read.cash Log in
@sirmagz32 more from that month

Buhay Pamilya

Ang buhay may pamilya ay hindi ganun kadali sa umpisa. Buti na lang at kami ng aking asawa ay may marangal na trabaho sa gobyerno. Pero paano na kaya kung kaming dalawa ay walang trabaho lalo na ngayon may mga kumpanyang nagtanggal ng mga empleyado dahil nalugi o apektado sa pandemyang Covid 19. Bilang ama dapat tugunan mo ang pangangailangan ng iyong pamilya lalo na ang inyong mga anak dahil ikaw ang haligi ng tahanan. Kaya nga minsan nahihiya ako sa asawa ko kapag minsan humihingi ako ng pera sa kanya. At ang mga ina naman ang nagpapailaw ng tahanan sa pamamagitan ng pagpapaganda ng bahay, pagbibigay tuwa at lakas sa mga anak, at pagiging mabuting halimbawa sa komunidad. At ang mga anak naman ay dapat tulungan ninyo ang inyong mga magulang. Hindi ninyo alintana kung anong hirap at sakripisyo meron sila ngayon. Dapat magtulong tulong ang bawat isa upang buhay pamilya ay tumagal at may maayos na pagsasama.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.