Tinambakan ng SMB ang TNT kahapon sa Game 4 ng kanilang serye. Naging napaka dominante ng SMB kahapon simula pa nung unang quarter at hindi na binigyan ng pagkakataon na makahabol ang TNT. Sabi siguro ng SMB, "What you can do, we can do better." Matatandaan na nung Game 3 ay tinambakan ng TNT ng SMB. Ganon din nung Game 1 at Game 2 kung saan kinailangan ng SMB na maghabol buong laro para makanakaw ng panalo. Dahil tabla ang serye, unahan na sila na maka-dalawang panalo para makapasok sa finals.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet