read.cash Log in

@yssai1417

Joined 2 June 2021 · 2406 posts

120 KT

0 KT · 11¢ received · 0 KT · 34¢ given

Posts

@yssai1417

At bago pa ako takasan ng aking signal, ay mag gugood night napo ako sa inyong lahat,bawi nalng ulit ako bukas, medyo hindi parin kase ako ganun ka ok inuubo at sipon padin,kaya need to rest na,anyway maraming salamat sa inyong lahat, at syempre dito sa noiseapp,umaapaw na blessing na natatanggap natin mula dito,thank you lord at may ganitong platform, sa mga di inabutan ng puso ko bawi po ako,ganun kase minsan ayaw ng tumibok hehe baka tired na din,pero loves ko kayong lahat guys may mga times lang talaga na napapagod din😁good night to all and keep always safe..stay happy..hugs

@yssai1417

Kanina habang nanonood ako ng Maria Clara & Ibarra ay inaatupag ko ding magpalit ng pillow case dahil hindi naman masyadong excited ang lola nyo sa nabiling pillow case at kahit 53 days before Christmas pa ay ayan na sigeng change outfit ang unan hahaha, sa ganitong way masaya na ako,stress reliever ika nga, kahit pagod from work at traffict sa pag uwi keri lang,oh diba addik lang hahaha..good evening mga kaingay,nakikisama pa ang signal ko mamaya maya lang magloloko na naman to hays😔 pero habang ok pa noise galore ang peg ko hehe

@yssai1417

Sa wakas nakauwi nadin!!! buti nalang may ready ng food ,nagluto ng pansit si mister, ahhh kakain na talaga ako super gutom ko grabe, mahigit 1hr lang naman akong naka sakay sa tricikel kanina, hays sana namn bukas back to normal na dahil napakahirap,pagod kana sa work doble pagod kapa sa byahe,hays kain tayo guys

@yssai1417

Uwian time,pero mag one hr nako naiipit dito sa traffict,bakit ganun??? bakit parang mas holiday pa ngayun, mukang ngayun yata nagsipunta yung ibang di nakadalaw kahapon,pero grabe to the max ang traffict hindi na halos nagalaw, mag 1 hr na na halos usad pagong ang mga sasakyan,nakkaiyak..ang init sobra nakaka sofocate dahil ilan kaming sakay dito sa loob ng tricikel jusko lord iyak!!😭😭😭 di naman ako makapag pasundo dahil magkaiba ang oras ng out namin ni mister, deserve naman siguro nitong tricikel driver na mag dagdag kami ng pamasahe dahil kakawa sila ubos din gas nila sa ganitong sitwasyon pagod pa..

@yssai1417

Aba at napakabilis naman ang aking inorder sa siyapi!(Shoppee) hehe ganun ba talaga pag nauna na bayad?charrr hehehe, ang ganda nya promise! ang kapal ng tela at di mukang 29 pesos lang ang isa, nako nako nako nabudol ako talaga neto mapapaulit yata at natuwa talaga ako ng bongga! sa susunod, yung punda ng unan naman ito kase pillow case yung sa sofa ng mag mukha namang pasko kahit kokonti ang pera hahaha..magandang hapon po,ay happy ko talaga dito sa ored nato diko na na natiis binuksan kona dito sa office,hehehe excited yarn🤣

@yssai1417

Kain tayo, at talaga namang pang undas ang peg ng ulam ko hehe Dinuguan, lunch napo tayo, magandang tanghalian

@yssai1417

Oppps inom muna ng gamot, hays dapat laging ready dahil bawal magkasakit,pero ito may sakit na nga,pero kayang kaya namang pumasok kaya baon nalang ng biogesic, kaya tayo po ay laging mag iingat, mahal at mahirap magkasakit,buti nalang din kagabi ang mister ko ay uminom nadin ng gamot, kase mukang nahawa na sa akin ,pakiwari daw nya ay tatrangkasuhin sya kaya sabi ko uminom na at pahinga maaga,ayun awa ng dyos ay ok na naman sya,need naming mag work dahil maraming naka abang na judith!lols...hehe morning getwell self yakang yaka yarn💪

@yssai1417

Back to normal! papasok na ulit si inday, at late ko na na realize na wala ala akong facemask ayan naka sakay nako tricikel pag mamadali ko dahil traffict dito sa amin dahil dalawang sementeryo ang madadaanan bago makarating ng bayan at puro sidera pa sa daan, sa tricikel na nga ko nag suklay..hhahaa bahala na si batman pag dating sa palengke dun nalng ako buy ng facemask juskomiyo inuubo pa namn at at sinisipon..kaloka aba hehe morning

@yssai1417

Good morning..its All Soul's day.. prayer para sa ating nga mahal sa buhay na nasa kabilangvdako na ng mundo bagamat hindi na natin sila kasama pero ang kanilang ala ala ay nananatiling buhay sa puso't isipan natin.. *photo source google*

@yssai1417

Good night sa lahat ng gising pa.. flexing my earnings for the month of October,thank you so much to noise and all noisemates,diko man kayo maisa isa basta kayong lahat is part ng masayang mundo dito sa noise,thank you dahil may ganitong platform na binibigyan tayo ng chance na magkaron ng blessing and at the same time magkaron ng virtual friends...again salamat po sa lahat❤️Good night sanay dipo kayo mag sawa at si Noise hehe gobless

@yssai1417

Ipinaghanda ko muna ng dinner si unica,kakauwi lang nya galing cementeryo, advantage ng walking distance lang ang cemetery dito sa amin kahit makailang balik ay ok lang di pagod, hinayaan na namin ang anak namin na maiwan kasama ang kanyang mga pinsan tutal malaki na naman sya,pag uwi ang bungad agad ay gutom na sya hehe buti may natira pa sa niluto ni mister na adobo kanina kaya ayan kain daw muna sya..good evening po. *hindi makapag upload ng picture napaka hina ng signal pag nasa bahay😭*

@yssai1417

Magandnag gabi mga kaingay hays ngayun lang nagparamdam ang Signal😭 yung Dito load ko ay ilang araw ng walang signal nun bagyo pa, baka nagka problema nag satellite dito sa may lugar namin, sana naman ay mag ok na kase sayang yung niload ko, nag rereklamo na ang anak ko at di daw sya maka Hotspot sa akin..hahha, nag dinner napo ba ang lahat?kami kakatapos lang at abang abang ako sa palabas na MariaClara and Ibarra😁good evening po

@yssai1417

Medyo dumidilim na nag kalangitan kanina,kaya naman umuwi na kami,medyo masama na naman kase ang pakiramdam ko,diko lang talaga matiis na di pupuntahan si mother sa Memorial dahil baka naman ayun ay mag tampo😁, magandang hapon mga kaingay,medyo matao parin sa sementeryo bukas malamang pa ilan ilan nalang dahil back to work na bukas...

@yssai1417

Hindi talaga mawawala pag ganitong okasyon ang mga nagtitinda ng mga laruan..huhuhu kawawa yung nga sisiw kinulayan na ikinulong pa sa maliit na lalagyan😭ilan din nabili ko nito nung maliit pa ang anak ko ngayun graduate nako hehehe.

@yssai1417

Ito ang food na baon namin sa sementeryo,nagdala nadin kami ng mga snacks at tinapay parang till night na kami dito, buti nalang at binago nag restriction para sa mga ppunta sa sementeryo, pinagbawal kase ang mga bata at 8-5pm lang daw, pero binago naman, buti at pinagbigyan din ng panahon.ingat po tayong lahat.

@yssai1417

Thank you lord at gumanda ang panahon kahit ngayung araw lang,para mabisita ng maayos ang amin mga mahal sa buhay..

@yssai1417

Today is all Saints day..pero more on all souls day ang ginugunita natin,bakit nga ba? ito nadin ang naka sanayan natin, anyway siguro ang mahalaga ay yung pag gunita at pag alala at di natin malilimutang mga mahal natin sa buhay na kahit wala at dina natin kasama ay palagi nating inaalala wala man sila physically dito sa mundong ito nananatili naman sila sa puso't isip natin , have a safe day to all.

@yssai1417

Good night na po mga kaingay,grabe so late na pala,may bisita pa kami kase kami anong petsa na..???hehhee anyways enjoy naman sila ako tamang kape lang habang nakikikwento sa kanila, kita kits mga kaingay bukas, undas na pala magiging bz pala ang lahat..ingat po ang safe night po sa ating lahat.

@yssai1417

Medyo not feeling well ang kapitbahay nyo, at uminom narin ako ng biogesic pero pag bukas ko ng ref ito ang nakita ko at diko napigilan ang sarili kong buksan..hehehe ice kayo jarn,good evening po

@yssai1417

May isang bagong bukas na kainan dun sa may Brgy namin,pag nadadaanan ko sa hapon ay ang dami lagi tao,iniisip ko siguro masarap,sabi ko kay mister isang araw kain kami doon, then kanina bigla nag send ng picture ng food,andun daw sya,sabi ko "daya di ako isinama" libre lang naman daw haha kase doon daw sila pinakain ng grupo nila sa oplan kaluluwa,volunteer kase sya today sa sementeryo para magbantay kung may mga gulo ba, may aksidente may nangangailangan ng first aide,so ayun nakakatuwa naman di sya pumasok today kase mag volunteer daw sya..good afternoon po sa lahat..

@yssai1417

Yehey!!! sa wakas may 4th payout.. medyo natagalan dahil yung last kong pay out ay Oct 11 pa,may times talaga kase na as in walang survey,pero pag meron naman ay nakaka tyamba ng 2-3,pero today para ma pay out itong 10$ ay malaki laki ang offer kaya kahit isa lang ay nakumpleto ko na ang minimum..thank you ao much! sa mga free na napagkakakitaan natin online,hoping kayo din guys..thanks

@yssai1417

At dahil wala kmaing mabilhan fooddie today at sarado nag mga karinderya ay nag food panda nalang kami,syempre bida ang saya na namn to..Jollibee ok nako sa jolly sapag at fries kain tayo guys..magandang tanghali po

@yssai1417

After bagyo ayan ubot sipon naman, buti lagi akong may med sa drawer ko, at diko pwede iasa dito sa opisina ang gamit dahil hindi na sila nabili cost cutting yarn..hays pati empleyado tinipid narin kawawa naman kami😔sana ay di naman tumuloy ang lagnat ko at baka naman mag tampo si mother dear pag di ko napunthan sa undas..good day po

@yssai1417

Yun oh parang ang sarap mag shopping dito sa mga siderang ito, siguradong bukas napaka daming tao,naway pagbigyan naman ng panahon kawawa din naman silang mga nagtitinda ilang araw ng walang benta dahil sa sama ng panahon at bagyo, eh ilang araw lang silang makakapwesto dito sa may sementeryo. hay bagyo tantanan mo na kami..

@yssai1417

Good morning noise worl,kamusta nag lahat? maulan na naman sabi sa news may papasok daw na bagong bagyo,ano ba yan hiblndi na tayo tinantanan ng mga bagyong yan, hays may pasok pa naman ako today,medyo not feeling well ako dahil sa ubot sipon pero need ko parin pumasok dahil nagsabi yung kasama ko na not aure kung makakapsok dahil may sakit ang anak nya..kain na tayo suman at black coffee.

@yssai1417

Pano sleeping time napo ako,tapos na si kumareng jessica,diko masyado naintindihan ang last part,heheh pero bago mag sleep ay pasasalamatan ko muna nag 400 followers and subscriber and hoping na counting pa heheh,thank you so much guys and to Noise salamat po..I hope na magtagal tayo ditong lahat have a great and safe night po sa ating lahat,thank you lord for this day..hugs po sa inyong lahat.good night

@yssai1417

Gabi ng kababalaghan,nanonood napo ba ang lahat,jusko nkakantense haha, itong ank ko bakit daw ba gabi ipinalalabqs ang ganito,ito at nagttago na sa likod ng tatay nya,pero sigeng panood naman...hehehe good evening

@yssai1417

Hapunan na pala,nakatulog ako at kakagising lang, eto ang isang epekto ng pagbagyo maraming pomelo ang nalaglagan at mga nyog,kanina may dalang sako bag ang dalawa kong pamangkin sila daw ay namulot ng pomelo at mga nyog ibebenta daw nila, aba nga naman extra income ng nga bata, ayan nabigyan naman ako ng isa hehe.

@yssai1417

Nakaklungkot dahil kahapon habang kalakasan ng bagyo ay naaksidente ung pamangkin ko, sa sobrang lakas ng hangin ay natumba ang aparador at nabagsakan yung bata, hindi naman madala sa ospital dahil sa taas ng baha,pero kanina at nadala na sya at natingnan na ng doctor,pero hindi n daw maaring tahiin dahil lagpas 6hrs na, malayo kase ang lugar nila dito sa amin, ngayun ay nakikibalita na lang ako at awa ng dyos ay nasa mabuti na syang kalagayan,nabigyan na ng gamot at nalinis na ang sugat,naway tuluyan ng maging maayos ang lagay nya.Grabe talaga ang bagyong ito😔

@yssai1417

Katatapos lang mag lunch at ito ang hinanda ni mister,pag talaga nandito si mister sa bahay ay spoiled kami ng anak ko sa food hehe, may taga luto ako at nasusunod nag gusto naming ulam basta pala may nabiling lulutuin,hahaha minsan kase sabi ko gusto ko ng letchon, ay itulog ko nalang daw at baka sakaling sa panaginip daw ay may magparamdam na lechon..hahaha... at ayan nabuenamanuhan na ang sukang pampagana sa pag kain..nag tanghalian napo ba ang lahat dont skip you meal po depende nalang kung nag pafasting kayo. good noon