0.00 balanace na.. natransfer ko na ang mga earnings ko ng june at mag uumpisa ulit ako today,hoping na maging maganda ang July para sa ating lahat,naway tumaas ang bch at iba pang crypto's lalu na sa may mga naka hold,hold on lang..be good to all of us July 2022
@yssai1417 in July 2022
Snack time! ang aga ng snack time..grabe yung laman ng Pick-A wala pang half ang laman tapos ang laki laki,napagkamahal pa at 62 pesos..pero nag share nalang kami nito ka work ko at natripan lang naman naming bumili sa 7-11 may mayonaise daw kase sya sa bag at masarap deep ito sa mayo..kain ulit tayo
So umpisahan ang buwan ng nagbabayad ng utang..sana all nag babayad...charrr hehehe mga huluging naka due date na need bayaran,napaka convinient talaga ng mga online at money transfer dahil san man sulok ng pinas makakarting ang bayad mo! sa araw na ito dalawqng bayarin ang na accomplished ko kaya naman ang sweldo ay matira na naman..
Good night madlang pipol..excited na ako dahil saturday na bukas,last day na ng pasok at sunday restday naman ilan sunday na din ang di ako masyadong nkakapahinga kase dahil laging bz sana thia sunday di masydo at maka rest namna ng maayos..have a safe night sa lahat po.
Isa karin ba kaingay? na kahit hindi ka naman inaano ng crypto ay naiinis ka pag ganito nasisislayan mong trend nila..yung parang after mag hiking bababa na...pero lagi mo namang sinisilip kase nag babakasakali ka,then pag ganyan ang makikita mo ang sakit diba?para kang naka kita ng crush na may kasamang iba😭 charrr.. diko akalain na sa crypto pala ako masasaktan..hahhaa ano na??? beke nemen pdeng mag fly fly to the moon na kayo matagal tagal nadin eh.. nag invest ako sa xrp…
At heto na namn ako nasa isang aplliance store nagbabayad ng aking monthly installmnet sa aking kinuhang gamit sa bahay,ang bilis din talaga ng panahon ilang kembot nalang at tapos na ang hinuhulugan ko four months to go bago mag pasko utang free nako dito hehehe,ano kayang makuha sa susunod?🤣nako po pass muna,hehehe pero padalawang gamit na ang nakukuha ko dito,yung last ay way back 2014 pa,ayoko kase talaga ng installment pero dahil minsan walang pang cash kaya sa hulugan…
Parang halaman lang na ilalagay sa garapon na may water ah..bigay ng ka work ko actually diko alam ang tawag,sabi ay mabilis daw itong maluto,lasang repolyo pero mukang mustasa,san kaya mailagay to,sa nilaga or ginataan..bahala na mamaya si chef hubby at akoy di naman marunong at mahilig mag luto..hehe magandang hapon po..yes uwian na!
Medyo nakakapgod ang mamalengke,pero after naman at worth it..hahaa worth it! basta may laman ang lalagyan ng panlahok sa ulam ay happy na,ulam nalang ang kulang haha pero tilapia as always ang amin nabili,gagataan daw ni mister bukas. kumain napo ba?tara nat mag dinner,magandang gabi sa lahat
Pag namimili kami di mawawala ang mga ganito,syempre para sa mga bagets di lang for my junakis kundi par din sa mga pamangkin ko,pero di naman ito lahat ay gastos ko hehe may nagpapaayuda kase minsan na kamag anak kaya isinasabay ko na buti nalang di nawawala ang mabubutinh nilalang na always open arms to help lalu na pagdaying sa foodie..magandang gabi..
Good night sa lahat..salamat din sa mga walangbsawang nag sshare ng blessing,naway always tayong magkakasama here..thankful ako much sa noise.cash at sa lahat ng friends dito..naway forever tayo dito..hugs sa lahat
Happy Sunday,medyo tinanghali na naman ng bangon,nagising ako na may nag wawalis na ang harapan,buti naman at si mister ay sinisipag,nakapagsalang na ng labahin at naglilinis na ng harapan,kakahiya naman hehehe,sanay na daw sya sakin pag linggo at wala din sya pasok..tapos ako pakape kape lang daw hahaha..may hugot..good morning sa lahat.
Hmmm nag hahanda na ang aking habibi ng kanyang especialty na ginataang tilapia,teka asan ang gata?hehe nasa ref pa pala,bumili kami kahapon ngvgata sa palengke,yung fresh bagong kayod,mahirap kase mag kayod at nag gata lalu na sa aming galing pa ng work,iref nalang ng di mapanis. gandang araw sa lahat.
At heto na ang finish product..lets have lunch napo! share ko lang din itong ginawa kong juice na sobrang refreshing talaga.. pineapple juice pwede rin ung powder "Tang" then nilagyan ko ng cucumber at yorn naglasang melon juice hehe..try nyo guys super sarap nya, for a change sa nakasanayang inumin healthy pa.
Umuwi ang unica kong may bitbit na santol bigay daw nya sakin galing daw puno ng kapit bahay nanungkit daw sila..sabay sabi Ma ikaw na mag hugas ng mga plato ha whattt anak! sabay labas ng bahay,kaloka parang inupahan ako ng santol ah..pinabayaan ko nalang hehe at mamayang gabi sya naman daw..
Natapos ko din sa wakas ang aking pinagka bzhan,actually may taga kabit naman ako, taga mando lang ako kay mister haha, sa susunod kase di na sunday ay RD nya kaya wala nako makakatulong kaya sabi ko ikabit namin ngayon yang nasa backgraound na yarn..hehe pasintabi sa alak ubos na,di muna talaga ako nabili,kase pandisplay lang talaga kaso pag may nakikitang alak parang nagkakaayaan sila lagi ng mga pinsan ko, wla naman akong magawa hehe..kaya saka nalng siguro ulit ako buy.
Watching my favorite show pag SAT & Sunday, Idol Philippines, dami kong tawa kay chito sa short short ni koya! ok na ok na judge talaga si kuya chito pam pa good vibes pambasag sa antok moment pag si ate moi na ang nagsasalita🤣gandang gabi sa lahat.
Good night mga kaingay..medyo lumalalim narin ang gabi,at kailangan ng magphinga dahil sasabak na naman sa trabaho bukas,good thingis is malapit lang ang work ko at kahit papaano ay di naman kailangang ganung kaaga ang gising mga 6am ok na ok na yun makaka petiks pa kahit sandali habang nag wawarm up sa pagpasok..hays ano ba yan patulog palang pero pag pasok na nasa isip good night na po. bukas ulit kita kits
Good Morning! today is my 18months here @ noise.cash,grabe ang tagal na pala at nag bilis talaga ng panahon,more days months and years to come,more friends and good people to come..I am so thankful to this platform and thank you so much to all of you guys,more blessing to all of us..have a great day ahead... thank you 3000k+ friends..
Baon for today..akala ko magugustuhan ng anak ko tong biscuit na coated ng chocolate,sabi nya,ma ayoko nyan nakkaaumay..aba himala ayaw na nya ng masyadong sweet,ok na sa kanya daw ung cookies lang..hmmm buti naman kase syempre nagdadalaga na pag masydo mahilig sa sweet nagkaka pimples lalu,sya pa naman ay prone nga sa pimples..kaya ayan ang ending ako pala ang kakain..hehe flex ko lang aga aga open na agad sa laptop ang chart ng crypto..hahha happy monday!
Tanghalian na!tipidity ako today may baon,syempre tipid tipid again at mayalo pa ang sahudan at maraming padating na gastusan hays diko nga alam minsan san ba napupunta ang sweldo ko hahaha..kaloka ah basta nkakaraos araw araw keri ma un..tara kain na.
Dumating na ang aking shoppee..dahil malapit na ang ber months nag advance nako ng christmas light charr...actually ggaawin ko ito ilaw sa kawarto dahil wala akong makita na lamp na mura mura na battery operated,kaya gagawa nlang ako..keri na to heheh maliwanag at maganda din pag nagawa ko na.
Maulang hapon..at dahil hindi bz kahit monday selpie muna!😉ngayon ko lang sinubukan mag black eye brow usually brown ang gamit ko,hindi ko lang alam kung bumagay ba or hindi lang ako sanay,whatever basta ito ang trip ko today..hehehe kanya kanyang trip ika nga, haha anyway dito lang naman ako ng popost kalimitan ng selpie,so meaning mas makapal pala ang face ko pag sa noise haha kase sa fb nakaka afraid baka ma bash..nako nako,kaya dito na nga lang makapag post sa noise,so…
Magandang gabi! at happy na naman ang inyong kapitbahay,dahil achieved na naman ang gustong ilaw at sa halagang 119 pesos kasama na ang battery ay talaga namang bongga,may display nako sa dinning may bottle lamp pako para mamaya sa kwarto yun nagagamitin naming ilaw,tipid na safe pa.
Good night mga kaingay! siguradong masarap ang tulog ko nito, ayan gamit na namin ang ginawa kong bottle lamp,sorry na at flex na flex ko haha,siguro natutuwa lang talaga kase ako dahil this past few months sobrang creative ko at andar na andar ang imagination ko na makagawa ng mga bagay na kapaki pakinabang,na di ako gagastos ng mahal.. salamat shopee and home buddies hehhe nabibigyang kulay ang mfa imagination ko... good night na po sa inyo bukas ulit..hugs sa lahat.
Todays transaction sa coinph..hays grabe laking tulong talaga ng mga online wallet na to imagine ilan click lang nkapag pag transfer na agad ng pera,napaka high tech na talaga..naawa ako sa ibang hindi open sa ganito takot sa pag babago at takot matuto kaya ayun madalas pag usapang online transfer walang maisagot,kase nga ayaw matuto. nagbabago na ang panahon go with flow para di mapag iwanan di aasenso kung mag sstick sa nakasanayan,llau sq mundo ng ating ginagalawan ang…
Kain na mga kaingay..ay ang bongga ng bbq na nabili ko,ang laki,at ayempre ang laki din ng presyo,hehe 55 pesos,sabi ni ate masarap daw,eh syempre tinda nya eh haha,pero mabait naman si ate sabi nya wag daw akong bibili sa katabi nya kase frozen daw yung tinda dun...di nga???hehee kaloka si ate ang dami na agad nasabi bibili na nga oh. magandang tanghalian
1 yakult a day para tyan mo everyday ok👌 gusto ko ng gawan ng linya ng commercial si mister,at talaga namang nakapag send pa ng picture,kakatapos lang daw nya kumain,at syempre after non mag yayakult daw sya para sa kanyang tummy,wow,hiyang hiya naman talaga ako,at sadya namang napakaalaga sa tyan hehe..pero infairness nga namn kahit lahi sila ng medyo malalaki,di sya nagpapabaya sa sarili nya at sa tyan nya hehe,kase nga nman mahirap magtali ng sapatos pag malaki ang…
Napadaan kami sa tindahan ng mga ihaw ihaw,kaso wala naman yung gusto ko kaya si mister nalang ang bumili ng kanya,nako po mukang may kapartner na naman ito hays.. pagbigyan na at isa lang naman daw..weehhh di nga????
Good morning madlang pipol! kape na sa umaga...binilhan ko na ng Milo ang aking unica at baka makapag reklamo na naman na hindi ko sya idinadamay sa pag bili ko,gusto kase nya pag gising nya mag titimpla nalang,kakahiya naman at anak na nagagalit sa nanay hehe,habang sya ay tulog na tulog pa akoy magkakape muna,madalas sa sala ang pwesto ko pag nag kakape,pero dahil sa sofa nakatulog si unica sa kusina muna ang pwesto ko,di sya tumabi kagabi sa amin kase sobrang likot daw ng…
Laki help talaga ng piso load..ayan last night naka tyempo na naman ako ng piso load sa smart,pa tatlo ko na to,sana always meron, pero mas maganda sana kung yung sa Dito ang matyempuhan ko kaso nag exceed nadaw ako kaya back to reg 10 pesos ang babayayan ko kaya sa smart nalang ako ngload at ayun may available pang isa..maigi rin na may extra load sa sim para just in case may need itxt or call may magagamit..salamat shoppee
Jusko po anong edad ko na un pala yun!!! Time Freeze - Taympers Felt tip pen - Pentelpen SHare it - Siret Up here - Apir Bag Pack - Back Pack Open Says me - opensesame.. hahaha pam pa Goodvibes lang...good morning
Napansin nyo ba guys? pag nag place order tayo sa shopee maya maya lang naka to ship na,then to recieve na agad,dati kase hanggangbkinabuksan naka to ship pa,then may chance kapa ma maicancell,ngayon ang bilis,like this one na order ko kahapon to recieve na agad at out na for deliver,kase parang nag hire sila ng taga approved ng mga order para di nagtatagal,not aure di naman ,pero nabasa ko yun minsan eh. so ayun in short ang bilis then wala kana chance na mag bago isip if…
At dumating na agad agad ang order kong pan regalo,sleepware ng bata,at dahil excited ako binuksan ko na..hehe, kaso parang maliit, pero mukang maliit naman ang bata,sana ay mag kasya pero ang ganda nya medyo makapal ang tela at mura din feeling ko maggustuhan ito nung reregaluhan yun lang sana kasya sya. maulanf hapon grabe ang lamig sarap mag kape.
Buti naalala ko ang bilin ni mister medyas at face towel,habang napatigil ako at maulan,mura lang naman 3 for 100 ang medyas at 15 pesos ang face towel 6 na piraso na ang binili ko,last na bumili ako seven pcs ayun kahit isa walang natira,hindi ko baga alam kung nawawala sa sampayan or nalilikom ng iba hahhaa..sana naman mat tagal itong bagong bili ko.. magandang hapon sa lahat mga kaingay
Eto yung medyo nakakainis na part ang magtupi ng mga nilabhan after matuyo..eh alangan namang di tupiin,ang masaklap pa nito pag nailagay na sa aparador kung kumalkal naman ng damit yung mag ama ko ay akala moy binagyo,at kung bakit ba naman di mailagay ng maayos sa damitan eh ang ayos ayos ng pagkakalagay ko...yun talaga ang kagigil! pero dahil loves ko sila dedma nalang hehe..magandang gabi...
Sleeping time mga kaingay! nako may nabasa akong ggawin na daw na ang booster ay kasama na para masabing fully vaccinated ka,nako nako mukang makakapag pa booster yata ako neto..dahilnsa oag taas daw ng mga case na naman,ngayun nga nasa 59 na ang case today dito sa amin kaya mukang need na nga...good night madlang pipol...slrep na po tayo.
Good morning!at goods talaga ang morning..happy 7.7 at naka kuha na naman ng tig pipisong load,naka 60 pesos load din sa halagang 4pesos..yehey! happy nako nun,di naman ako nagpuyat ka ay di keribels ng powers ko..kayo naka pag add naba or place order,or check out na???shopping na!
Napaaga ayan sarado pa,di naman pwede mag open mag isa at mabigat ang roll up haha..lalaki yarn?? kahit na medyo ang nasakyan ko ay ang pinakainiiwasang kong masakyan at ayun na nga,medyo nakakainis lang kase dahil si kuya tricikel driver ay sadyang binabagalan ang takbo at bawat kanto sinisilip kung may sasakay,minsan ang problema kahit ang layo pa ng pasahero basta natanawan nya ay iintayin nya..kaya nakakastress sya masakyan sa umaga then super sungit pa,kaya minsan pag…
Masarap kaya ito??sabi nitong nagbigay na bigay lang din sa kanya masarap daw,kahit dipa naman nya natitikman kase galing daw ito sa abroad,galing daw Malaysia. Minsan kase magkakaiba tayo ng taste pag dating sa food inumin at kung ano ano pa,may masarap sa iba sa iba hindi,depende siguro sa nakasanayan ng tastebud natin. like yung coffee na galing sa US yung forger ba yun,lagi din yun ang pasalubong sa amin,pero napansin ko di masydo tinitimpla noon ni mother kase nasanay…
Throwback thursday! panahong uso pa ang snappy... nag memory sa fb ang ganitong kaikling hair,hmmmm napaisip tuloy ako parang bet ko ulit magpa short hair..feeling ko naman bagay sa akin lalu akong magging chubby face hahaha,hays minsan magulo din utak talaga pag long gusto magpa short pag short na gusto magpahaba?hahaha ganyang ganyan ako talaga.. mag lulunch na tara na mag isip ng food.
Lunch for today..actually shanghai lang talaga ang baon ko,kaya nag hanap ako ng gulay na mabibili sa karinderya,at ayan na nga ampalaya,so super bitter amoy na amoy ko pa..hehehe masarap naman tunay nga lang na napakapait,pero nandun daw ang sustansya ng ampalaya nasa pait..awww...kaya pala hehe ..magandang tanghali sa lahat.
Pag sinuswerte nga naman,maulan kase at di maka bili ng meryendang turon sa bilihan namin,pero pag open ko ng bag ko abay may pianono pala ako hehe naisilid ko pala sa bag yung binili ko kagabi,buti nalang pala,so kape kape nalang ang kulang,kain muna tayo mga kaingay..medyo masama ang panahon ang sarap kumain yata ng sopas noh..hmmmm
Habang maulan manood ng movie..hehe isa talaga ito sa favorite kong movie at ito yung scene ang ang ganda ganda,lalu na yung lines ni izza calzado about love..yung kailangan daw may allowance for mistakes,syempre hindi naman perfect ang isang relationship diba..hays ma idownload na para mamaya panoorin ko sa bahay..nakita ko lang kase ito sa mga movie clip sa fb kaya nagka idea ako ng ithrowback movie ko later.. grabe ang ulan mukang walang planong mag stop!
Pila na naman ang binibilhan kong siomayan lagi box office dito masarap kase ang timpla ng siomai nila kahit medyo pricey eh keri lang,pag mabilisan ulam ay katalo na,by request pati ito ni unica..lapit nako abutin ngbulan buti tumigil tigil,kaso pangbilan pako sa line..hays
Kainan na..dinner time,ung tilapia may kurot na,gutom na si miater nauna ng kumurot haha,kain po tayo,sarap ng sawsawang ginawa ni mister mapapagana na naman ako nito,pero hinay lang sa rice hehe at diet dietan..charrr..magandang hapon
Good nigth mga kaingay...at kakatapos lang namin manood ng Starting over again..diba nga nag dl nako kanina para may mapanood kani ni mister at ayun kakatapos lang namin mag watch..guys bawi nalang ulit ako sa inyo bukas...medyo sleepy na talaga ang kapitbahay nyong noiser...good night sa lahat see you tomorrow mga besshie..hugs..
Good morning!happy friday..syempre simulan ng maganda ang morning natin..kaya every morning kung ano man ang earning ko kahapon ay transfer ko na sa coinph para alam ko hm ang earnung everyday hehhe basta un,then saka ko sya witjdraw or lipat sa bank account...taray may pa bank account..charr hahahha..
Malaking bagay din talaga tong nakapag open ako ng account sa BDO.. Kabayan Peso Savings, pero dapat may remittance kang papasok kase yun ang purpose nito,then ang maintaining nya is 100 pesos lang, ulthen may ATM na din sya kasama..yun nga lang hirap din makapg ipon dito kase nga my atm one pin away hehe.. pero syempre nasa tao na naman yan kung magaling kang mag ipon..kaya salamat sa mga earning aite and app nakakautay ng pakonti konti..
Kahit maulan...craving sa icecream. wag lang massobrahan at mahirap magkaubo fahil halos kakagaling galing ko lang din,hehe tigas ulo yern..konti lang promise.. kumain naba kayo mga kaingay,enjoy lunch po
Nagutom after mag attend ng Google.meet meeting.. naalala ko lang nag mmeryenda ako nito,may ka work kase ako na ginagawang tanghalian itong biscuit at kape,yes tanghalian..nahiya naman ako kase ako meryenda na,meaning nag tanghalian nako..so ano kaya feeling ng ito lang tinatanghalian?diko naman ma ask at baka masabihan ako ng pake mo eh diet ako😁ah basta gutom ako mag early meryenda ako bakit ba..hahaha.. pero one thing is for sure,mamaya sakit ulo nya sa gutom..hehehe…
Dinner napo,nakapag sinangag pa si mister ng mabilisan,masasayang na naman kase ang kanin,bukas di na pwede kahit nasa ref masydo na matigas kaya mas mabuting i fried na..kain napo,sarap may kasabay na soda talaga pag kumakain,yun lang hinay hinay lang..gandang gabi sa lahat.
Magandang gabi sa lahat,nkapagpalit ng cover ng wala sa plano..may mga nakita kase akong langgam sa gilid ng higaan,ang sweet daw kase namin masydo ni mister eh...charrr... hays labahin is waiving yun pa naman pinakamahirap labhan cover ng higaan. mahirap na baka papakin si unica ng langgam,pa three days palang napapalitan ang cover ewan ko ba pano may mga langgam sa gilid,nag spray muna ako ng alcohol sa gilid gilid,100% alcohol para deads ang mga langgam..sarap humiga pag…
Good night..have a safe friday night sa lahat,kung ang iba chill night ako mag gugoodnight na,holiday bukas pero may pasok ako,nakasanayan ko ng pumasok pag holiday,medyo kase may pagka mabait yung manager namin sya ang wala pag holiday at kami ang pinapapasok,minsan naman pag na tripan nya pumasok pag holiday gusto nya papasok din kami,oh diba ang bait hahaha.. hay nako ganyan talaga ang buhay empleyado kaya nga sana tumama nako sa lotto hehehe.. good night napo..
Saturday na! excited much..holiday pa! doble pay yehey! nakakaexcite nga naman pag doble pay yarn,then saturday pa wala masydong client pag ganitong araw kaya kahit papaano nakakarelax sa work kulang nalang taas paa para mas relax..charrr..magandang umaga sa lahat mga kaingay almusal napo..have a safe day ahead to all..
Harinaway mabusog ako nito,sabi ko kay ate sa binilhan ko half lang ang ulam at diet me chharrr,kaso super half naman na mabibilang na ang karne sa tokwat baboy hehe,bawi nalang siguro ako sa tubig hehe..kain po tayo
Meryenda tayo mga kaingay,nag aya mag meryenda tong kasama ko sa office,tatlo lang naman kami today dahil nga holiday,abang abang nalang ng uwian maya maya,tamang chill chill lang today. Magnadnag hapon,buti maganda panahon ngayon di na masydo nag uulan.
Pagkadating ko ng bahay ng prito muna ako ng shanghai at imbotido,actually binili ko lang ang imbotido,mainit init pa nga sya dahil bagong luto,nung binili ko yung nasa steamer pa ang binigay sakin dun sa binilhan ko,kase ai unica ayaw nya kumain ng imbotido na di naka prito kaya naman kahit bagong luto ay napilitan akong iprito pa ito oara kay unica..tara kain tayo guys.
Kanina kopa hinahanap yung mag ama ko,sabi ko kase ibili lang ako ng bulak (cotton) kase naubusan nako,mga 45mins lang naman silang nawala..tapos pag balik may dalang plastik si unica,un pala namili ng ukay sa pinsan nya,inaya ang tatay nya at si tatay nya ang pinagbayad.. haha nakabudol..at infairness magaganda ang nabili nya 160 lang yang 5 pcs na short na yan
Nakaready na ang pang regalo ni unica para mamaya sa birthdyan ng pinsan nya,ang ganda ng paper bag noh.. Share ko lang kahapon kase umaga palang sabi ko bibili ako ng paper bag paglalagyan ng gift,then may bitbit akong shopeee ng hipag ko,naisip ko idaan na sa work nya sa mercury drugs,so ayun pag daan ko sa kanya napachicka ako ng slight..tapos after nun diretso nako paradahan,nun naka sakay nako tricikel yun! nakalimutan ko na bibili nga pala ako ng paper bag! haha di na…
At eto na nga.. sabi ng mister ko kinakabahan na daw sya pag may hawak akong ganito,mukang may susukatin na naman daw ako sa pader, dami ko namang tawa,kase nga naman mukang pahihirapan ko na naman daw sya at may naiisip na naman daw akong ipakabit bilhin or ipaayos..hhahaa,sabi ko diba pwedeng may susukatin lang??? sagot ay "wag ako"..hahahaha galit yern???
At hindi naman halatang nag shawi ako...charrrr,ipinadala ni tita pauwi nako para daw sa mister ko kase nasa work pa,baka daw kase mamaya pag dating ni mister at mamertdayan ay wala ng madatnan sa dami ng tao..hehe kumare kase namin ang nanay ng may kaarawan kaya sadyang malapit..ao ayun mukang solve ang hapunan noh hehe,at may pa ulam na,tamang left over na kanin nalang at para dina mag sasaing ,syempre tipid more dahil ang gas ngayon mataas kaya hanggat makaka save ay mag…
Done sa First batch ng tupiin,inuuna ko muna mga pants ni mister,may sariling lalagyan dahil di kasya sa durabox, ang ayos ayos nyan pero bukas makalawa parang dinaanan na naman ng turnado! kase minsan yung isusuot nya nasa ilalim pala,jusko po,kesyo nasa ilalim or ibabaw ang point is ibalik ng maayos dahil nakita namang nakaayos bago kunin..minsan mga meses yan nalang pinagtatalunan namin..hahhaa kase naman diba di naman biro ang mag tupi ang tagal nang gawin tapos…
At dahil di na ako nag dinner kse alam nyo na galing akong birthdayan kanina hehe so ito naman ang trip ko ngayon santol with alamang..good luck sa tyan ko hehe sanay wag namang mag wala! pero sanay nako kumain ng maasim,siguro nga pinaglihi ako ng nanay ko sa maasim specially sa Vinegar,napakahilig ko sa suka,kaya yun ang di nawawala sa mga condiments namin. so sabayan nyo ba ako?or ako nalang siguro..hehr waiting ako sa idol phils...medyo antok na pero diko papalampasin…
Good night na mga kaingay..bukas ulit tayo mag chickahan ingay at kwentuhan.. monday bukas pero no need to get up early dahil nka leave ang noisemate nyo,hehe. get ko kase ang report card ni unica baka ienroll ko na din kung pwede na, para wala na masydong isipin sana maasikaso kona din ang scholarship nya kay mayor..malaking bagay din kase ang discount na 4k sa tuition so ayun hopefully bukas magawa ko mga nasa list ko.. so pano good night napo.
Good morning!Happy monday sa lahat..medyo late nako bumangon..anong medyo?super late pala hhaaha sorry naman..wala kase akong pasok today naka leave ang pretty kapit bahay nyo..may importante akong lakad later, sa school ng junakis ko..kain muna bago lumarga,di pwede di ako mag breakfast ngayun sa bahay dahil mahirap na baka mamaya sa scholl pako abutin ng gutom eh sure wala naman tinda pa ang canteen dun...makapag pag kape at pandesal na muna..tara kain po
Good morning..gastos is waiving.. brabe books palng basa 3k+ na kaiyak buti nalang unavailable pa ang ibang books,kaya 5 lang ang maiuuwi ko,anyway unavailable parin naman kase ang pambayad ko kaya ok nadin yun at pag iipunan kopa nag pambili,hehe hays dami na agad tao medyo tinanghali ako ah..abutin siguro me ng gutom here hays..
At inabot nako ng lunch break! grabe sa mg private talaga walng no noon break noon break..walang ganun mars..pag sapit ng wala.pang 12nn naka close na ang mga dept..wow ha..so ano to waiting kami ng 1pm..hays kaya ayan lumabas muna ko para mag noon break din..kaloka patapos nako ng inabutan ng break time. grabe ang daming tao sa JB halos wala na maupuan,pandemic paba?
Magandang hapon mga kaingay,sa wakas! nakatapos din ng pag eenroll kay unica,at nakauwi na,habang nakasakay ako sa tricikel may notif from cpinph at wow! may narecieved ako Looks 16.5 equivalent to 283 pesos..parang biglang napawi ang pagod ko,naka leave ako today at kahit papaano ay bayad ang halfday ko,at ito na ang half ng salary ko hahha..ito po yung sa pa quiz ng coinph then ang reward ay looks,at isa me sa mapalad na nanalo...waahhh so happy and thankful,actually di…
Magandang hapon,napkainit..so magpalamig tayo,recommended ito nung officemate ko kaya naman buy agad nun nadaanan ko paguwi kanina,masarap nga naman at mura,55 pesos lang ang isa sulit na sulit..refreshing talaga.. #grahammanggoshake tara meryenda po
Magandang Gabi mga kaingay..share ko lamg ang eksena ko kanina sa school habang hinahanap ko si teacher ni unica,gawa ng kukunin ko ang card nya,wala pala sya sa room at nasa baba daw at nag aasikaso sa mga nag eenrol..so ayun na nga nakapag picture ako sa hall way then naisip ko paano kaya dito pag gabi paano kaya nag roronda ang sekyu dito dapat malakasan ang loob noh kase feeling ko talaga may namamasyal dito eh..diko na kinery makarating sa may bandang dulo kase medyo…
Stop,Look, and Listen.. Naisip ko lang sana bawat kanto may terminal haha,eh di sana ang bilis ng byahe ko from house to offce,hmmm magkano kaya fare ko nun?siguro 5pesos nalang? kase napakalapit lang hehehe,hay sana noh maging tulad tayo ng sa ibang bansa na my mga bullet train na pagkabibilis makarating sa ibang lugar..soon makapag train nga Sanpablo-Lucena 50 pesos lang naman ang pamasahe in 30 mins daw andun na..hehe #maitrylang
Aba nga naman ang aga magtaning sa gitna ng plaza...mukang pinapaganda ang plaza ng aming Mayor ah,kahit naman papapaano ay nagkaka improvement ang aming lugar..pero dapat lang naman kase City ito at marami ding establishment dito kaya sigurado naman na malaki nag income dito,yun nga lang sana naman ay mabawasan ang mga nanlilimos at mga palaboy,nkakaawa namn kase sila,mga badjao at mga may mental condition. Sa totoo lang ang dami nila sa kalye,nakakaawa,yun sana magawan ng…
OMG Gcash anyare??? bakit wala kayong paabiso ahead of time na may ganyan! may maintenance pala,nag bank transfer kase ako ngayon lang,at i wwithdraw ko sana thru atm, then after ng transaction is ganyan ang txt,hays nakakapanlambot naman 3-5days padaw bago ma credit sa bank or ibalik sa acct..grabe naman ang tagal ko na ginagawa ito ngayon lang nangyari ang ganito saklap namn!
Share ko lang itong na Free ko kahapon sa Avon.. nagyon ko lang naopen alam ko naman na mabango ito,pero di kase ako mahilig sa mga ganitong klase ng pabango,amoy mayaman kase hhahaa,sapat ma sa akin ang Victoria secret...charrrr...hahaha nakaka gamit lang ako nun pag may nagbigay na from abroad..pero ang totoo ok na sakin ang mga cologne,eh ngayon nga sapat na ang alcohol diba..hehe so ayun, ang plano ko sa perfume na ito ibenta nlang or siguro kung di mabenta display…
Lunch time! ulam for today...Sinampulan....este Sinantulan pala..haha, eh kase naman sabi ni ate sa karinderya,sinampulan daw kase first time nya daw gumawa nito kaya sample lang haha pinapatikman nga muna sa akin bago ko bilhin para daw if diko magustuhan diko na bibilhin..hehe, ask ko kase sya kung masarap sabi nya "masarap din" para bang may alinlangan,kaya sabi ko ay parang ayoko na..haha kaya tikman ko daw muna..pero since tiwala naman ako sa luto nya kaya binili ko…
Nadaanan ko kanina nung pauwi na ako,napakahabang pila papuntang SM sanpablo,grabe sale ba?hehe pero madalas talaga ganyang kahaba nag pila dun,buti nalang di ako taga doon sa my banda SM kase malamang laging gabi uwi ko,pagod kana pipila kapa makasakay lang,hays kulang kase sa byahe ng jeep,ewan ko ba 100% na naman ang capacity ng sakay pero nagkukulang parin sa jeep sa byahe jan.. anyway just got home maghhanda na ng food..magandang hapon sa lahat
At kaya naman pala mabigat ang Bag ko,may laman nito..siguro inaantok pa ang unica ko nung inutusan ko,sa bagay kaka bangon lang nya kanina..sabi ko Anak makikilagay nga ng powder sa bag ko,pero yung katabi ng powder pala ang nadampot ayan lotion..hehehe ok nadin kase dry nga naman ang skin ko dahil sa aircon sa office hahhaa,pero infairness ang bango nito,naka sale pa..hehe salestalk..basta mabango..
May ganito pala sa puregold..piyaya abay kala ko sa bakery lang may piyaya,parang natakam naman ako,hehe mukang masarap,nagpabili kase ang sexy kong friendship/kumare na si @joicebueno17 ng bread nya sa puregold sa kawork namin eh bumili din etong kawork ko kaya naman parang hmmmm teka nagutom. ako ah..haha halos kakatanghalian lang gutom agad girl??
Galing ako kanina sa municipyo sa office of the Mayor...taray office of the Mayor? hehe magpapasa kase sana ako ng mga requirements para sa scholarship ni unica for this school year, kaso ang noisemate nyo ay may kulang na requirement,nakalimutan ko sa bag ko😭gusto kong mainis sa sarili ko dahil isa nalang ang kulang,so ayun babalik na naman ako bukas,medyo nakakatamad namn kase dahil syempre mahal pamasahe, tapos walang nagyari hays kalungkot..pero laban lang at kailangan…
Bili muna ulam bago umuwi,medyo malelate daw si mister ng uwi at di makakapag luto kaya sa bayan nako bibili ng ulam,sya kase ang nakatoka sa pagluluto ng ulam lalut nauuna sya makauwi ng bahay pero ngayon ako ang nakatokang bumili hehe kase kung magluluto pako baka abutin pa ng syam syam,kase iisipin kopa kung ano..hahha
Mapagpalang Umaga sa lahat mga kaingay,naway maganda ang gising ng ating mga kapitbahay na noiser,oh alam nyo na maghapon ulit tayo here,thank you sa much sa araw araw na pag sama at pag tambay natin dito,naway always Happy kuntento at mabubuti ang lahat..be a blessing to each and everyone mga kapatid..happy Thursday!
Luto na! aga nakaluto ni mister,malamang diko na makakain yan kase malalate ako,dadalhin ko nalang sa work,dun ko nalang kakainin,kaso minsan pag dating sa work bz na agad sa umaga kaya ang ending magiging tanghalian na..hehe,ganyan kase pag naunahan nang pagiging bz nakakaligtaan na talaga makakain..breakfast na mga kaingay 7am na need na mag ready pag pasok,ingat po ang lahat ng mga paalis ng house.
Ang ganda ng panahon,naway magtuloy tuloy hanggang hapon,para naman ang naabutan kong mga sinapay ni kapit bahay ay matuyo na,hehe,concern talaga sa sinampau ni kapitbahay..haha syempre para bukas turn naman ng mga damit namin,minsan kase pag gising ko abay parang fiesta na sa harap ng house daming banderitas,este sinmpay pala hhahaha,daig nga daw ng maaga gumising ang puyat..ano daw??? hahhaa napaaga kase magsampay si neighboorhood ganern...sya tama nga ito basta maganda…
Medyo naaliw ako sa pag lalaro ng Bling.. in few minutes naka earn ng 99 sat, not bad habang wlang ginagawa kanina,kaso nalibang nga ako,abay mag 2pm na pala meged!at eto na din agad agad pumasok na sa coinbase wallet,maliit lang pero libre diba..legit na legit talaga ang Bling un nga lang bawal to sa mainipin..hehehe pero mas ok nato kesa naglalaro na na walng earnings diba.. anyway konting kembot nalang uwian na,ang bilis na talaga ng oras basta nag after lunch na noh.
Bumili ako ng new token sa coinph ang Looks.. last time.kase may na recieve akong reward,then ngayon may pa reward ulit sila need mo lang buy ng Looks until july 18,diko lang sure kung hm ang pa reward nila,so ayun nag buy ako atleast 500 pesos,sana ay palarin ulit na magka reward..
Kahapon bumili ako ng Looks na halagang 500 pesos,and pag check ko ngayong morning nasa 528 na sya,wala pang 24 hrs kumita na ako ng 28 pesos,talagang bantay bantay din talga sa crypto,hindi ko muna sya hold dun kase napansin ko napakabilis ng galaw nya,mabilis tumaas at bumaba,napaka unpredictabel,so Ok nako na nag earn ng 28 pesos oh diba ang bilis lang..
Almusal na..nagdala ako ng pandesal at dairy cream, dito na kami mag aalmusal,lubusin dahil wala ang pusa..charrr hehhee..chance na magingvhappy at kwentuhan sa morning na walang bantay hehehe..kain po tayo,masarap nag pandesal lalut mainit init pa,yung natutunaw ang dairy cream sa pandesal..
Napabili ng wala sa oras dahil sa Booster shot! then after hindi na naman gagamitin syang ang bente,pero iiwan ko nalang sa office just incase na ggmitin soon pero wag naman atleast dina bbili ulit. pero sana stop na talaga nag pag gamit nito,hays booster is waiving kaloka ayoko na sna kaso sabi daw ay need para masabing fully vax ka.
Done my first Booster..pasintabi po sa malaking braso.. Share ko lang sa Entrance palang nasungitan na ako ng staff kung san ako nag pa booster. Nun tiningnan nya kase ang 2nd dose ko is Aug 2021 pa, ask nya ako bakit ngayon ko lang naisip pa booster? sabi ko sunday lang po kase ang off ko,then sabi nya,ibig sabihin from aug 2021 until kahapon hindi ka pwede mag off? sabi ko Sir kaya nga po ako nandito ngayon...so ayun tumahimik na sya. alam din naman siguro nila na marami…
Napakadaming food naman ang ipinadala ng aming boss,parang pati pang shawi isinama nadin...nakalibre ng lunch,malamang oati pang dinner libre na din,happy fiesta! busog kami nito panigurado.. kain napo tayo happy lunch
Sa twing may inoorder ako sa shoppee lagi kong sinasabi na hindi,last na to talaga! pero ayun nabubudol parin! sabi kopa hindi,hindi talaga!pero nakakita lang ng free shipping eto na naman...pero last nato totoo na..hahhaa last time kase akong ng order eh nabudol ako sa shipping pero ngayun may nakuha akong free kaya no choice..haha no choice??? pero kase ang ganda nya bagay sa sala namun kahit medyo chaka ang window hehe.
Grabe nakakaantok,uwing uwi na ako at pakiramdam ko umeepekto na ang vaccine kanina sa akin, pero sa bagay kanina pa sya may effect sa akin,ang bigat,ngalay at namamanhid ang left arm ko,then hindi ko masyado maitaas at maigalaw kase masakit sya talaga, hays eto pala epekto ng booster,sana naman ganito lang at wag na akong lagnatin,pero uminom na ko agad ng Paracetamol para wag na nga tumloy ang lagnat kung sakali man.. pero kanina grabe parang ganun ganun nalang talaga ang…
Magandang umaga mga kaingay nakaligtaan ko na may vaccine nga pala ako,abay todo at bongga ang pag iinat ko,ng marealize ko na napakasakit ng braso ko at may bakuna nga pala..hehe..pero need bumangon at may pasok pa kahit saturday na,kala ko pa naman Sunday na ngayon mamaya pa sana ang bangon ko dahil antok na antok talaga ako,parang pakiramdam ko sobra ang pagod ko ewan ko ba..pero umpisahan ang umaga sa pagpapasalamat kay lord na may umagang kay ganda lagi tayong…
Sarap pag week end noh,sarap mag muni muni sa umaga habang umiinom ng kape..abay baka masobrahan ako sa muni muni mag aalasyete na pala,need ng maligo at baka malate..iniisip kopa kung mag papa init ako ng tubig pampaligo,medyo malamig din kase ngayong umaga,kaso mahal ang gas eh hehe baka mga isang araw ubos na naman ang gas jusko lord,saan na naman kukunin ang pambili,wala bang nabibili talaga na Unli Gas??hehehe sana mauso yorn haha..sya issay maligo na hindi ung kung ano…
Tanong sa Family feud..ano ang dahilan kung bakit Kailangang mag delete ng photos sa gallery? Top answer: Para kalimutan ang mga bad memories.. Habang nag sscroll ako ng mga photos sa gallery bakit ganun hindi naman to bad memories pero bakit ang sakit?? anyare ba self? 2 or 3 years lang yan ah,bakit ang slim ko pa jan???hahhaa imbes kase mamayat dahil sa pa demic eh bakit parang nag unli rice pa? ang ending ilang layer ng bebe fats ang naipon..hays saklap. miss you…
Usong uso ang ganito..dami ko nakikitang ganito sa ig at fb. nag try akong mag down load..ayan may demo acct akong nasa 10k at nag try ako at nakakuha agd agad ng 69 pesos oh diba ang bilis?pero syempre virtual cash yan haha,pag gusto mo talaga ay mag dedeposit ka..yang 10k ay para pag practisan mo...pero siguro di ako mag dedeposit jan,para kase sugal yan eh tataya ka..pero ganun naman kase talaga sa lahat diba its either tumataya or mag iinvest ka ng oras or pera..pero sa…
Narealize ko lang na napakakalat pala ng gamit/table ko..pero alam nyo ba or jan sa mga nakakarelate na makalat din hehe kahit pa gaano kakalat ang gamit ko sa office man or sa bahay,eh alam kong kung san nakalagay yung mga gamit na kailangan ko,kumbaga memorize ko na,hhahaa...gaano man yan kakalat alam ko parin san mag hahanap at kung san mga nakalagay,oh diba talent yorn.. hehhee,kaya pag wala ako at may need silang hanapin sa gamit ko alam ko kung san ko sila…
Lunch time... anong lunch nyo?ako ay binagoongan..medyo wla pa naman akong gana kumain today,medyo mabigat ang katawan ko talaga,epekto ng bakuna,ang hirap kumilos konti galaw masakit talaga sa braso,at yung feeling ko na nangingilalim ang init ng katawan ko,pakiramdam ko lalagnatin talaga ako,may baon naman akong biogesic..hays gusto ko na sana umuwi kaso sayang naman,di nalang siguro ako masyado force sa work,chill chill lang aircon naman ang office eh kahit papano…
Pag ganito nalang ang load ng wifi namin,sigurado maya maya ang mag cchat na si unica. Maaaa.. .may load paba ang wifi???eh kesa maichat pa ako eto na uunahan kona loloadan ko na heheh,bawal maabala sa paglalaro ng kung ano man ang nilalaro nya..mas ok na yun atleast nasa bahay kesa makikikapit bahay,wala pa naman tao sa house..kaya minsan uuwi kami wala ng toyo,suka,subuyas,kamatis..pero kumpleto pa naman ang appliances..hhahaha alam ko naman kung sino ang nakuha,para lang…
Dala ng officemate ko,meryenda daw..haha meryenda!sanyol..ang hanap ko sana ay turon hehehe gutom na kase ako,di maganda ang lunch ko kanina wala kase akong gana..pero katalo na to,buti may asin..santol sakin. at iuuwi ko nalang ang avocado gagawin kong shake hehe,need lang gatas ung malapot para katalo nato bukas pang dessert diba.. salamat sa officemate kong may hacienda hehehe nakaka free palagi ng fruits
Medyo wala talaga akong gana kumaing ngayong dinner,buti nalang may nabili si mister kanina sa palengke na Siopao habang nag aantay sya sa akin,nagsabay ka kaming umuwi kase nagpa gupit sya,usually nauuna sya umuwi from work dahil 4pm ang out nya while ako 5pm.so for dinner ok na ko sa siopao thanks to husband. good eve sa lahat stay safe po
Snack time! while waiting ng inaabnagang Phil Idol.. eh eh dingdong mukang ipinagpalit mo na si marian ah at bakit si piatos ang katabi mo.??hahaha, bonding time namin ni mister,kwentuhan habang nag ssnack,ayan na malapit ma ang idol di nako makakausap..charr heheh..good evening sa lahat.
Good night noisemates...have a safe rest to all..Sunday bukas araw ng pahinga,and bukas magrerestday talaga ako dahil mabigat talaga ang katawan ko,buti nalang at naglaba na tonight si mister kase alam nya na baka di ako makapag laba bukas dahil masakit ang katawan ko magpahinga nalang daw ako, thank you lord at araw araw kong ipinagpapasalamat na may partner in life ako na sobrang bait alalahanin at mapag mahal..bonus nalang na masungit sya..charrr, matigas kase ulo ko…
Goood morninggg...Happy sunday..grabe sobra tanghali na pala ng bangon ko,pag gising ko hagilap ko agad ang phone at tinitingnan ko ang oras..then diretso open kay noise,at silip sa cryptos...napansin nyo ba? ang gaganda ng galaw ng crypto ngayon,puro green...may hold ako kahapon sa BAT and ito sinell kona dahil may konti earnings na after wla pang 24hrs,ok na yun basta may kita..sana mag tuloy tuloy ang taas nila. mukang bumabawi na talaga...tara na mag breakfast sa mga…
Shanghai all time favorite at madali daling lutuun,naisipna kong lahukan ng gulay kaso wla naman akong nabili,pag dungaw ko sa labas ng bahay may puno ng papaya na hutik sa bunga,ayun sungkit aking isa maliit lang,inilahok ko sa shangahai niyadyad ko at inihalo sa giniling pero konti lang iniisip ko kase baka di magustuhan ni unica..kain tayo mga kaingay.magandang tanghali
Pasukan is waiving...ayan namimili nanutay utay ng gamit ni unica at mahirap makipag sabayan sa mga susunod na araw..hays di kami mag kasundo sa bag na bibilhin,yan sana bag na gusto ko for her kaso ayaw naman nya,matibay kase at malaki,eh hindi daw nya masyado gusto,mahirap namn kung napipilitan lang,pero ok nadin mahal din kase yan haha,yung quality kase ang tinitingnan ko kung magtatagal,pero since di nya masydo bet iba na napili nya.
Meryenda tayo shawarma..namiss ko to,bibilhan ko lang dapat si mister at pasalubong ko sa kanya,kaso nakakagutom ang itsura kaya napabili nadin ako,ayoko sana kase masisira ang pagkain ko ng dinner kaso wala eh,di kinaya ng powers na pigilan ang sarili hahahah..bahala na ang dinner mamaya konting dinner nalng siguro..kain po tayo.
G naaa!!! Sunday night bond with may Mister.. akala mo namay walang pasok bukas hhaha,napag utusang mag luto ng spicy chicken balunan..konting nood lang sa youtube at yorn fooodie na! tara na habang maaga pa hehe
Good night everyone..bawi nalang ulit bukas... monday again,dapat maging ready sa panibagong week, keep safe everyone at salamat sa araw araw na pakaikipag bond at kwentuhan,at sa mga bagong nakikilala just enjoy the site and be inspiration to others,have a great night to all.hugs
Got cha!! 8:01am late! pero pasalamat padin dahil ang nasakyan ko ay taxikel,salamat manong ang bilis ng ride hehehe,mas lalate ako kung nag jeep or tricikel ako...ok nadin minsan lang naman malate pero sana bukas hindi na...good morning
Pag nakakakita ako ng ganito may naaalala akong tao hehe,kahapon kase sana gusto ko syang bilhin,kaya kinunan ko muna picture at isesend ko sana sa miste ko,kaso sa dami ko bitbit pag baba namin ng hagdan ulit nakalimutan kona hanggang sa ng nag sscroll ako saka ko lang nalala,pero ipinakita ko kagabi sa mister ko sabi nya,hindi ba nananawag yan ng bee?? napaisip naman ako seryoso ba sya?eh plastic to eh..hhahaa kase naalala ko ayaw nya ng masydong over diaplay sa house…
Parang gusto kong sapakin ang jowa ko nung bumili nito sa 7-11 kainamang kamahal! tapos makita kita ko naka patong lang sa ibabaw ng devider namin..kaya namn nilagay ko nalang sa bag ko at ako na uubos nito haha,iniisip ko kase baka mapakialman ng anak ko,eh diba masama daw ito pag after mo mag soda,mahirap na for the safety,hindi lang sa anak ko kundi sa ibang bata na madalas nasa bahay,syempre pag bata mahilig sa candy. baka mamaya mapag abutan pa kami..mamaya ko nalang…
Parcel for today...nakakakilig diba..pero dipo akin yan hehe sa mga ka officemates ko,minsan talaga ilan ilan ang nadating na parcel dito sa office,nakakatawa nga na minsan alam na nung delivery man ang mga pangalan namin,hahaha kaloka suki yarn..ako baka sa makalawa pa ang dating,syempre sa office n ainiaaddress kase baka mapagalitan ng madadatnan sa bahay lalut cod at walang pambayad nasa house hehhee lagot.
Dinner na... pauwi nako at naisip kong bumili ng gulay na ilalagay ko sa lumpia,dahil may natira pakong giniling kahapon,ineexpect ko na mahal ang gulay,pero ang mura lang binigay sa akin ni manong,dalwang plastic daw ay 20 lang,kaso masydo syang madami,sabi ko tay isa lang,15pesos daw,naisip ko naman na di naman siguro masisira yun kaya sige na nga dalawa na,magsosopas nalang ako bukas.l,para mabilis nadin maubos ang tinda ni manong,at ayun ang dami nga hehe..sulit ang 20…
Flex ko lang kahit medyo late na,ang aming dinner na luto ni mister,specialty nya kase ang ginataan,at paburito din namin basta may gata katalo na kahit sabaw lang,at ang gamit na gata ay ung fresh,dahil bumibili kami sa palengke sa bilihan ng mga nyog,iba kase pag ung mga nasa pouch na gata di ganun ka creamy at kasarap.,ib aparing ang galing talaga sa nyog diba..magandang gani sa lahat,sa mga late na magdidinner eat well po.
Tinablan na ng antok mga kaingay kaya akoy mag sleep na,tinatawag na ng higaan ang likod ko at panay na ang hikab ko,senyales na matulog na daw ako..tapos bukas ng umaga mag rereklamo na inaantok pa eh late naman matulog hehehe yan tayo eh...good night mga kaingay,thanks sa lahat ng noisemates..have a safe night to all.
Happy morning..happy tuesday,syempre dapat laging happy tayo..may mga pag subok man kaya yan! ika nga ay hindi palaging blessing ang dumarating sa buhay,may nga pagsubok din,at isipin natin na blessings din yun..bakit?dahil once malampsan natin un mas nagiging matibay tayo sa hamon ng buhay..minsan ang sabi nila is blessing in disguise,pero hopefully palagi tayong handa sa lahat ng bagay dahil ang lahat naman ay may dahilan,yakapin lang kung ano ang meron at lahat yan ay…
Habang nag iikot ikot ako last sunday sa dept storr,napadpad ako sa furniture area..at tumawag ng oansin itong L-Type na sofa na to, tamang tama ito sa Maliit naming sala..kaso mag 2 years palang ung sofa namin siguradong may sermon ako nito kay mister hahaha,pero nawala nadin ako ng gana ng makita ko ang price, P16,700.00 lang naman..omg so mahal.. kala ko naman tipong mga 7-8k lang hahaha..pero mandaue ang tatak kaya siguro mahal..pero nag ganda nya promise.
Lunch time...lungkot naman ng lunch ko...wlang sabaw..hehe bawi nalang ako mamayang dinner makapag luto ng sopas..craving ako sa sopas kagabi pa kaya mamaya uwian agad ng makapag sopas..kain napo tayo lumpiang gulay ang ulam ko pero may giniling yan,kagabi kopa ginawa pero si mister ang nagluto at ang nag prepare ng lunch ko kaya namn kahit malungkot at walang soup eh matamis parin dahil with love..chhaarrr.. magandang tanghalian sa lahat.
Good morning,yes happy ang still kicking si BCH laki ng itinaas diba,sana mag tuloy tuloy na ang pag angat at pag fly high nya..pag ganito mabbungaran mo sa umaga nakakahappy diba. sya sabayan natin ang happy moments ng pagkakape..morning
Ang 3rd eye ng opisina..CCTV everyday nirreview ito ni manager tuwing umaga..then ayun nalaman nya na hindi na pala nag rerecord,siguro full memory na at need ng ireformat..uso pa naman ang nakawan ngayon,sabi nga wala naman magagawa ang Cctv kung sakaling napasok ng mag nanakaw ang Store,pero atleast diba makikita kung sino nag gumawa hindi yung pati mga kasama sa work ay mapagiisipan,kumbaga may mapaguumpisahna kung sino ang dapat mapanagot..so ayun need ito ipaayos dahil…
BUTI NAMAN at kahit paano ay bumaba ang gas..naalala ko ang gasul namin naghihingalo na, jusko sana namn ay umabot pa gang pay day ay nakakakaba. hehe kain napo tayo,may gas pa bang pang luto?hehe magandang tanghalian sa lahat medyo walang laman utak ko today walang masydo maicontent.
Throw back kahit dipa thursday.. minsan naiisip ko bakit mas malapit ang anak ko sa tatay nya kesa sakin?dahil ba pag nanay masungit talaga at ang tatay bigay ang hilig ng bata para wala nga daw walang ligalig? kase mula bata ang anak ko wala kami masydong ganito picture,silang dala lagi ang ganyang ka close na parang yung tatay ang nagluwal..hhaahha,but anyway masaya ako na ganyan sila..at alam nyo ba 12y/o na si unica,pero ganya parin sya maka kapit sa tatay nya..hehehe…
Ayan na..ayan na,hindi ko.mapigilan..hhahaa na hindi mag handa ng pambayad syempre.. buti nalang pinalitan ko yung aeller na binilhan ko,abay 3 days na naka for ship padin,eh etong pinalit ko 3days lang to received na agad,oh diba bongga! hays ano kaya itsura neto excited nako..sana naman ay ok.
Hays medyo nakaka HB na hapon..eh kase naman yung CPU na inaantay ko till now di parin ipinapadala ng head office a week nako nag fofollow up,ang masama pa nito nung tinawagan ko sila pinagpasa pasahan lang ako..bola yarn???hirap nga kase pag walang sariling CP at nakikigamit kalang mag aantay ka mabakante yung nagamit,makikirmadam ba,kaloka..hays sana naman maalala na ni ate gurl jackie...haha jackie! na itransmitt ang CPU jusko ang laki laki nun bakit nakakalimutan??? pero…
Magandang gabi mga kaingay at good night narin,medyo nahapdi n anag eyes ko.. kaka cellphone ko to! haha kaya tulog na ipahinga na nag mga mata isip at katawan dahil bukas ay panibagong araw ulit ang ating pagssama samahan..thank you sa lahat ng noisemates at noiser...good night
Good morning mga kaingay.. maulang umaga,hays minsan talaga ang hirap espellingin ng panahon,maulan naman ngayon,eto na naman ang parusa sa daan napaka putik na naman kalbaryo ko to every maulan,sabi tuloy ng jowa ko kung kase pumayag ka na doon tayo tumira sa mommy ko eh di sana pag labas mo ng gate kalsada na,wala kana halos madadaanang lupa..panay semento kase hehe.,umabot sa ganun ang usapan..haha pero nag jjoke lang naman sya nasimangot na kase ako haha..happy thursday…
Buti hindi na maulan..hays itong nasakyan ko masyado ding maningil,nagpapahatid ako sa office eh nagpapadagdag ng 10 pesos sa usual kong fare,sabi ko di bale na sa palengke nalang,hay wala din talagang konsiderason sa mga commuters na katulad ko,porke nag wowork akala yata ay maraming pambayad,sobra na nga itinaas ng pamasahe abay nahirit pa talaga ng dagdag,nakaksira ng morning,kaya ito ang ending nag jeep ako pag baba ko sa tyk nya.
At sumapit na namn ang monthsary nag channel na ito..happy monthsary mga ka squad..naway tuloy tuloy ang pag cecelabrate until forever..haha forever? basta just be happy and friendly..salamat sa mga tropa natin jan na 14 months nang anjan parin..lalu na kina sir @aya medel, @kaytlyn, @shellyberry..godbless sa inyo at sa lahat ng squad member happy nfsfg day!
Minsan may mga simpleng bagay din talaga kayong pagtatalunang mag asawa na akala mo ay wala namang kwenta... share ko lang may binili kase akong "blinds" para sa bintana, since ang color namn ng kurtina namin ay cream naisip ko babagay ang light brown sa bintana pag pinalitan kase malapit lang ang cream sa super light brown... nun dumating na at naiuwi ko na ang parcel sabi ni mister bakit ganyan?diba sabi ko brown? sabi ko eh light brown naman yan,wla kase brown tsaka ang…
Meryenda tayo guys,kahit medyo lapit na maghapunan kain muna ko at gutom is real na talaga..mamaya babawi nalang ng diet no rice haha sana makatiis. magandang hapon sa lahat.
Saan makakarating ang 500 pesos mo? ayan 3kls manok at 100 pesos na giniling,partida wala pang pansahog kahit pa sabihing ippprito nalang ay magkano naman ang mantika..jusmiyo..mga pang ilang araw kayang ulam ito..pero atleast makakaaurvive na sa ulam,bigas nalang hehe.. magandang gabi mga kaingay
At naikabit na ang pinagtatalunan naming blinds ni mister haha,nagkusa ng ikabit ng matuwa naman daw ako,sabi ko nxt time oorder ako yung color na bet na nya basta bigyan nya ako ng pang shoppee haha,excuse lang po sa pintuan merry christmas na..haha tinamad ng alisin kaya araw araw pasko samin,buti nalang nga walang nag kakaroling..hahaha
Good morning mga kaingay..friday yehey! ayan na malapit na ang week end excited na naman ang mga walang pasok pag week end...sana all nalang ako..hehe,kaya maghanda handa na sa umagang kay ganda payfay friday si mister kaya pala kagabi makati ang palad ko..charrr...hehe magandang umaga, kape kape na sa malamig na morning habang nakatulaley sa kawalan kung wala namn ka kwentuhan diba malayo lang ang tingin.. ika nga nakatulala habang nagkakape,kase nag iisip ng pangmaghapon…
Yung pagdating ko sa paradahan ng jeep ay puno na,kaya naglakad lakad muna aki at baka sakaling may dadaang suicide or sibat yun ang tawag namin sa mga hindi hindi na sila turn sa parada pero namimick up ng pasaherong madadaanan..so ayun para namang arkilado ko ang isang buong jeepp hahaha..ang sarap ng feeling safe na safe,kaso nahiya namnlan ako na minimum lang ibayad hahaha special yarn...otw to the office hindi late yehey!
So ayun nakapag participate din,baka sakali ulit hehe,wala na kase akong tweeter kase uninstall ko na pero dahil dito install ko ulit,hehe,baka sakali swertehin ulit,join na kayo guys till july 28 pa naman yata
After ko mag bank at dahil naapaaga ako ng tapos sa depo ko nag ikot ikot muna ako sa malapit na MR. DIY.. at muntik nako talaga mabudol! buti nalang wala ako dalang cash pero may dala akong debit card ..hahaha pero dahil hindi nako marupok napigilan ko si self. hehehhe, ayempre nagpapasukan na need mag control sa gastos..may nagagamit pa namang unan sa gabi kaya dinendma ko muna ang unan,pero infairnes ang ganda,yan mga lumalabas na new unan ngayun kaso ano ang cover nyan…
Oh diba literal na pabago bgao ang panahon..kanina pagkalakas ng ulan tapos ngqyon biglang ang ganda na ng panahon na parang walang nangyari..pano ba naman nga di magkakasakit nyan pag ganyan,kaya doble ingat lang tayo,minsan nasa panahon talaga ang dahilan kung bakit tayo nagkakasakit,ubo sipon lagnat,pandemic pa naman konting lagnat sintomas agad ng covid..ung isa kawork ko two days na di nakakapasok trangkaso,nakakatakot pag ganun iniisip agad na malala ka..kaloka.
Lets eat! dinner na adobong chicken syempre dahil pang three days na ulam ang chicken sa ref..hehe iiba ibahin lang ang luto para di maumay..tutal paburito naman ng anak ko ang manok..malamang sya ang pinaka happy..hehe bukas tinola naman para may sabaw..kain napo tayo
Ayan ganyan dapat,ganda ng sikat ng araw..oh wag ka muna magtatampo sana gang hapon kana,mahirap ang pabago bago ayan na nga oh inuubo nako init ulan kase..kaya dapat ready ang gamot payong at vitamins..diba mga kainingay..have a great day and happy saturday!
Ok inom na ng solmux at masama na talaga ang ubo at kati ng lalamunan...ayosko sana inom ng med at mag wqater water nalang sana ako kaso parang hindi ito madadala sa water lang need na talaga iinom ng med.. pass muna sa mga sweets at para dina lumala, wag matigas ang ulo..hehehe hays ano na! anong oras na 10am na pala medyo nakakainip pag saturday walang masyadong ganap sa office,mamaya mag llive si manager tamang panoon kahit di mag mimine..hehehe magandang umaga po.
May mga times talagang nakakatamad noh,yung gusto mo ng hilahin ang oras ng makauwi kana,meron naman times na bakit parang ang bilis namn?na parang sana mag stop ang oras..madalas akong ganun na sana mag stop ang oras,lalu na pag may tinatapos ako na my deadline or kapag may pinunthan ako at gusto ko ang ginagawa ko na sana hindi na matapos ang moment n ayun na sana mag freeze,pero sa mga oras naman na ito,tinatamad ako uwing uwi nako lalu na kung may kasama ka na bad vibes…
Padaan ng isa bago mag uwiann...awww...ang sikip na yata ng uniform,bakit kaya wala pang nag susukat ulit ng uniform,cost cutting??usually kase march sinusukatan na kami,ngayon parang kahit sariling sukat di nagpapapasa. pero ok lang naman yun kase talaga pinakaayaw ko eh ang sinusukatan, kase every year nadadagdagan ang WL..hahhaa diet gurl aba.. kelan mo baga uumpisahan,laging bukas bukas ay lagi namang may bukas eh..hehehe magandang hapon mga kapatid.
Bakit naman ganun smart? wala na ang promo na 199 doble data for one week para sa pldt wifi ..hays nag search ako ng mga unli data pero baka ma scam lang kaya wag na nalang,pero infairness daming nalabas sa yt na mga tutorial,kaso may nabasa kaong ganito kaya wag nalang.baka mamaya masayangan pako ng 300. tsaga mun ako sa data.
Ready na ang bagpack ni unica isasama kase aya ng tita ko fiesta daw kase bukas sa anak nya,mga 3 brgy lang naman ang layo dito sa amin,at dun sila mag sleep over,di ako sanay na nawawalay sa anak ko lalu na pag gabi at di namin sya kasama,pero pinayagan ko na at ng tatay at alam namn namin na di pababayaan ni tita,yun nga lang bago pa makapag ready ay katakot takot na paaala ang tatay nya hehehe,unica kase.
Kanina inutusan ko ang aking unica na mag sampay ng mga damit na nilabhan kagabi,then ako naman tinuloy ko ang mga naiwang labahin,pag labas ko now at ako naman mgsasampay,talaga palang literal na sampay,di gumamit ng hangger para sa mga polo shirt..eh kesa namn pag sasamsamin ko at ulitin kopa ay pinabayaan ko nalang matutuyo din yan..hays mga bata talaga,pag di nanay ang gagawa di ganun talaga kaayos at pulido noh.hehe
Magandang hapon mga kaingay..meryenda tayo,snack time na dahil tapos ko na ang mga gawaing bahay,mag nap sana ako kaso iniisip ko baka umulan,eh ang nga sinampay ko delikado,sa hapon pa naman wlang pasabi bigla bigla nabuhos nagbulan,kaya eto kape at snackers muna..kain tayo.
Medyo nagutom na si boss kaya pag karating ay nagluto na ng Itlog na may kamatis,lubusin daw muna ang egg habang dipa naabot ng 18pesos..hehe wari ko namay sa susunod ay egg ng pugo na ang ipangtotorta. Magandang hapon sa lahat ng nga kaingay nadin jan,alam ko nag rready na kayo mag prepare para sa dinner nyo.
Good night,noisers! mga friendship bukas ulit tayo mag kita kits,late na at monday is waiving again,pero ako excited ako for tomorrow diko nga alam kung bakit eh hehe sweldo ba?hindi naman feeling ko kaae good vibes ang minday bukas at dapat laging ganun para malunisan tayo ng biyaya. magandang gabi sa lahat.
Hello hello mga kaingay! happy monday sa lahat..good morning.. isa talaga sa pagsubok nakakaharapin mo sa umaga na di pwede hindi mo pag dadaanan ay ang...maligo! lalu na pag estudyante ka or empleyedo diba,pwede bang wag nalang??hahhaa maliligo nalang ng pabango?charrrr..hays..sya kilos na issay baka malate kapa,no choice na ligo time na..keep.safe mga kapatid.morning
Ang ganda talaga ng view dito sa plaza kahit nasa kabayanan ka ay kitang kita ang bundok nato, diko lang sure kung ito ba ay Bundok ng San Cristobal or Banahaw, pero kung ano man parehas kong di pa nararating yang mga yan, Gusto ko sana mag hiking sa Banahaw, pero jan sa Cristobal parang di keri,Devil's Mountain ang tawag nila jan,kase maraming nilalang na nakikita daw jan,like Tikbalang,white lady dwende at kung ano ano pa. ayyyiieeee katakot.tapos narami daw naliligaw at…
Share ko lang mga kaingay.. usually pag may dumarating from abroad,diba ang mga kamag anak dito sa pinas excited na makabonding ang bagong dating,alam naman natin na priority nila ang family,kaya kumbaga second priority ang makipgkita sa friends at mga relatives like cousins.. minsan kase iniisip ng iba or ng mismong galing ibang bansa. mananalubungan lang yan,sus hihingi lang yan tsocolate,sus mangungutang lang yan..pero hindi po lahat ay ganun,kung ganyan ang outlook mo sa…
Dahil naubos na ang laman nung nauna kong binili na defuser,ayan naka dale na naman ng order kay Lazada namn.this time mas mura dahil 42 pesos ang isa,sa susunod yung refill na ang bibilhin ko para mas mura dahil nasa 150 lang yung 50ml na,pero dahil ang ganda ng nga comments and reviews dito nabudol ako..haha, naging favorite scent ko ata ang bamboo fresh na adick ba..charrr..nakaka relax kase kaya another budol..hehe magandang hapon sa lahat.
Meryenda muna habang abangers ako sa spagetti na niluluto ng mister ko,birthday kase today ni mommy nya, (mom in law) sya ang taga luto tuwing may ganitong okasyon,medyo may edad narin kase ang mommy nya kaya hirap na magluto luto kaya sya palagi ang taya..nakatapos na sa fried chicken,sauce nalang ng spag ang inaantay at yun na kakain na.
At eto na ang pinakaiintay na spaghetti!! oppps hindi po akin lahat yan..haha ewan ko ba dito kay mister at share nalang daw kami sa iisang plato,sweet noh..hehehe pero ang totoo naubusan kami ng plato dahil nandito lahat ng kapatid at pamangkin nya,kaya nagkaubusan na..haha eh kesa mag antay ng matatapos,eh baka tapos nadin ang kainan kaya share nalng sa isa...kain na tayo mga kaingay..dinner nadin to.
Good morning..happy tuesday..be good to me tuesday,kahapon sabi kopa naman excited nako pumasok kase monday may mga maganda mangyayari yun pala panay negats..pero ngayun sana ay maging ok naman.. kagabi nga pala may nakita akong post dito na parang hindi maganda ang dating sa akin, (my own opinion lang naman ito) sana po kung mag popost tayo tungkol sa mga anak natin is yung mga magagandang nangyayari sa kanila,at wag natin silang gawing katuwaan at gamitan ng mga words na…
Ayiiie nakakakilig naman talaga pag may narrecieve na ganito,kaya so much thankful ako sa talaga dito,ang help na nagagawa nito sa kain ay di biro at never kong na expirience sa ibang platform..sipag at tyaga lang talaga ang puhunan..naraming masalamat,umpisahan ang umaga ng poaitive sa buhay at laging may pagasa..#noisecashlangsakalam
Finally after 20years..este 2 months, napabalik na ang Pc naayos na, kaso ang problema walang naka install na system na gagamitin ko sa pag eencode,then nun nag ask ako sa IT na umayos eh hindi daw sya ang gumawa dahil ipinadala nya lang sa binilhan para ipawarranty, then nun na warranty na hindi manlang nya tinest basta nalang nya ipinadala sa akin,without knowing na nawala pala ung ibang need sa work ko,na supposedly dapat alam nya din, kase yun ang trabaho nya at dapat…
Pampagood vibes na tanghalian.. nakasanayan na talaga namin na pag kakain na,pauwi na or kung ano man ginagwa ay nagbsasabi sa isat isa..pero nagulat ako kay "Nicole Express" alam ko naman na typo error pero ayun pinatulan ko parin si Nicole..hehehhe magandang tanghalian.
Kawawa naman si mister bigla nalang nagkaron ng mga malalaking pantal,sabi ko baka naallergy ka sa "nicole express" haha dipa daw pala ako naka move on sa Nicole na yan..hhaaha sabi ko di talaga meron pa yan pag uwi ko..hehehe pero charr lang un.
Mag refresh kahit medyo gloomy ang panahon,chance na kase itong mag meryenda ng masarap dahil walang kasamang KJ today..meryenda time.. #maxmango
Magandnag hapon mga kaingay,dahil medyo busog ako dahil sa meryenda kaninang Max Mango,ayan ito muna ang food ko for tonight sanging na saba at coffee..kian tayo guys..after this saka ako mag kakanin...hahahhaa charrr lang
Good night mga kaingay..inantok na si inday after nood ng movie,actually diko pa natatapos nasa half palang ako ng "the witch pt1" bukas ko na itutuloy,sana matapos ko gang part2.. good night na po mga kaingay,stay safe po ang lahat..thanks much
Petsa de peligro na talaga dahil ito nalang ang laman ng wallet ko..Two dyas to go bago ang payday medyo higpit higpit pa ng konti sa gastos,sa pamasahe talaga ako umaaray dahil yung dating 40 pesos ngayon ay 80 pesos per day,doble ang itinaas nakaka iyak na minsan hays pero wala namang maggawa dahil ganun talaga matataas kase ang bilihin kaya tiis pa more.. good day wednesday...kaway kaway sa naghihigpit na nanay like me.
Ang aliwalas ng morning,kasoy pakiwari ko late na ako nito dahil 7:50am na,parang mali ang desisyon ko na mag jeep hehehe,dahil nga nagtitipid ako at mas mura fare sa jeep kaya ito tiis na malate pero sanay umabot sa 8:00am,pero kahit namn lumagpas ng 8am basta wag lang 8:10am kase kakaltasan na talaga pag ganun..kaya,keri pa to sa tansya ko 8:05 ako makakartaing ng office.. nasa akin pa naman ang susi ng office yari!.
Wala akong kamalay malay na lumindol pala..ingat mga mga kainay, sa NCR at mga katabing lugar ang lindol, nakaka takot na talaga ang ga nangyayari,doble ingat po lalu sa mga malapit or nasa area ng may mga fault line,naway ligtas ang lahat... isa yan talaga sa nakakatakot ang lindol dahil kasunod nito ay nagkaka tsunami at wag namang mangyayari keep on praying lang po tayo palagi..
Bakit nga ba may mga taong ganun? diba kung ayaw mong gawin sayo ang isang bagay na ayaw mong maranasan,wag mong gawin sa iba! isa yan sa rule dapat sa buhay,para maiwasan ang samaan ng loob,tampuhan awayan at magkasairaan,eh kase marami paring masyadong mapan lamang,madaya, at masydong masilip at inggit sa iba...kung di mag babago ang mga taong ganyan,kailan may di sila/sya magiging masaya..good luck nalang sa attitude..
"Not to brag but to Inspire" ika nga...hehe nakikita ko lagi yang ganyang words sa home buddies.. pero ako hindi pang home buddies ang peg ko. naisipan ko kase icompute ang earnings ko this month since mag kakatapusan nadin naman so ayun, umabot na sya ng 2k as of yesterday, ang happy ko na pag nakaka 1$ ako per day feeling ko nakaka tanggap ako ng free meal sa work hehe oh diba atleast diko na isipin ang pang lunch ko...kaso aba teka asan na nga ba yan??? nasa cph wallet…
Hapunan na! ito na yata ang pambansang ulam namin hehhe,syempre dahil pang one week na chicken ang stock,may hanggang bukas pa sa ref,ano kayang menu bukas haha,kain na po enjoy dinner mga kaingay,salamat sa masarap na food.
At pagkabait naman ng ka work ng mister ko,binigyan daw sya ng facial wash na kojic, ako naman ay na insecure na naman hahhaa maputi na kase sya tapos pampaputi pa ang ibinibigay sa kanya,gagamitin ko sana kaso for men pala..charrrr...hehhee di daw naman kase magagamit kaya binigay na sa kanya..wahhhh sana all..beke naman may soap haha.
Good night mga kaingay..mauna na ko mag sleep sa inyo,medyo hindi din kase ako makaisip ng sasabihin,dahil sa isang bad news na nalaman ko,praying for the miracle for my friend,in jesus name naway maging maayos ang lahat. may dahilan ang mga bagay bagay na nangyayari sa paligid tanging si lord lang ang nakakaalam at makakasagot.. good night sa lahat.
Goooood Morning..ano ba ang aasahan ko today? thursday..syempre maraming biyaya at mabubuting tao sa paligid iiwas sa stress at negats na tao hanggat maiiwasan,sanay magkaron pa ng sobrang habang pasensya sa sitwastyon sa araw araw..salamat lord sa panibagong umaga..have a bless thursday to all.
Hays ang hirap talaga mag kikilos during red days..nitong mga nakaraang buwan sobra ang pag sakit ng puson ko pag may period,unlike dati na wala lang,para tuloy akong di sanay or feeling masama ang pakiramdam ko kahit hindi naman, then yung mood ko parang ang sama,ayokong makipag bardagulan sa mga masusungit today pls lang layuan muna ako..hehehe ano kaya gamot dito na di iinom ng pain reliver..pero mawawala din to siguro maya maya lang.
Waahhh ang sipag! huy anong ginagawa mo??? maglilinis daw sya at pakiwari daw ay hindi masydong malamig kaua ayan kakalasin,wwehhh you totoo??actually last week kopa yan iniutos sa kanya,eh lagi nalang akong binubukas,sabi ko kagabi bukas may 2RH ka sakin..hhahaa ayun mabilos pa sa kidlat kilos agad..hhaaha kaloka din.
nadaanan ko kaninang umaga,napaisip naman ako,bakit parang nakakabili lang kami ng ubas pag new year? haha napansin ko lang naman,pero sa totoo lang pag new year halos di din naman nakakain yan,kase siguro dahil umay pa sa handaan,ano kaya kung ordinary day nalang ako bumili at wag na pag new year?haha ang mahal din naman kase imagine 200 naman ang kilo eh ilang kilo bigas na yun diba 5kls na halos so ayun praktikal lang namn siguro ako noh..hehe magandang hapon..pero…
Unang kagat..patties agad..hehe oh diba sulit,ang sarap pa lalut libre,pay day na kase nun isa naming ka work haha nauna na sya bukas pa kase kami,lumabas at bbili daw ng tinapay,pag balik tigi tigisa kami ng burger..bongga diba..kain tayo guys..good afternoon
Eto na alas singko na..uwian na,ang pinakaiintay ng mga empleyadong naka 8am-5pm, pag ugong palang ng sirena nagdudumali ng mag out...yes may sirena po dito samin..hehe sa munisipyo taga kanta pag alas siete ng umaga at alas singko ng hapon..pag 5pm music in my ears ang tunog na yun..may ganun din ba sa inyo?hehe ingat po tayo sa mga bibyahe pa uwi..
Dinner.. kain na tayo mga kaingay..another chicken na naman,salamat kay mister na napakasipag talagang mag luto,kase nga naman pag ako ang aantayin niya ay gutom aabutin nya..hahhaha,sorry na,minsan kase prito na nga lang nasusunog pa,hehe akala ko nga di kami aabot ng 10years dahil tamad akong mag luto..hehe so far ay na tyaga naman nyan ako ng mahigit pa sa sampung taon,nasanay na nga daw immune ba..charrr.. kain na po.
Tamang tambay muna kami sa labas ng bahay,nagtitipid kase sa koryente haha,hindi nanonood ng tv hindi nag eelectricfan,tamang chill lang sa labas habang malamig ang simoy ng hangin,maya maya matitripan naman magkape habang nag kkwentuhan,medyo bz pa si hubby sa pinapanood sa cp, sanay walang mapadaang mag iinom at biglang ayain areng mag tagay! gurl long legged yarn???hhaahha good evening
At ayun na nga nag timpla na ng coffee si jowa,chill chill na talaga,with music pa ang peg hahhaa parang nag dadate na kami nito super tipidity na date na to dahil nga naman petsa de peligro.. heheh, hays buti nalang magka sundo kami ni mister sa mga ganitong trip..trip to jerusalem..charrr magandang gabi
Pag napapakinggan ko talaga ang kanta na to, itong channel na to talaga ang pumapasok sa isip ko..pero hindi ko din maimagine na pwede pala talaga na magkaron ng virtual na mga kaibigan,at dahil yan sa noise.cash at sa NFSFG..thank you mga kaibigan!cheers for more years!
Good night mga kaingay,time to sleep late na din at mag 10pm nadin..thank you sa lahat ng noiser na walang sawang nagiging blessing sa isat isa,more to come sa ating lahat,and wag nating kalimutan na laging magpasalamat..have a safe night..thank you lord for this day..
Magandang umaga mga kaingay mga kaibigan at ka squad..thank you sa umagang kay ganda lord,naway gabayan nyo po kami sa maghapong ito... thank you nga po pala sa napakabait at generous talagang admin dito sir @aya medel,at sa dalawabg mods...thank you so much sa pagiging blessing nyo sa amin,naway maging bless pa kayo..have a safe friday sa lahat ng ka squad...morning
Ayan na..ayan naa...ayan na!!! oh dihvvvahhh.. ginalingan naman masydo ni bch bongga ang pag taas nasa mahigit 1k per day,ay sana naman ay tumaas pa,ang daming nag bubunyi sa pag hataw ng nga crypto nitong mga nakaraan,kung mapapansin nyo majority ay nag sisipag taasan yown..happy na yern? fly more bch gogogo..
Ito yung mall sa amin na everyday kong nadadaanan,naalala kopa nung bago bago lang to halos occupied lahat ng stall sa dami ng naka pwesto,at usually mga muslim,magagaling kase sila pag dating sa business nilang mga tindahan ng damit at sapatos,pero ngayun mangilan ngilan nalang ang naka pwesto,nakakalungkot din naman,lalu na nung nagkaron ng SM,mas pinipili na kase ng tao na mag SM kase mag Shopping Mall lang doon Aircon nga naman at maganda,naka SM kapa oh diba..pero ako…
Share ko lang ang nakakakabang eksena namin kaninang umaga ng husband ko.. hindi ko kase muna sya ginising kase bilin nya sakin kagabi pag tulog pa sya at papasok na ako,hayaan ko na daw sya at ng di maistorbo ang tulog nya,eh masunuring misis ako kaya naman sinunod ko sya. pag pasok ko ng kwarto at sisilipin ko sya bago ako umalis,nagulat ako dahil nakaupo na sya..sabi ko oh bat bumangon kana? bigla sabi nya.. Hon nawawala daw si kuya, bigla ako kinabahan sa sinabi nya, ako…
Magndang hapon mga kaingay,knina habang nag bibigay ako ng cash sa dalawa kong kasama dahil sweldo day,laging nahuhuli yung sakin kase ako naman ang magbibilang,nun naibigay ko na ang sa kanila,diko na na doble check yung sa akin,at since may inaayos din ako diko agad nabalikan ang natirang pera sa akin..then nun naisipan ko bilangin ay sobra ng 100 ang nasa akin..so inisip ko sino sa kanila ang nabigyan ko ng kulang?hindi ba nila binilangn ang sweldo nila?and since ang huli…
Magandang hapon mga kaingay oh alam nyo na,payday friday grocery ng kauntian, buti nalang may malapit na grocery sa may paradahan ng tricikel namin kaya kahit diko isama si miater ay ok lang,yakang yaka,tsaka mahirap kasama un dampot dito dampot dun,nagugulat nalng ako pag nsa counter na..
Good evening Noise Fam,NFSFG sqauad, nag dinner naba ang lahat? syempre kain ng masarap na ulam para naman worth it ang 15days na work diba, #sisig for dinner.. thank you nga pala sir aya and the rest of the squad..magandang gabi po.
Good night napo mga kaingay..so ayun nagload nako ang sakit! 1k din un haha pero unli na naman for one month,para di nako magloload sa Dito sim ko,nakiki hotspot lang kase si mister eh ang bilis din sa.load,ok naman ang signal kaya pakiwari ko sulit din ang 1k for one month,lalut aug 15 back to online na ang anak ko,malapit nadin ang f2f kakailnganin din ang net sa pag aaral ni unica...
Good morning mga kaingay!Saturday na yehey! Share ko lang medyo nagulat ako at napabalikwas ng bangon..akala ko kase may na receive akong BTC,.eh meron naman talaga kase may nag notif, kase nag convert pala ako ng diko alam..pano nangyari un?nagkusa? hindi talaga ako nag buy ng btc pero may ganyang nangyaring transaction,diko din ma explain,nagulat nalang ako na .12 nalang ang laman ng php ko...pero yae na nangyari na eh,nakakapagtaka lang,hinayaan ko nalang sa btc ang bal…
Ito ang nadatnan ko sa may ilalim ng roll up ng opisina..nakasiksik sya..Disconnection Notice? nakow mag bayad bayad nadaw! hehe actually nakabayad na kami nun thursday pa,ewan koba at may notice pa,pag kase naputulan ako ang malalagot dahil ako taga gawa ng payt, at ang mga ganitong bagay ay diko maaring makaligtaan..
Lunch time! Alone ang lola nyong mag lalunch today dahil naka leave ang partner in crime kong officemate,infairness sarap ng fooddie ko noh..hehe actually sisig lang talaga ang baon ko,left over kagabi,kaso nun bimili ako ng rice,nakita ko muka masarap ang gulay,so ayun..ate half gulay pwede ay payag naman sya so 10pesos na gulay katalo na,namiss ko kase talaga kumain ng gulay,since almost one week na kami chicken,baka kase mamaya nyan maging mulawin nako charrr..kain tayo…
Ayiiiiee...at eto na nga..wish ganted yehey dinala pa ni mister dito sa office,umabot daw sya sa dunkin may pa second batch pa pala..ay nakakakilig yarn hehehe,pero sa bahay na naman ito kakainin para kasabay nag aming unica.
Magandang hapon mga kaingay..at habang kumakain ako ng favorite kong donut na bavarian..walang humpay naman ang pagtawa nareng mister ko sa pinapanood nya sa cp..sabi ko ano ba yan?? tapos bigla nya akong tinanong.. Hon ano ang kabaligtaran ng KALULUWA? ano?? eh di KALULUNOK! sabay tawa ng malakas..actually di ako natawa..tapos may kasunod pa.. eh ano ang kasunod ng Mars? Ano?? pautang..tapos ihit sya ng tawa..infainness dun ako natawa..at sa hagalpak nya! "MARS PAUTANG"🤣🤣
Kanina pag ka out nagpunta kami ni mister sa appliance store na kinuhanan ko ng AC at nagbayad ako ng monthly installment ko..nakakagulat na 3months nalang at tapos na,ang bilis nga naman ng panahon..so ayun napa stop ako dito sa Ref,meged ang ganda nya..kaso ayun nag ddiskusyunan kami ni mister sa color,gusto kase yung black sya naman ay gray kase malaki daw..hay nako nako nako..wag na nga may ref pa tayo hahhaa tamang tingin nalang muna..pero deep inside parang gusto ko…
Good morning!sa wakas Sunday! pahinga muna at napagod sa isang linggong work..salamat din at ang mister ko ay di din pumasok,yes! may taga luto ako today...ito nga pala ang breakfast namin champurado kay unica pandesal sa amin,ito talaga ang bet kong pandesal yung negro,este medyo sunog ba..malutong kase lalu na pag mainit pa at lalagyan ng buttrler..tara kain na.
Yung hindi matanggal tanggal na mantsa sa bath towel na nakakairita,hays ibabad ko nga sa may zonxox ayun tanggal kaso pati kulay tanggal,yari ako nito kay boss haha maitago agad pag natuyo...
Lunch muna! Ampalaya with egg and ginisang alamang with kamatis at bata ng baboy..nagpapahanap ako ng injan manggo kaso walang nakuha,sa labas ng house kami kumain para mas masarap mahangin at mas nakakagana ang view sa labas..kain tayo guys.
Meryenda time..turon po kayo jan.. sa totoo lang ay busog naman ako,pero ang mister ko laging nabili doon sa batang naglalako ng meryenda, sa isang araw 3x sya nag titinda,umaga tanghali at hapon,kaya pag sunday or basta restday ng mister ko 3x din sya nabili kahit na minsan hindi talaga nakakain,kase tulong nadaw namin kay kumare,anak kase ni kumare yung bata,medyo hirap kase sila dahil nawlan ng work ang asawa nya kaya pag titinda ang pinagkakakitaan.. tara kain tayo…