chop. May pang meryenda na, may ulam pa. Di na umuulan sa amin. Pero nahihiya pa magpakita si haring araw. Sana tuloy-tuloy na ang pagganda ng panahon.
Lumabas sandali ang anak ko. Bumili palang banana cue at banana toron. Ito na lang daw memeryendahin nila. Sabagay nakakamiss din kumain ng mga ganito.
Maaga akong nagluto ng hapunan. Dahil wala namang ginagawa kungdi humawak ng cellphone. Ginisang sayote na mag halong atay balun-balunan ang niluto ko. Ang sayote ay isang ordinaryong gulay lang na karamihan di ito pinapansin. Pero ito ay mayaman sa vitamins, minerals and fiber.
ANG BALIMBING. Na miss ko na kumain nito. Maraming puno nito sa mga lola at lolo ko dati. Maliliit pa kami ay lagi kaming nanunungkit ng mga bunga nito. Isinasawsaw namin ito sa asin. Pero ngayon ang tagal ko ng di nakakakain nito. Kahit saang tindahan ng mga prutas na malapit dito sa amin ay wala akong makita nito. Good night guys. Mamaya lang kunti ay matutulog na kami. Magkaroon lagi tayo ng tamang oras sa pagtulog para iwas sakit.
Good morning. Maulan pa rin sa amin ngayon. Parang di ko man lang na enjoy ang pagkakaroon ng four days na walang pasok. Lagi lang nasa loob ng bahay dahil sa panahon. Hindi lang pera ang maituturing nating kayamanan sa mundo. Ang pakikisama at paggawa ng kabutihan sa ating kapwa ay napakahalaga at isang kayamanang di malilimutan ng.mga tao kahit tayo ay lumisan na sa mundong ito. Gandang buhay.
Let's eat breakfast. Simple food but healthy. Fried rice, embutido and ginisang ampalaya. Salamat at tumigil na rin ang ulan. Nasilip ko na si haring araw. Sana maghapon na itong walang ulan. Bago ang long weekend holidays ay ang.dami kong gustong gawin na mga di ko nagawa ngayon dahil sa sama ng panahon.
Wala na talagang mura ngayon. Lalong nagtaasan ang presyo. Siguro dahil sa bagyong Paeng. Bumili ako ng pusit sa palengke. 400 ang isang kilo. Naisip ko na lang kung kaya nakaka survive ang mga taong walang regular income.
Nakakapanghina naman ang panahon ngayon. Pabago-bago. Ang init na ng panahon kanina. Kaya lahat ng nilabhan ko na malapit ng matuyo ay inilabas ko. Pero sa isang iglap lang ay biglang buhos ng malakas na ulan. Kaya bago pa namin makuha lahat ng sinampay ay nabasa na ulit at pati kami ay basa.din. Di ko akalaing uulan bigla na ang ganda na.ng.panahon.
Now eating meryenda. Walang magawa kaya naisipan kong magluto ng banana turon. Para maiba naman. Hindi yong puro na lang bread o kaya biscuit. Minsan parang nakakasawa din pag lagi na lang.
Diet si bunso. Di ko inaasahan na ganito lang karami ang kakainin niya. Isang barbecue at kunting kanin. Gabi na raw kasi kaya kunti lang kakainin niya at baka lalo raw siyang tumaba.
Ang aga kong natulog kagabi kaya nagising ng alanganing oras. Ang hirap na bumalik uli sa tulog. Kaya silip na mura rito para mag-ingay. Happy hollowen. kagabi bago ako matulog kahit umuulan pero ang dami pa ring mga bata ang naglalakad ng naka costume ng pang hollowen. Pili lang ang mga pinupuntahan nilang mga bahay. Mga may sari-sari store lang. Naniniguro din lang ang mga bata na siguradong may candy silang makukuha at lalo na umuulan.
Happy birthday my Papa in heaven. November 1 ang birthday ng papa ko. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga kabutihang ginawa niya at kung paano siya nagpakahirap para lang makapag-aral kami. Happy Monday and happy hollowen. Kaya habang buhay pa tayo ay lagi tayong gumawa ng kabutihan sa ating kapwa dahi kung tayo ay lumisan na sa mundong ito ay iyon ang laging maalala ng mga tao sa atin.