read.cash Log in
@ughyannie

Noong bata pa ako..

Magandang gabi sainyong lahat. Naisipan kong isulat ang article na ito dahil namimiss ko ng maging bata. Noong bata pa ako gustong gusto kong tumanda agad dahil para sakin noon andaming pwede at kayang gawin ng mga matatanda na hindi ko magawa. Pero ngayong matanda na ako gusto ko ng bumalik sa pagkabata dahil nakakatakot pala ang buhay, ang tumanda. Noong bata pa ako ayaw na ayaw kong matulog ng tanghali. Magagalit pa ako kapag sinasabi ng mga magulang ko na dapat ng matulog. Pero ngayong matanda na ako, pakiramdam ko laging di sapat ang tulog ko? Naisip ko tuloy sana pala tinulog ko na lahat ng oras na pwede pa akong matulog. Noong bata pa ako madali ko lang nakukuha ang mga gusto ko. Unting iyak lang, paawa at ayun nakuha ko na. Pero ngayong matanda na ako, kahit anong iyak hindi ko na nakukuha lahat ng gusto ko. Kaya sa mga bata ngayon, sana enjoyin niyo ang pagiging bata. Minsan lang yan.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.