Good morning mga kaingay maulan pa rin sa amin. Nandito ako ako ngayon sa sss para mag change status ang daming tao sana hindi kulang requirements ko para hindi na ako babalik.Medyo malaki na kasi tiyan ko at hassle na. medyo malayo pa number ko at nagugutom na ako. Ingat po kayo
@sherry0324
Joined 4 September 2021 · 36 posts
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
MERRY CHRISTMAS po sa lahat walang tigil ulan dito sa amin simula pa kahapon. At ninakawan pa ako ng 600 pesos una ay 100 ang kinuha sa bag ko ang pangalawa ay 500 na talaga. Nilagay ko lang kasi sa kuwarto ang bag ko. Sa kabilang bahay kasi kami natulog at maraming mga bata pumapasok sa kuwarto hindi namin alam sino kumuha. Sana merry ang Christmas niyo. Ingat po
Good evening mga kaingay,kumusta kayo? Walang tubig sa amin dahil inayos daw yung water pump ng tangke sabi hapon babalik na ang tubig pero hanggang ngayon wala pa. Sana magkatubig na ulit. Buti nalang at umulan at nakapag impok ng tubig . Ingat po
Good morning noisemates palapit na ng palapit amg pasko pero parang wala lang sa akin siguro dahil wala akong pera hahahaha. Kumusta mga preparation niyo for Christmas ? Marami siguro nag aattend ng mga parties sa mga trabaho. Pangit pa rin panahon dito sa amin nhanggang ngayon at lumindol pa saglit kanina pero yung mata ng lindol ay nasa Lanao del sur. Ingat po kayo lagi
Good afternoon mga kaingay,kumusta po kayo? Dito sa amin medyo paiba iba ang panahon. Kanina umambon tapos uminit na naman at umambon ulit. Patuyo na sana mga nilabhan ko kahapon. May pinapasearch anak ko kaya hiniram namin laptop ng kapatid ko kaso alaga namin maepal. Pahirapan gumamit sa laptop kasi sasandal siya hahaha kahit kinukuha ko na ay bumabalik talaga 😅 😆 😂. Christmas party ng department ng partner ko mamaya sana may dala pag uwi hahahaha. Ingat po
Good afternoon mga kaingay kumusta kayo? Maaga sinumpong tatay ko dahil sa panganay kong anak kaya nadamay pati bunso 😅. Maaga kami naglaba at nag general cleaning kasi parang bomba yung ratatat ni papa. Sana maging matured na anak ko at maging responsable. Ingat po
Good evening mga kaingay ang mahal ng presyo ng havaianas sa mismong shop 1199 pero yung nabili ko sa zalora ai 50% off buti nalang nag message yung pinsan ko nakasale para sa 12.12 kaya bumili ako ng 4 pairs na iba iba ang designs para ibenta ko sana mabenta hahahaha. Bibili sana ako ng par sa akin eh kaso may binigay yung pinsan ko sa akin kailangan gamitin para hindi masira. Sana mabenta ko lahat hehehe ingat po. Happy Sunday 😊
Good morning mga kaingay ang hahaba na naman ng damo kaya kailangan na naman icucutter nasira kasi yung improvised mower ng tatay ko kaya mano mano muna sa pagka cutter ng mga damo. Lagi kasi umuulan sa amin kaya madaling tumubo. Ang dating bermuda namin napalitan na ng carabao grass kasi kinain na nila. Sayang nga eh mahal pa naman ng Bermuda ngayon tapos ang liit pa ng measurement nila. Ingat po
Magandang gabi sa lahat kumusta po kayo? napakalinawanag ng buwan sa labas kanina kaso hindi ko napicturan may tao kasi sa tindahan at ako nagbantay hahaha. Marami na nangangaroling dito sa amin kahit hindi pa araw ng pangangaroling bakit kaya nagbago na ang date? hahaha. Noong Halloween rin may nag trick or treats 1st time yun nangyari hahaha nag evolve na mga bata dito. Ingat po
Good morning mga kingay flex ko lang panganay ko 5th placer noong Sunday competition. Medyo naging busy kasi ako kaya hindi nakapag update at may sinat ako. Buti nalang medyo okay na pakiramdam ko ngayon. Sana hindi mahalata na may sipon ako sa pagpaprenatal ko mamaya kasi medyo strikto yung OB GYNE sa ospital dahil ilang beses na daw siya nagkacovid. Ingat po
Good evening po sa lahat. Namiss ko ulit ang magtrabaho para may income na may sobra pa hahahaha. Kumusta sabado niyo? Dami ng nilabhan ko kanina buti nalang at nakiayon ang panahon at marami ang natuyo. Happy weekend po sa lahat. Ingat @sherry0324
Good morning mga kaingay. Kumusta po kayo? Dito ako ngayon sa ospital para sa laboratory test ko sa otgg sana okay lang results ko pati sa ihi ko. Sobrang konti ng inihi ko kasi nagfasting ako eh simula ng gabi hanggang madaling araw ay ihi ako ng ihi kaya naubos na hahaha. Pinaubos pa ang glucose na inumin 200ml at nahirapan sila sa pagkuha sa dugo ko kasi hindi nila makita ang ugat ko. Sana matapos na para makakain na 😅. Nagalit pa anak ko sa akin kasi ang tatay ko ipapaattend sa GPTA nla kasi hindi pa ako natapos sa ospital.Hayyyss hindi man lang makaintindi 🥺. Ingat po
Good afternoon mga kaingay. Nag attend kami ng misa ng partner ko at ang sabi ng pari na darating rin amg araw natin pero hindi narin alam kung kailan. Life is too short ika nga kaya habang buhay pa tayo huwag natin sayangin ang ating panahon na nalalabi sa mundo. Ipadama natin sa mahal natin na mahalaga sila at mahal natin sila dahil hindi natin alam kung kailan tayo mawawala. Maulan pa rin sa amin 😫. Keep safe po @sherry0324
magandang gabi mga kaingay kumusta kayo ? Alaga namin naghihintay ng rasyon hahaha. Pangit panahon dito sa amin simula kaninang madaling araw.Keep safe po sa lahat
magandang hapon mga kaingay. Namiss ko tuloy ang pagbibisekleta at pagmomotor kaso bawal na dahil lumalaki na tiyan ko hahahaha.Kumusta po kayo? Ingat po
hello mga kaingay flex ko lang ang binata na anak ko hehehe. Bilis ng panahon 15 years na pala ang nakalipas na ipinanganak ko siya.Sana mag aral sila ng kapatid niya ng mabuti at hindi na masyadong maging pasaway.ingat po @sherry0324
Good evening po sa lahat kumusta po kayo? Ito po ang kinalakihan ko na playground. Ngayon ay hindi na puwede magamit ang slides dahil hindi na nila inayos nakakasugat na at makakatetanus 😅 kaya hinarangan na nila. Sana ay okay lang po kayo lagi.Naghihintay pa rin ako sa nanay ko na umuwi ewan ko ba at lagi doon nagtatambay sa kubo nilang magkakapatid nakakatamad kasi magbantay ng tindahan lalo na at ngayon gusto ko lang muna magpahinga masama pakiramdam ko. Ingat po. @sherry0324
Kumusta po kayo?Sabado na bukas.Bilis ng araw. Sobrang busy ko kanina tapos masama pa pakiramdam ko. Ang anak ko pa ngpasaway.Hayyyy buhay ng isang ina.Laban lang ng laban.Good night everyone.
Good evening mga kaingay,alaga namin nagpasaway na naman. lagi naman ningangatngat kamay ko.Kumain na po ba kayo?Ingat po
Good morning mga kaingay habang nasa kubeta ako naglaro muna ako ng homescapes noong inopen ko ang app ay nahulog cellphone ko at nag screenshot pala 😅 🤣. Kumusta araw niyo? Ingat po
Good evening sa lahat. Nagluto papa ko ng chicharon kanina kasi maraming fats yung jowl na binili ko para ibenta kaya niluto niya yung mga taba ng humba din siya kaso hidi ko alam ang tawag sa humba sa tagalog eh 😅 @sherry0324
Good morning mga kaingay heto na naman kami ng alaga ko kami lang dalawa naisam umalis sila mama at papa. Asawa ko at mga anak ko pumasok na pati kapatid ko. Napakatahimik na naman ng kapaligiran. Kumusta Lunes niyo? Ingat po @sherry0324
Good morning mga kaingay. Kumusta po kayo?Naalala ko tuloy ang pagkain na binili ko sa alaga ko before ako umails sa kanila hahaha.Namiss ko ulit sila tapos pag andun ako naiinis na naman ako sa kakulitan niya hahaha.Pero mas maganda din doon kasi may sahod talaga ako monthly ngayon kasi umaasa nalang ako sa asawa ko at sa mga tinitinda naming frozen foods mahirap na talaga magbudget.Sana maging okay ang lahat. Happy Saturday sa lahat @sherry0324
Good morning mga kaingay kumusta kayo? Heto na naman alaga namin nag eemote na naman siya. Medyo umaambon dito sa amin ngayon.Ingat po kayo.
Good night mga kaingay cute ng pamangkin ng asawa ko bilog na bilog ang mukha ng bata at napakaliit hehehe. Malapit na ako magpa ultrasound sana okay lang ang lahat at sana ibigay ni Lord ang babae na baby ☝️🙏🏻 at sana okay lang ang lahat ng laboratory result ko soon at okay rin ang panganganak ko lalo na si baby healthy at walang karamdaman 🙏🏻☝️❤️. Sweet dreams sa lahat 😊 😴
Magandang gabi sa lahat kumusta po kayo?sobrang busy ko kanina dahil nagpaprenatal ako sa ospital at kailangan kong bumalik sa 28 pero dapat icomply ko na ang mga request ng OB kailangan ko kasi magpa laboratory at ultrasound. Kaya habang napagod ako sa kakalakad at hintay kanina sa ospital nagscroll ako sa fb ko at nakita ko ang bag na ito napala cute hehehehe kaya nag message ako sa tita ko ma nasa hongkong at baka pwede magpa order niyan hahahaha buti nalang at gusto rin niya daw. Sana madala sa mga uuwi ngayong December gustong gusto ko talaga kasi. Sarap na tuloy bumalik doon at magtrabaho ulit para trabaho konti at scroll sa carousell ng marami hahahaha. Sana makabalik kami ng bff ko doon soon 🙏🏻☝️🤞 keep safe po
good morning po sa lahat,iyong pinsa ko inutusan ako umorder sa zalora ng havaianas niya hahaha ayaw niya kasi makita ng kaniyang asawa baka sabihin marami siyang pera hahahaha kaya ako pinaorder niya.Sabi niya order fin ako sabi ko pag ililibre niya ako mapipilitan talaga akong pumili hahaha. Hindi muna ako bumili kasi may tsinelas pa ako at nandito lang din naman ako sa bahay lalo na ngayon tight budget talaga hahaha.Sana makaluwag luwag din kami. Lalo na ngayon full blast na ang pasukan kailangan ko ma talaga kumayod nito sa pagtitinda 🙏🏻🤞☝️. Have a blessed Sunday sa lahat @sherry0324
Good afternoon sa lahat.Ganda pagmasdan ng panahon kanina dahil walang kuryente sa aming pumunta muna kami sa dahilayan. sobrang dami ng kahoy doon at iyong tubig kanal ay napakalinis.Kumusta Sabado niyo? Ingat @sherry0324
Good night mga kaingay sobrang pagod si alaga lalo na ang tagabantay hahaha. Salamat at Friday na naman ngayon. Ingat po sa lahat. @sherry0324
good afternoon sa lahat kawawa alaga namin kanina iniwan namin kasi pumunta kami ng tatay ko sa munisipyo.gusto sana niyang sumama kaso hindi na pinasama ni tatay kasi malikot na. kumusta huwebes niyo po?Ingat @sherry0324