Bagyong Ulysses
Alam naman natin na hindi pa nakakabangon ang karamihan sa ating mga kababayan lalo na sa BICOL REGION at Catanduanes dahil bagyong Rolly, ito na naman ang bagyong Ulysses. Napakasakit tingnan ang ating mga kababayan na nawalan ng mga tirahan, mga alagang hayop, mga taniman ang yong iba nawalan ng hanapbuhay. May mga lugar pa rin na lubog sa baha dahal sa nakaraang bagyo. Ngunit ngayon matinding pagsubok na naman ang kanilang kinakaharap. Nakataas ngayon sa signal number 3 ang mga lugar sa METRO Manila, Quezon at ilang lugar sa Bicol Region. Ang mga larawan na yan ay kuha sa kababayan natin na taga San Jose, Camarines Sur.
Ating ipanalangin na hihina na ang bagyo at iligtas ang ating mga kababayan. Nagpapasalamat din ako sa mga Local Government Units, NGOs, ibat ibang organisasyon, public at private sectors na patuloy na tumutulong sa ating mga kababayan. Bagyo lang yan, Pinoy tayo. Alam kong tayo ay malalakas at matatag. Kapiy bisig lang tayo. Matatapos din yan at darating ang panibagong araw. Kaya ingat po kayong lahat lalo na sa mga lugar na may Signal ng bagyong Ulysses...
2 comments
This is truly heart breaking.. Bugbog ang Pilipinas sa bagyo. Sobrang saklap. Pero alam kong mas malakas ang Diyos natin at di tayo pababayaan. Ipagdasal natin ang ating mga kababayan. 😢
kaya nga maam nakakaawa tingnan mga posts ngayon sa facebook. may mga taong humihingi ng tulong.