read.cash Log in
@sirmagz32 more from that month

Bagsak

Naranasan mo na bang bumagsak sa iyong mga subjects sa high school onkolehiyo noong ikaw ay estudyante pa lang?Alam kong hindi madaling tanggapin pero sa tulong ng Panginoon at mga taong nagmamahal sa atin tayo ay nakakabangong muli. Noong nasa kolehiyo pa lang ako, kumuha ako ng kursong Accountancy sa isa sa mga sikat at dekalidad na Unibersidad ng Mindanao. Ngunit dahil pahirapan ang mga major subjects, hindi ko inaakalang nabagsak ako sa isang major subject. Third year college ako noon at aminado akong wala pa kaming pera noon. Minsan nga delayed pa nagpapadala ng allowance ang aking ina. Kaya hindi ako nakabili ng libro sa mga panahong iyon. Nahuhuli ako sa mga lesson namin dahil wala akong reference at kulang ang aking mga reviewers. Isa yon sa mga rason kung bakit nabagsak ako. Ngunit alam kong may mabuting plano ang Panginoon sa akin. Tama nga, manalig ka lang sa kanya at huwag mawalan ng pag-asa. Hindi man ako naging isang Certified Public Accountant pero ipagmamalaki kong ako ay isang Licensed Teacher dito sa Pilipinas. Isa akong guro na handang maglingkod para sa kinabukasan ng aking mga mag-aaral.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.