Buhay pa po ang NLEX Road Warriors sa PBA matapos ang kapana-panabik na laro laban sa Meralco Bolts. Ang Meralco ay may "twice-to-beat" advantage kontra NLEX ngunit nasilat nga ng NLEX ang laro kanina nang maipasok ni rookie Calvin Oftana ang game winning lay-up. Matapos nito ay may natira pang 6.1 seconds sa laro ngunit dahil wala ng time-out ang Meralco ay hindi na ito nakagawa ng magandang play. Natapos ang laro sa 81-80. Ang do-or-die game nila ay gaganapin sa Friday at ang mananalo ay papasok semi-finals na posibleng makalaban ang mananalo sa Magnolia at Rain or Shine na laro.
Log in Invite-only for now. Someone already here has to let you in.