read.cash Log in
@unknownymous19

REUNION Kahapon naman lang natuloy ang instant reunion ng mag-anak sa side ni papa dahil birthday ni lolo Pedro at ante Nang bukas. Kaya di na kami naghanda ng bisperas para ilaan na lang sa araw na yan. Ito kase ang laging request nina lolo at lola para naman daw bago matapos ang taon ay magkita-kita naman at magkumustahan ang magpipinsan. Nagkaroon ng palaro sa mga nakababata naming pinsan, habang nanunuod ako, napagtanto ko na ang sobrang laki na nila. Wala ng maliit sa aming magpipinsan at ang nakakatawa pa neto ay matatagalan ata na masundan na makukulit na bata kase dalawa palang ang ikinakasal sa aming magpipinsan - last year at noong 22 ngayong buwan. At may nagproposed pa lang kahapon sabay ng kaarawan ni lolo. πŸ’– Kaya mga baby DAMULAG po muna ang maglalambing sa kanilang lolo at lola. πŸ˜† Skl.

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.