Tinapos na ng SMB ang serye nila laban sa NorthPort, 100-95. Nakipagsabayan sa malakasang opensa ang NorthPort ngunit hindi ito sapat upang talunin ang SMB na may pitong manlalaro na umiskor ng doule digits. Pinangunahan ni CJ Perez, na nagtala ng 21 points ang SMB at si Greg Slaughter, na nagtala ng 27 points para sa NorthPort. Makakaharap ng SMB ang TNT sa semifinals at matatandaan na SMB ang kaisa-isang team na nakapagbigay ng talo sa TNT noong elimination round.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet