Semis Game 2 mamaya. San Miguel vs. TNT @ 3PM, kung saan naka una sa seven-game series ang TNT noong Linggo, 89-88. May chance sana ang SMB na maipanalo ang laro ngunit sablay ang naging drive ni Marcio Lassiter. Maganda naman ang pinakitang depensa ng TNT kay June Mar Fajardo na nagtala lamang ng 13 puntos at 11 rebounds. Ang napakadaming turn-over ng San Miguel ay nakasakit din sa kanila dahil na-convert ng TNT ang karamihan sa mga turn-over ng San Miguel. Tatabla ba ang San Miguel or 2-0 para sa TNT? Abangan natin.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet