Pasko sa Pinas
Ramdam mo na ba ang simoy ng pasko mga kaibigan? Naitayo at nailawan nyo na ba ang inyong mga Christmas tree? Naibili nyo na ba ng mga regalo ang inyong mga inaanak?Natanggap mo na ba ang inyong Christmas bonus?
28 days na lang at pasko na. Kahit maraming mga bagyo ang dumating at naghatid ng pinsala sa ating mga kababayan, alam nating makakaya natin ang lahat ng problemang dumating. Sa tulong ng mga kapwa Pilipino na kapit bisig at nagtulong tulong sa pagbibigay ng pera at iba pang donasyon, makakabangon rin tayo.
Patuloy nating ipadama ang ating pagmamahal sa ating mga kababayan. Kahit maliit na bagay, makakatulong na yan ng malaki sa ating mga kababayan. Advance Merry Christmas sa lahat kahit hindi natin makakasama ang mga mahal natin sa buhay lalo na yong nasa malalayong lugar.
10 comments
Merry xmas 😁😁 may decorations nb jan?
yes maam jane meron na po.
Madam, Jan ba mukhang pasko na?
Oo sa malls m xmas tree na 😁😁 at piniplay xmas songs
Nakakamiss!!! Sa totoo lang mas masaya ang pasko sa Pinas! Uwing uwi na ako.
ganun talaga maam, walang hihigit pa sa pasko ng pinas. saan ka ba ngayon maam? salamat
Nasa Northern Ireland po Sir.
wow...ang ganda siguro ng lugar jan. Anong work mo dyan?
Maganda ang lugar sir malinis ang hangin kaya lang sobra pong lamig. Full-time Mom.
oo nga kai Jessica Soho ko po yata napanood ung Ireland na mga pinay na nakapag asawa na dyan.ilang years na po ba kayo jan maam?