read.cash Log in
@sirmagz32 more from that month

Hard or soft?

Sino po ba sa atin dito ang mahilig uminom? Gusto mo ba ng hard drinks? Hindi naman ako lasinggero pero aminado akong umiinom ako minsan ng hard drinks. Occasional lang naman o kung merong okasyon o celebrasyon kasama ang pamilya o close na mga kaibigan. Bakit nga ba yong iba pag masyadong nalasing, nakakatakot na ugali minsan. Naaalala ko tuloy dati, takot kami magkakapatid if lasing umuwi ang aming ama. Kasi pag siya'y lasing, doon niya nilalabas lahat ng kinikimkim niyang galit at mga hinanakit sa pamilya. Kaya nga di ba pinaalalahanan tayo na "drink moderately" lang, so huwag masyadong marami kung ano lang yong kaya sa ating katawan kasi pag nasubrahan may masamang maidudulot ito. Ikaw anong paboritong mong inumin? Ako minsan red horse pero hindi namin marami. Sakto lang para makatulog.hehe. Sorry sa post. Ang aga aga hard drinks na agad post ko.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.