Pass or Fail?
Pasado ka ba o bagsak? May mga bagay o pagkakataon na tayo ay nakapasa at bumugsak. Hindi lang ito para sa mga studyante o mag-aaral ngunit ang tanong na ito ay puede sa lahat. Kagaya lang ng pag-aaply ng isang trabaho, panunuyo ng isang babawi, o kahit sa mga pinagdadaanan natin na mga pagsubok sa buhay. Pumasa ka ba o bumagsak? Like sa question na Are you In o Out? Alam kong gusto nating pumasa sa lahat ng bagay lalo na sa mga mag-aaral na nahihirapan sa isang subject at pinapahirapan ng kanilang guro sa paaralan. O sa mga board exam upang tayo ay maging ganap na propesyonal. Minsan madali at kadalasan naman mahirap ang mga tanong o pagsubok. Pero dapat kahit minsan tayo ay hindi pumasa o nabagsak tayo sa ano mang pasulit o pagsubok sa buhay, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Bangon ka lang at muling lumaban. Malay mo malapit mo nang makamit ang iyong pinapangarap.
No comments yet