read.cash Log in
x@xnoise more from that month

JUST IN: Si Arwind Santos at Vic Manuel ay na trade para sa isa't isa. Tapos na ang career ni Arwind Santos sa San Miguel kung saan naging bahagi siya ng 9 championships dito. Simula next conference ay lalaro na siya sa NorthPort. Nakuha ni Arwind ang kanyang MVP award habang siya ay naglalaro sa San Miguel. Si Vic Manuel naman ay pwede sa no. 4 spot o kaya pwedeng makipagsapalaran sa no. 5 spot. Sa trade na ito, parang dehado si NorthPort dahil wala na sa prime si Arwind pero ang kanyang experience ay malaking bagay sa batang team na NorthPort. Para naman sa San Miguel ay dagdag pwersa sa ilalim ang maibibigay ni Muscleman Vic Manuel. Matatandaan na si Lakay, Danny Ildefonso ay na-trade din ng San Miguel bago pa ito mag retiro. Napapaisip tuloy ako, ganito ba talaga mag-alaga ang San Miguel ng mga mahahalagang manlalaro nila matapos makapagbigay sa kanila ng kampyonato o ito ay sadyang business lang talaga para sa San Miguel?

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.