Good evening nga kaingay, hmmm medyo tumal noh, at dahil jan ayan thankful at nakalusot sa dalwang survey,kaya namn for todays earning dito sa ysense not bat konti pa makaka 1$ na oh diba, thanks much talaga dahil hindi nauubusan ng extra earnings..kumain napo ba? nagluto ang mister ko ng tinoLa diko na na kunan picture ang bagal ko daw kase hahahha
Flex ko lang ito yung view daw pag gabi s aamin sa my palaza,hmmm ginagabi ako pero diko maabutan na ganito ka ganda,kase nga super traffict baka mga madaling araw kopa ito masaksihan pag wala ng nadaang sasakyan hahaha, anyway maganda naman talaga dahil simoy pasko na..
ctto spc spotted post @fb
ctto of thia photo..kuddos👏👏
Bbq again,at may partner naman na gulay,buti doon sa binibilhan ko ng food ay maaring half gulay lang,at half rice,di nga lang pwede ag half bbq at baka mabatukan nako hahhaha may extra sabaw pa ha,oh diba bongga, kain tayo guys
Naalala ko lang na today nga pala is 21st death anniversary ni lola, nako naalala ko tuloy non bata pa ako mahilig kase akong gumawa ng mga bracelet eh diba ang mga slipper noon ng mga lola natin lalu na yung mga pang alis ay may mag beads, hahahha eh ang dami ni lolang ganun slepper, eh ay ayun naisip ko di na nya mapapansin kung kunin ko ang isa at gawin kong bracelet at necklace hahahha, ayun kuntodo tanggi ako pag hinahanap ni lola yung kabiyak ng tsinelas nya, sabi ko baka po natangay ng aso..hehehhe hays kalokohan ko nung bata mapagbigyan lang ang paglalaro..pero nakakamiss nag mga lola aminin, kahit masusungit sila, hehhe kase iba talaga mag mahal ang mga lola sa apo nila diba.. oh ano na namang lunch ko ngayun?? hehehe lapit na namn magtanghalian.
*image from google*
Hello There!!!
Its been a week yata since my last post here, at sa mga dipa naka follow or wala pang acct here the link and my user name po, see you there mga kaingay..
https://noise.app/invite/cieatewe
username : noise.app/issay1417
Kapag my tyaga may makakamit na biyaya..
SLK na ang laman ng aking wallet ay galing lang talaga sa mga free earnings.
ngayun ko lang kase naalala na ilipat sa gcash ang kinita ko sa ysense, so ayun napakabilis lang gawin, ayoko sanang ilipat muna kaso ewan ko ba feeling ko mas ok na nasa gcash na,sa bagay anytime anywhere pde na magamit hehehe, yun lang naman kase talaga ang use ng paypal ko para lang sa survey payout kaya siguro hindi ko din maisip na mag stay sya dun..anyway just want to inspire lang naman na wag tayong nagsawa kase may mga biyaya talaga sa ating pag tityaga,like yang nakuha ko sa ysense eh ayoko na talaga nung una ituloy kase nakaka dissappoint pero ayun so far ok na ok naman na, nag start ako aug 4, pero sept na talaga ako nag earn jan kase nawawalan nako ng hope hahaha, pero ayan so far nakaka earn nako ng 2,280, oh diba not bad, so sana kayo din at syempre dito sa noiseapp sipagan pa natin ng bongga,may friends kana at nag eenjoy may earnings kapa..
At mukhang mapapanisan na naman ako ng laway nito, hehhehe dahil ang ksama ko sa work ay di na naman nakapasok dahil may sakit padin ang anak, ilan days na kaseng nilalagnat, siguro ay magpapagaling muna ang anak nya bago bumalik sa work, sadya namang pag ang anak ang may sakit ay alumpihit na tayong mga nanay na kung maari lang ay kunin natin ang kanilang mga nararamdaman mawala lang ang sakit nila, pero siguro ang pinaka mabuti nating magagawa para maibsan ang sakit nila ay yung nasa tabi nila tayo palagi, sa ating haplos at alaga ay suguradong gumiginhawa ang kanilang pakiramdam.. masarapa maging Nanay mahirap lang talaga lalu sa mga pagkakataong may sakit sila..ingatan po natin ang ating mga anak lalu sa panahon ngayun na pabago bago ang panahon.
Salamat nalang talag at may noise dahil sa mga oras na naiinip nako at walang makausap anjan kayo para maka chiakhan ko virual man ay masaya parin..Hugs everyone
Ang ganda ng sampayan noh..este sikat pala ng araw hehhe kable palal ng koryente yarn hhaha, mukang mainit ang magiging naghapon for todays bidyow.. good luck sa mga maglalaba im sure tuyo ang nga damit nyo,wag lang magbabago ang panahon ng pabigla bigla at baka masira ang mood ng mga nanay. heheheh morning mga momsh good vibes ang ating sabadooo..chill night later..hehehe ingat po
Good morning mga kaingay, yes sabado na! hays salamat bukas ay pahinga na konting tiis nalang at pwede na gising ng medyo late, ito nga pala yung nabili kong ilaw na na dumating kahapon hehehe now ko lang naalala ipost,ok naman sya maliwanag,sa may terece ko nilagay para yung mga nakikidaan sa gabi ay maliwanagan hehehe ,kape na tayo guys,morning
Bukas ko na ito itutuloy, medyo inaantok na kase ako, pero wala pako sa kalahati ng movie,pero mukang maganda ang kwento, Barbarian..nakaka gulat at medyo creepy nga hehe, ayokong basahin ang plot mas gustong panooorin nalang..so tuloy ko nalang bukas..good night evryone out there na gising pa, night noise world.
Yun tumakas na naman si dora at si diego..hahhaa parang masama yung may malapit na convinient store ah bigla bigla na lang maisipang pumunta haha,may nakita akong wine bibilhin ko sana kaso naisip ko hindi pala pwede iulam ito bukas hhahaa, ewan ko ba pag nakakakita ako ng wine then mura lang gusto kong mabili,pan display lang naman eh hehe. good evening po
All time favorite fried chicken!!!
namilog na naman ang mata ng anak ko pagka kita ng fried chicken grabe talaga tong anak ko napaka hilig sa chicken, sa bagay ang sarap nga naman kase.
ano po ulam nyo?kain napo tayo..good evening sa lahat.
Uwian time,mukang di naman uulan dahil natatanaw ko ang bundok ng san cristobal nga babyan..hehehe tanaw na tnaw dito sa kabayanan,ganun daw pag di natatakpan ng ulap ibig sabihin maganda nag magiging gabi mamaya walang ulan at siguradong maaliwalas ang langit at lalabas ang mga bituin..abay hapon palang gabi na nasa isip ko hehhe
Yes!! Pinlitan ko muna ang wallet ko sa noise app kase medyo kinakabahan ako sa cancelled payout kanina, so ayunn ngaun may nrecieved n ako .baka may konti problema sa coinph, so much better palit muna para nmn iwas problema sayang din nman ang naeran diba, good noon po sa lahat,jusko nakakaloka tong kasama ko sa office nanonood ng 2 good 2be true abay naka max ata ang volume! Huyyy di oang ikaw ang tao sa mundo may natutulog,este nag tatrabaho dito noh hahaha ...faney yarn kaloka,di n nag work nanood nalang hmm 🤔🤔 maireport kaya🤣🤣
Nag order ako nito sa shoppee at ngayun dumating, abbbaaa at ganito pala ito ka liit hehe akala ko pa naman malaki,budol yarn hehe pero sana maliwanag naman,dami ko kase nakikita na gumagamit nito kaya ang lola nyo naki gaya na hahaha,ma try pag uwi mamaya ng bahay sana gumana ng di sayang ang 55 pesos hahhaha, yes 55 lang naman sya at 16 pesos na sf kaya 71 pesos lang nag pinagbayaran ko havey na yorn..hehe
After mag lunch ito naman ang akin dessert..hehe after mag icecream last night dalahik ng ubo nag peg ko ngayun kaya naman humingi ako nito sa katrabaho ko na dumaan saglit dito sa office hehe yes hingi, at di naman nya ito papabayadan at dadalawa namang piraso,isang kilo nga sana ang hihingin ko ay hahaha..abuso yarn🤣hahhaha..nag lunch napo ba kayo,eat well mga kapatid magandang tanghali po.
Good morning, naencounter nyo po ba ang ganito? Medyo nag worry lang ko kase isang payout ng na cancelled dahil galing daw sa sanctioned wallet address nako ano kayang ganap,why oh why..wala po kong ginagawang msama...Hahaha charrr lang . Oh ayan mag 11am na naman mg mommy isip n ng lunch hehehe.
Awwwwit!!! at pumasok na sa paypal account ko ang nirequest kong payout last oct 30, ang bilis na ngayun dati 8days bago dumating, ngayun 5days nalang at nasa 3working days nalang yahhhoo!!! ang saya ng morning may ayuda again,hayss thank you lord sa mga chances na mag earn ng free,at thank you sa mga taong walang sawa ang support..godbless sa ating lahat.
Eto yung isang nadadaanna kong sementeryo na noong nakaraang araw lang ay talaga namang dina makita halos ang entrance sa dami ng tao at sasakyan, pero ngayun ang aliwalas na,pero sa bandang hapon marami ding tao na napunta parin, minsan yung iba nag jojogging and biking jan kase namn sobrang lawak muka pati syang subdivision dahil kala mo mga bahay ang anjan dahil sa mga museleyo,hays salamat ligtas na sa ilang araw na traffict back to normal na ulit,morning guys otw nako sa work ingat po
Morning guys,nakasalang na ang pambaon namin nagyung umaga,siomai, nabili namin kagabi sa convinient store,di kami famillar sa brand,pero sabi ni mister muka daw masarap heheh ,tsaka di daw namin malalaman kung di susubukan okie sige eh di try hehe,oo nga naman diba di malalaman kung masarap or kung uulit..Friday na mga kapatid bilis talaga ng panahon noh, Morning po sa lahat ingat po tayo lagi.
Mga kaingay akoy mauna na mag sleep, at ipapahinga ko na nag pagod kung katawan, late nadin at maaga pa tayo bukas,so bukas ulit dito sa bago nating tambayan, hehhe evryday sama sama,kamustahan, and share ng mga bagy bagay sa buhay lalu na ng food..hehehe, have a bless night,pray before go to bed guys..night.
Evening snacks
ah ah after dinner nagkaayaan kmi ni mister lumabas,may bago kaseng open na convinient store dito sa malapit sa amin, kaya ayan napabili ng icecream at Pick A, kain tayo guys,hays puro kain hahha wla ng pag asang pumayat ang ferson😁 good evening po
Magandang gabi mga kaingay, nakaluto napo ba ang lahat, eto ang entry ko sa dinner hehehe,actually dapat sarsiadong tilapia yan,kaso itong anak ko ayaw ng kamatis kaya sabi ko kay mister wag ng ihalo ang prito nyang tilapia kaya ayan separated sila hehe😁kain napo...good evening
Medyo naloka lang ako dito sa friend ko,nag chat sakin asking kung ano daw maganda, pili daw ako ng 3 sa loob loob ko naman bakit kaya eh di pili naman ako ng tatalo at baka sakaling para sa akin pala hahhaha? hindi naman sya usual na nag cchat ng ganyan,usually ang peg nya pag nag cchat ay love life hahhaha ,so ayun naman pala wrong send si ateng🤣 pag talaga kilala na natin ang ating nga friendship alam na natin na di para sa atin ang message noh hahhaa..magandang hapon sa inyo,pa good vibes lang bago mag uwian..ingat po ang lahat.
Yehey!!! another blessing! narecieve kona ang reward from coinph ito yung pa reward nila last october thru ETH mag convert kalang php to other crypto ng minimun of 100pesos and gotcha! may matatanggap na 50pesos worth of ETH..yes! nakakadami nako sayo coinph!salamat..naka recieve nadin po ba ang iba. good noon po
Umalis ang kasama ko s work na lagi ko kasabay sa pagkainnag halfday kaya alone akong mag lulunch,tapos tong ulam ko malungkot din hehe bbq.. ito nalang kase ang dinatnan ko sa bilihan ng ulan,pro ok lang nman ang lasa masarap naman kahit papano buti may suka, tapos naubusan nadin ako ng sabaw kaloka, kain tayo guys kayo nalang ang kasabay ko..magandang tanghali
Isan Throwback muna, panahong mahilig pang magpapiture si unica, nako po ngayon pahirapan na, minsan sinusuhulan ko pa..hahahha nag babago talaga pag lumalaki na, pero may iba naman na selpie addik hehe sya hindi, nawala sa kanya ang hilig sa pag pipicture, minsan nga hindi sya masyadong nahawak ng phone, mas gusto nya pa yung cp ng papa nya na may naka save na games, kahit pa binilhan ko sya ng new phone halos sa pag reresearch lang yata ginagamit at pag cchat pag may online class or task, anyway malambing parin naman sya yun ang hindi nag bago, sumpungin parin pero malambing parin sa magulang, ewan ko lang pag nag 18 na hehehhe...MOrning ay mag lalunch na pala, anong ulam? hehe
"Friendship Never End"
*** a sad story***
SKL..
dinalaw kahpon ng isa naming barkada ang puntod ng aming isang kaibigan nag messsege pa s aakin ung friend ko "neng saan nga ang puntod dito ni ****?
at biglang nag balik sa ala ala ko ang ngyari way back 2001
1st year collage kami noon, papasok kami ng school 3pm ang start ng class namin, yung kaibigan ko ay everyday nya akong dinadaanan kahit na isang brgy ang pagitan ng aming lugar,nababa sya sa may kanto papasok sa bahay namin at doon naman nya ako inaantay.
isang hapon, nandun na ako sa kanto,pero wla pa sya, 2:30pm na, nag antay pa kao saglit, 2:40pm na wala pa sya, kaya naman nag decide na akong umalis, wala akong cp sya lang ang meron..habang nakasakay ako sa tricikel nakita ko sya naka back ride, naisip ay siguro nalate sya ng dating sa kanto, pag dating ko sa school, wala sya di pala pumasok..habang nag aatendance tinawag ang name nya magkatabi kase kami sa kalase sa first subject sa accounting, sabi ko absent, baka po may sakit kase po kahapon nag hiking kami baka po sumama ang pakiramdam, gabi na at pauwi na ako wla akong kasabay kase nga absent sya, sabi ng tricikel driver, mag isa ka nalang,sabi ko ah absent po si****
pagdating ko ng bahay, sabi ni nanay, nakakaa wa ang sinapit ng kaibigan mo.
tumigil ang mundo ko,nakita ko lang sya kanina naka angkas sa tricikel, yun pala that time nasa likuran ko na ang ambulansyang sinasakyan nya,tapos nag overtake dun pala sya naka sakay..DOA nadaw😭hindi ako nakatulog iyak lang ako ng iyak hanggang kinabukasan,diko alam paano ako papasok, nun nalaman ko ang buong kwento lalu akong parang lutang, nagiisa syang anak na babae, napakabait at talino nakakpanghinayang,saana ngayun pag nagkikita kita kami ng mga barkada ko andun din sya siguro may mga anak at asawa na kaso wala na sya maaga syang namaalam..at alam ko na noon pa msaya naman sya sa piling ni lord..advance happy birthday my frnd.

Sa wakas nakarating ng bayan ng walang aberya, lumuwag na ang daanan kaya naman mabilis nakarating sa sakayan, thank you lord sana mamayang hapon ay ganito din,ng di naman masyadong pagod pag dating ng bahay..morning nga kaingay,ang lahat po ba ay nakadalaw na sa sementeryo sa ating mga mahal sa buhay.? ingat po kayo
Morning! happy Thursday!
medyo maaliwalas ang panahon today,naway maghapon ang ganitong magandang panahon,pero sabi sa news ilang bagyo padaw ang dadaan bago matapos ang taon,nawa ay wala ng sinlakas ng paeng ng maka pagdiwang naman tayo sa parang ng paskonat bahong taon ng mapayapa at masaya..breakfast na po tayo mga kaibigan,have a bless and productive day ahead..Happy and safe morning☺️