Pamilya
Pamilya, isang salita pero napakagandang pakinggan. Isang salita na may halong lungkot at saya. Ako ay nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan ako ng mga magulang na responsabli at mapagmahal at mga kapatid na mababait, masisipag at maunawain sa lahat. Kami ay laking mahirap, ang aking ama ay isang karpentero at minsan tricycle driver at ang aking ina naman ay nagtratrabaho noon bilang barangay treasurer sa aming barangay. Ika nga ang kahirapan ay hindi hadlang sa iyong mga pangarap para ikaw ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Sa awa ng Panginoon at sipag ng aking mga magulang, kahit kaliwa at kanan utang noon ng aking mga magulang, kaming apat na magkakapatid ay mga propesyonal na ngayon. Ang aking nakakatandang kapatid ay isang opisyan na sundalo. Mabilis ang kanyang promosyon bilang opisyal dahil siya ay nagtapos sa Philippine Military Academy taong 2007. Ako naman ay isang licensed public teacher na nagtututro dito sa probinsya namin habang ang kasunod ko na babae ay isang English teacher sa Japan. Siya ay nakikipagsapalaran at nagtuturo doon ng mahigit dalawang taon. Ang nakakabatang kapatid namin na babae ay nagtratrabaho bilang isang teller ng banko sa Metrobank Manila.
Yan naman ang aking pamilya sa ngayon. Ikinasal kami ng aking asawa taong 2017 at siya ay isang public teacher din gaya ko. Siya ay single mom dati na may isang lalaking anak. Tinanggap ko siya at mahal namin ang isat isa. Ako ay ganap na naging isang tatay nitong taon. Ipinanganak ang aming anak na babae last July 02, 2020. Ako ay nagpapasalamat sa aking pamilya dahil karamay ko sila sa hirap at ginhawa. Kahit may mga problemang dumating, sa tulong ng Panginoon, alam kong makakaya namin ang lahat dahil nandyan ang aking pamilya.
8 comments
Cool that you accepted the kid too because some just don't want other people in the picture
yes maam i did. if you truly love someone accept her/him including the past
That's a good way of thinking. I'd be on a 50/50 if that were my case though 😂 I'm not so fond of kids and i don't think i can handle kids
yeah, it depends on a person. hope you will be in a relationship maam. praying for your lifetime partner
I'm in a relationship though, i just honestly don't want kids for my sanity and because I'm so tired of taking care of kids
ok maam, thats your choice. baka gusto mong mag invest sa qubittech maam?
Congratulations, beautiful. Respect.
Thank you maam...