Ulan
Ngayon po ay araw ng Linggo. Araw ng aming pagsamba sa aming simbahan. Sabik na sana akong lumabas ngunit biglang lumakas ang ulan. Wala akong ibang masakyan kundi ang aking motorsiklo. Medyo malayo pa kasi simbahan namin kaya't hinihintay ko n lang tumila ang ulan para ako ay hindi mabasa. Sana magkaroon na kami ng sasakyan. Pinag-iiponan ko na yan sa ngayon. Sana nga matuloy plano naming magkakapatid na bumili ng avanza. Pero okey lang kung matagalan. Minsan lang naman yan gagamitin. Nagpapasalamat pa rin ako kung anong meron ako sa ngayon. Kahit may mga pagsubok o problema, masaya pa rin ako sa nangyayari sa aking buhay. Alam naming hindi kami pababayaan ng Panginoon. Kayo po ba? Ano ginagawa niyo? Pupunta rin ba kayo ng simbahan ngayon? Huwag nating kalimutan na maglaan ng oras para sa Kanya.
No comments yet