SKL lang mga kaingay, kagabi parang biglang gustong tumalon ng puso ko ng makita ko ito, may pay out na ganito kalaki.
0.084 or nasa equivalent to 53-55 php, grabe ka naman noise,yung ilan hrs akong di nakapag open dahil sa kawalan ng signal pero still may blessing parin na ganito kalaki😱 thanks so much kay admin at sa inyong lahat na from NC to here magkaka sama tayo..Maraming salamat❤️
At dahil I am a Suka lover, ipinagtimpla ako ng mister ng spicy suka, pasual naman masydo ang dami..hahahaha para daw hindi nako humihingi ng palabis na suka pag nabili ng inihaw or kwek kwek, maawa naman daw ako sa nagtitinda..hahaha grabe sya! bumili kase sya ng 1.5liter sa tindahan at sabi ay may gagawin daw sya ito pala,bumawas lang ng panggamit at ayan mag sawa daw ako..hhaaha ewan ko ba napakahilig ko talaga sa suka, kahut itlog na pula ang ulam gusto ko may partner na suka..hehe mag lalunch na nag luluto naba?
At dahil kahit paano ay gumanda na ang panahon,sa wakas ay may pag asa ng matuyo ang aming mga nilabhan,amoy kulob na kase hays,naway tuluyan ng lumisan ang masamang pahanon..#labadaysunday, magandang araw po sa lahat,grabe noh ang daming linisin,after ng bagyo sangkatutak ang walisin,ang putik ang mga dahon sanga at kahiloy na nagkalat..
Good morning, buti naman at tumigil at kalma na ang panahon,salamat lord, mukang magpapakita na ang haring araw, pero may nag babadya na naman daw bagong bagyo na papasok na naman,jusko po,sana naman ay wag ng dumaan, almusal muna at sangkaterba ang linisin, ingat po kayo guys morning
Medyo tinatablan na yata ako ng antok guys, medyo nahina nadin ang ulan at hangin,mukang kalmado na ng bahagyan,sana naman ay tuluyan ng makaalis si paeng..
itong si Mdrrmc minsan nakakatense nadin naman eh, pero infairness love na loves tayo at panay paalala nakakagulat nga ang ang biglaang pag vivibrate...bawas kape daw kase...hahahha.
mga kaingay ingat po tayo ha at naqay bukas panibagong araw panibagong pag asa..good night po...bawi ako bukas,ang haba ng oras na di naka bisita kanina dahil sa kawalan ng kuryente at signal,bukas sana ay maging normal na..
Pampa good vibes muna panoorin,dahil nilayasan nako ng mister at anak ko ayaw daw nila manood ng ganito at di nila masyado bet si meme vice eh ako nalang,tutal di pa makatulog dahil may ulan at hangin pa,nood muna ako ng everybody happy,mahilig kase ako manood ng mga singing contest at game show,kahit sino pang host eh keme lang basta naaliw ang self ko hehe..ok po ba ang lahat? ingat po tayong lahat,magandang gabi po
Magandang gabi mga kaingay,ayan nag marinade na ng chicken si mister,kanina nagtataka ako kung bakit ang mura ng chicken na nabili nya 73 pesos lang eh ang dami,sa Monterey naman nya binili,alam ko medyo pricey doon kesa sa labas,so ayun nun hinugasan ko na,ayun naman pala kaya mura chicken neck pala ang binili hehehe,i piprito nya daw bukas kaya minarinate na nya nagyun,hays may pagka arte din to eh daming nalalaman na ilagay,ayun sa wakas nagamit nadin yung pinabili nya sa akin sa shopee na garlic chopper na de hila..good eve po, hays maulan parin😔
Good eve mga kaingay,grabe ang haba ng bagyong ito, sobrang lakas ng ulan at hangin, ngayun lang nakabalik dahil nawalan ng koryente at ngayun lang din nagka signal,kain po muna tayo,buti kahit papaano ay may maluluto ako at di na kailangang lumabas dahil hindi rin naman makakalabas bukod sa baha na ay nakakatakot ang lakas ng hangin..nawa po ay safe ang lahat na kaingay natin jan..
Parang galit na galit lalu ang ulan at hangin,medyo nakakatakot na..hays makakain nga muna, dahil nag decide nako mag leave today di nako talaga papasok,at signal #3 na kase ang bagyo! kain po tayo ipinagluto ko ng pancit canton si unica, now palang kami mag bbreakfast ganitong oras kase talaga ang kain ko..ingat po tayong lahat and keep on praying.
Lord pahupain nyo napo nag bagyo, hays nag announce na ang office namin " May pasok" nakkalungkot di naman siguro nila ikakalugi kung mag close muna, tsaka ok lang naman sa main na salary deduct kaso wala eh pinapapasok talaga..ingat po tayong lahat
Good morning,grabe ang ulan at hangin abang abang kami sa announcement kung magbubukas ba kami or hindi, hays sana naman walang pasok, diko din pati sure kung may masasakyan ako nito sa ganitong panahon, lord sana po ay umalis na ang bagyong ito, stay safe mga kapatid.. ppl
Good evening guys,kamusta po ang mga kaibigan natin jan?nawa po safe tayong lahat sa bagyong ito,malalampasan din natin ang ganitong sitwasyon,tiwala lang kay lord at dasal, at dobleng pagiingat lalu na sa ating pamilya,..
good night na po sa lahat, ingatan po tayong lahat ni lord..
Good eve mga kaingay..hays buti nakauwi na, grabe palakas pa ng palakas ang ulan, ang hangin grabe nadin ang paglakas, habang nag sscroll sa fb,nakita ko ito, hehe literal naman na nakakatakot ito, haha habang ung isa todo effort sa holloween costume nila,itong si batang to naman chill chill lang habang nakakabit ang mga bills na kinatatakutan ng lahat na dumating buwan buwan..hahhahaa..
*credit to the rightful owner of this photo*
Grabe naman ang panahon ang dilim, sana naman ay dinako gabihin,kaso sure naman na mattrafict na naman dahil friday rush hour pa uwian ng mga nag ooffice,hays good luck sakin sana ay di abutin ng malakas na ulan buti at medyo tumigil narin..keep safe sa mga nasa may storm signal na lugar.
Drama rama sa hapon yarn?? at dahil di naman ako makakanood sa bahay abangers ako sa tiktok ng by part hehee,grabe ang ganda talaga ng palabas na to sir doc tsinito y so pogi???? hehehe faney yern? haha grabe ang lamig ngayun tayo ay magkape muna guys...magandang hapon po
Sa wakas na qualify din! konting push nalang makukuha din kita! hays nakaka panabik ang 10$ ah haha, 9.07$ may parating pang bonus na .06 dahil nakapag sagot ako ng two survey..yes!!! tyaga lang talaga at may pera sa online..hehe magandang tanghali sa lahat, maulan parin grabe.
Yung may pananakot pa akong nalalaman..hahhaa bakit ko nga naman baga sya pinaglalaba ay ang ulan ulan nga! hehehhe
pero sumunod din naman..pero totoo yun pag nawala kana sa wisyo na mag laba ay parang nawawalang kana ng gana dahil naaba kana..yung drive ba...hahhaa drive mag laba?🤣maigi na lamang at mahaba pasensya ng miater ko sa akin..hehehe
Napansin nyo ba ito guys? so iwas stress na tayo dahil 99+ ang unread na nakalagay..hehe kanina isiiisip ko nag basa ba ako ng ganun kadami?kase nasa 1100 pa sya last night bago ako matulog kase nasa 100 lang naopen ko at kinery ko. hehehe yun palang nag update si noise. very good ayaw mo talaga kaming mag isip ng nakakastress admin hehehe thanks much,oh ayan 99+ nalang kaso kahit mag basa kapa di sya nababawasan sa 99+ kase nasa 4k pala ang unread mo..hahaha charr lang, eh basta ako happy kase diko na nakkita ung thousand na unread haha..morning
At biglang bumihos ang malakas na ulan,buti at nakaskay na ako,kaloka ang school ni unica kung kelan nakapasok na ang mga bata saka pinapauwi at Nag announce daw si gov na walang paaok,kung kelan 7am na,at karamihan sa wstudyante at nasa asxhool na daw exam at 6:45am dapat nasa loob kana ng campus,hays bakit naman ganun,dapat namn mga 5am or 6am manlang kakaloka sila aba..hays itong anak ko pande chat sakin ma walang kaming pasok🥳 ay parang nag bubunyi hahaha..hays ingay po tayong lahat..
Yes it is finally friday na,pay day friday...long week end vacay sa iba pero ako tiis ganda sa pag pasok hehe wala namang choice..anyway my judith and billy is waiving na..meralco, nawasa,at si credit card yan nag mga tropa kong abangers lagi pag sahudan..hehe kaya laban lang para sa kanila..charr syempre para sa pamilya, good morning mga kaingay, black coffee is ready habang nag nonoise..
Good night mga kaingay, tinatablan na talaga ako ng antok isa pa 5% nalang ang bat ko, di na pwede mag charge dahil baka makatulugan ay delikado,bukas natin upagpatuloy ang ating kwentuhan mga kaibigan,sa ngayun ay pagbbigyan ko muna nag aking mga matang namimikit na at gusto na talagang mag sleep..hehehe,thank you so much kay admin sa mga donation at sa inyo mga friends..happy ang lahat diba..night po. godbless us.
Good evening sa lahat. just got home..
bumili nalang ako ng siomai sa favorite ng anak ko maninibilhan ko,ito daw gusto nilang mag ama na iulam,ako naman medyo walang gana,siguro dahil sa meryenda kanina,pag nagutom nalang siguro mamaya eh mag kakalkal nalang sa ref..kain na po mga kaingay..
At dahil thursday, syempre may pa throwback tyo dapat, ng maga amahin kong mula noon hanggang ngayun ganyan rin sila kahit na konti pa at mag sisinlaki na yata silang mg tatay at naiwan na ako sa ksamaang palad kahit na mahilig naman ako sa star margarine noon at tumatalon naman ako pag bagong taon eh waley talaga di nabiyayaan ng tangkad..dapat daw kse nag propan ako imbes n tiki tiki... hhhaaha charr lang po ..magandang hapon
Wow nakakagulat naman nga ang BCH nag 6,800 na, aba teka magandang senyales ito ah, tuloy tuloy na yan, feeling ko ramdam na ramdam ko, ahmmm tropa ko si madam auring eh..charrotttt.. hehhhe hays nakakahappy noh basta nag sisiangatan ang mga crypto's, parang sagot sa kagipitan..hehhehe. pero ayun sana talaga mag Gogogo fly to the moon... Happy yarn.. happy thursday
Lunch na mg akaingay,buti nag chat ang ka trabaho ko kung may food daw ako, at kung magpapabili daw ako,yes bicol expess ang menu,miss ko na ito, tara kain na po..
Nagutom..kaya habang nag aantay ako kanina sa school bumili muna ng burger na madadala sa office at dito nako kumain,kain tyao guys, nun ask ng mister ko ano breakfast ko sabi ko Cheese burger, ayun nainggit ibili ko din daw mamaya bago ako umuwi,hays out of way un kainamn din mag crave,dapat pala sinabi ko almusal ko ay skyflakes😁
Guess what?lawa,ilog,sapa?ay sanaw pala..hahaha,gang kelan ba kami magtitiis tuwing umuulan at kapiling ka este ang grabe ng daan,pag dika mananabi sureness pag dating mo sa pupuntahan mukang galing labanan!..hays good luck shoes😭morning
Good morning..Happy Thursday..later tayo mag throwback..anyway ang aga ko mag marites, kase naman trending ang wilbert-zeinab issue, lagi lumalabas sa yt at tiktok kaya habang nagkakape nanood muna ako..ayoko sana malaman ang issue nila dahil wala namn akong mapapala pero ayun nakinood nadin haha..hays isa lang masasabi ko, bihira nag taong pwedeng pagkatiwalaan mo sa mundong ito,kundi ang sarili mo lang,kaya wag tayong magsasalita ng di maganda sa ibang tao lalu at wala naman silang ginagawang masama sa buhay mo, yan tuloy ang sakit ng balik,ang taong pinagkatiwalaan mo di mo akalain na ilalaglag ka..how sad...pero infairness pagkakakitaan pa nila yan dahil sa views diba, ayun siguro lang ang mapapala nila,pero yung reputasyon down..hays morning mga kumare, makulimlim.na naman hays..ingat po
Good night na mga kaingay,medyo npapapikit nako, napagod me sa pag lalaba ng ilang uniform ng anak ko, at nag plantsa na din.
Etong unica ko ay tulog na tulog na, pagod dahil kanina ay exam then nag review din pag kauwi, kanina mga bandang 8:30pm pumasok sa kwarto and binuksan ang Aircon,then after lumabas sya at humiga sa sofa,sabi ko anak bakit mo binuksan ang aircon tutulog kana ba? hindi pa daw naman, eh bakit? para daw maya maya malamig na..
tapos kasunod nun bigla syang nag sabi..wow! nag babayad ng koryente??imbes mainis ako natawa nalang ako..sabi nya ma ayun ang sunod mong sasabihin alam na alam ko na🤣 jusko lord kaloka talaga mga anakis ngayun..
kinuwento ko kay mister natawa at napailing nalang..
Napaka buti talaga ng akin pinsan..nasa US sya pero tuwing may okasyon, birthday valentine,pasko new year at ngayun nga mag uundas ay hindi sya nakkalimot,kahit mga mahal namin sa buhay na yumao na ay hindi nya nakakalimutan,ayan nga at nag order sya ng mga kandila para sa mga kamag anak namin dito sa compound na namayapa na, napaka bless nya dahil hindi sya nkakalimot, open arms syang tumulong lalu sa mga relatives nya na alam nyang nangangailangan, kaya naman lagi kong ipinagpapasalamat kay lord dahil blessing sya sa maing lahat.good eve po