Magandang gabi sa lahat mga kaingay, nakalimutan ko tuloy mag update kanina kasi pumunta ako sa school ng panganay ko dahil kinausap ako ng advicer niya kasi nagcutting classes daw anak ko last week at hindi nakapagluto sa cooking subject nila.Dahil natiyempohan din na may lagnat siya noong Friday. Kinausap ako ng guro nila ng masinsinan kung ano amg gusto ng anak ko at ang problema niya sabi niya hindi daw siya masaya sa section nila kasi hindi daw niya mga barkada gusto niyang magtransfer ng ibang section dahil nandoon mga kakilala niya sa pagbibisekleta kaya pinayuhan siya ng guro niya kung ano ang dapat niyang gawin napaiyak ako dahil nasabi ko mga hinaing ko bilang isang ina sa kaniyang guro. Sana ay magbago na ang anak ko at maisip niya na tama ang ginagawa namin para sa kaniyang kapakanan. Hindi lahat ng oras puro barkada ang atupagin. Meddyo mahaba haba kasi suliranin ko sa buhay hanggang dito muna ako hehehe.Ingat po @https://noise.app/sherry0324
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet