“Ang paggawa ng matuwid at kalugod lugod Ay higit na kasiya siya kay Yahweh kaysa mga handog.” Kawikaan 21:3 Hindi lamang makapangyarihan ang Dios. Alam din Niya ang lahat ng bagay. Alam Niya ang tunay na takbo ng isip, ang nais ng puso, ang layunin, at balak ng tao. Alam din Niya ang bawat galaw ng tao, kasama ang ginawang kasamaan. Alam nating makapangyarihan ang Dios at alam Niya ang lahat ng bagay, ngunit alam ba natin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa Kanya? Ayon sa kawikaang ito, nalulugod ang Dios sa mga gawang makatuwiran at makatarungan ngunit nasusuklam Siya sa gawang masama. Anong mga gawang makatuwiran at makatarungan ang maaari mong gawin na makakapagsaya sa Dios? Tayo’y manalangin: Panginoon, ilagay mo po sa aking isip at puso ang mga bagay na makapagpapasaya sa Iyo. Lahat po sana ng aking gawin ay makapagpataba ng iyong puso. To God be all the glory! God bless us!
3 comments
Good morning 🌻 Happy Friday
The mind is truly a powerful tool. Use it wisely :)
True