❤️Magandang umaga mga kanoise ❤️ ❓Ano ba ang mas mahalaga? Ang maging mayaman o ang iyong pagkatao? 📖Ayon sa Kawikaan 22:1 "Ang mabuting pangalan ay dapat piliin, kaysa malaking kayamanan, at mabuti kaysa pilak at ginto ang magandang kalooban." 📄MENSAHE: Totoo na kailangan ng tao ang pera upang makapamuhay ng maayos sa mundo. Pero tandaan mo na ang iyong salita at kilos bilang anak ng Diyos ang nagsasabi kung sino ka talaga. Higit na mas maganda ang magkaroon ka ng mabuting pangalan dahil sa iyong katapatan, kabutihan at pagpapahalaga sa kapwa kesa maging mayaman ngunit puno naman ng kasamaan at kasinungalingan. Almusal po tayo😊😊
12 comments
Eto like ko yung may yema sa ibabaw. Mas madami pa yata ako nakakain na yema kesa sa kutsinta 😂
sarap naman nyan , penge naman 😁😁
Good morning teh ☀️
Pafollow be tita tet to
Ang sarap Ng kutsinta maraming yema :) totoo sis mahalaga ang pera pero mas mahalaga ang mabuting pagkatao mamuhay ng may pagmamahal at pagpapahalaga sa kapwa. Morning sis
Although walang masama sa pagiging mayaman, pero dapat na maging timbang. Mas higit na mahalaga sa paningin ng Diyos ang mabuting pangalan o mabuting pagkatao. Great morning!
ang mahalaga ay gawin ang mga bagay na naayon sa tama at walang tinatapakang ibang tao
Masarap ang kutsinta para sa almusal din 😋, mabilis din makabusog.
Limang piso apat samin nyan tas konti kang yung caramel sa taas 😵
Tinitipid nila sis katwiran mhal.na daw sangkap
Oo nga pati yung niyog tinitipid nga kaya gumagawa nako ng sarili ko caramel 😂 para di bitin at pampalaman na din sa tinapay
True sis mas maganda nlng na ganun