Kumikitang kabuhayan
Noong wala pang pandemya sa Covid 19, nagkaroon kami nang ideya ng aking asawa na gumawa ng maliliit na Choco Balls. Ang bahay namin ay malapit sa isang paaralan kaya't ito ay patok sa mga mag-aaral sa Elementarya at Sekundarya. Ito po ay gawa sa purong cacao seeds at hinahaluan ng maliit na kundensada, kunting asukal at dinurog na Graham na biskwit. Hinulma namin ito ng aming malinis na kamay para ito ay maghugis bilog. Pagkatapos nilagyan ng nips sa gitna at minsan sa labas nito para ito ay kaaya ayang tingnan ng mga estudyante. Ito ay nagkakahalaga lamang ng tatlong peso, kaya't ito ay kayang kaya bilhin ng mga mag-aaral at guro sa loob ng paaralan. Hindi naman ito masyadong matapis at alama namin nating may magandang maidudulot sa ating katawan pag galing sa organikong pure na cacao na kadalasang ginagawang tablea. Pero ngayon dahil wala pa kaming pasok, hindi pa kami gumagawa nito. Sana mawala na ang pandemya ng covid 19 para tuloy ang aming maliit pero kumikitang negosyo. Kayo po ba anong kumikitang kabuhayan meron kayo?
1 comment
Wow muka pong masarap Yan paninda nyo ate wag po kayo mag alala mag pray Lang po tayo at matatapos din tung covid-19 makaka pag tinda po ulit kayo at Mas magiging malakas ang binta nyo