Sa mga hindi po nakagets nung bagong update ni noise ay ganito po yung pagkaintindi ko. Sana po ay makatulong in case na mabasa nyo. Kapag po nagset kayo dun ng minimum payout nyo. Ibig sabihin po lahat po ng maliliit na tips ay iipunin muna nila hanggang sa maabot yung minimum payout na sinet nyo. Kapag naabot na po yung minimum payout na sinet nyo, tsaka pa lang po nila isesend yun sa wallet nyo. Halimbawa po, nag set kayo ng .50 na minimum payout, tapos may mga nagbibigay po sa inyo ng .01 kagaya po nung sa heart tip. Yung mga .01 na yun po ay iipunin po muna nila (makikita nyo po dun sa wallet nyo, sa may pending tips), kapag po yung mga .01 na nabibigay sa inyo ay umabot na po sa total na .50 (yung minimum payout na sinet nyo), tsaka pa lamang po isesend ito ni noise patungo sa wallet nyo. Halimbawa ko lamang po yung nasa taas at depende po sa inyo kung ano ang iseset nyo na minimum payout. Sana po ay nakatulong ako.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet