"90 PESOS" May tataas pa ba sa 90 pesos per kilo ng brown sugar? Medyo na-windang ako nung makita ko yung price ng sugar last week. 90 pesos!!! Inflation is real na. Di ko na minsan ma take yung kaganapan sa mundo haha Yung 500 pesos kong dala, 5-6 items lang nabili ko. Kahapon tatlong items lang nabili ko. Pero praise God kahit papano, merun pa namang pambili Need na talaga ng additional source of income. Mas mag grinding pa ako dito sa noise and other paying platforms. Oks na rin pandagdag sa income. Sa panahon ngayon, dapat maging ma-diskarte para di kumalam ang sikmura. Sa inyo ba, how much na yung kilo ng sugar?
11 comments
Hala totoo ba 90 pesos na per Kilo ? Grabe
Ewan ko kung na scam ba ako sa presyo or ganyan na yan
Pero kung totoo man yan, parang Ginto na ang mga bilihin, grabe na inflation natin dito sa pinas,
Kaya bawal ng mag lustay ng pera haha Di na basta bastang pulot ng pulot sa grocery. Mas magandang may list para sulit bawat centimo
Yung last Kong bilin ng sugar last month pa, 88 pesos per kilo. Sa Nov. 4 pa ako ulit mamimili ng mga kailangan Namin sa bahay. Di na yata tagala mapigil Ang pagtaas ng mga presyo. Tama ka kailangan dumiskarte para may additional income ang mga misis na full time sa bahay sa pag asikaso sa pamilya. Kaya ako nagsisikap din sa mga earning apps kahit paano may earning na madudukot pag kailangan. Lalo na ayaw kong mangutang, mas malaking problema yun.
So true po, mas nakakalubog sa kahirapan ang utang ng utang. Kahit nga ako ngayon, gradually ko nang binabayaran mga utang ko. At iniiwasang mangutang ulit
Ang mahal na talaga sis grabe..
ang mhl nga sis nakakaloka mga presyo ngauj
buti nalang sis, di ako gumagamit ng sugar😂😄
Hahahaha ano po gamit mong sweetener?
wala na..... hahaha kung sa coffee lang, pure black lang kinakape ko ngayon.