read.cash Log in
x@xnoise more from that month

Balikan ang huling laro ng San Miguel laban sa NorthPort kung saan naging bayani si Arwind Santos dahil sa kanyang clutch shot! Ngunit bago yun ay matatandaan na natawagan siya ng technical foul (Flagrant 1) laban kay Sidney Onuwebe dahil sa pagbigay nito ng matalim na siko. Naipasok ni Robert Bolick ang dalawang techical free throws na nagpatabla ng laro sa 86. Sa kasunod na possession ay sumaksak si Marcio Lassiter ngunit pinasa niya palabas ang bola kay Santos na tumira mula sa bandang free throw line at doon niya naipasok ang bola. Bumalik sa NorthPort ang possession na may natitirang 1.2 seconds. Nakapag-inbound sila ng maayos ngunit hindi naipasok ni Kevin Ferrer ang huling tira. FInal score: San Miguel 88, NorthPort 86.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.