Si Bantay
Ikaw ba ay may alagang aso?Mahal niyo po ba ang inyong aso?Sabi nga nila ang mga aso raw ay maituturing matalik na kaibigan ng mga tao. Alam naman nating malaking pakinabang sa ating mga tao ang ating mga aso. Sila ang taga bantay sa ating mga bahay lalo na kapag walang mga tao. Sila ay tumatahol kaagod lalo na pag hindi nila kilala ang mga taong pumupunta sa ating mga bahay. Ang pangalan ng aming aso ay si Bantay. Kasama namin ito kahit saan kami pumupunta. Ang larawang ito ay kuha namin sa isang dalampasigan malapit sa aming bayan. Gustong gusto ni Bantay na siya ay parati kasama. Tunay ngang si Bantay ay taga bantay ng aming Pamilya. Tinuturi na namin siyang parte ng aming buhay. Kayo, mahal niyo rin ba ang inyong aso?Mahalin natin sila parang tao.
No comments yet