Crib ng bata
Sa katapusan na ng buwang ito manganganak ang aking asawa. Kaya kami ay nagagalak na ng aking asawa makita ang aming baby. Bumili na kami ng mga damit at gamit ng aming magiging anak. Isa na rito ay ang crib na na order namin sa shopee. Ito ay hindi masyadong mahal compared sa mga binibinta sa mall o ibang pamilihan. Hindi naman puedeng lumabas ang asawa ko dahil delikado pa dahil sa pandemya. Dumating ang crib kahapon at dali dali naming binuksan ito para makita. Habang sineset up at ini assemble namin ung crib nahirapan kami. Yong nasa picture ay hindi pa ito naiayos ng mabuti. Buti na lang may manual para ma sunod namin kung paano ito e assemble. At yon, ang ganda ng crib. Matibay naman siya at ang ganda ng kalidad. Kulay rosas ang napili namin para sa aming magiging princesa. Sana maging normal ang panganganak ng mrs ko.
No comments yet