Good afternoon mga kaingay. Nag attend kami ng misa ng partner ko at ang sabi ng pari na darating rin amg araw natin pero hindi narin alam kung kailan. Life is too short ika nga kaya habang buhay pa tayo huwag natin sayangin ang ating panahon na nalalabi sa mundo. Ipadama natin sa mahal natin na mahalaga sila at mahal natin sila dahil hindi natin alam kung kailan tayo mawawala. Maulan pa rin sa amin 😫. Keep safe po @sherry0324
@sherry0324 in December 2022
Good morning mga kaingay. Kumusta po kayo? Dito ako ngayon sa ospital para sa laboratory test ko sa otgg sana okay lang results ko pati sa ihi ko. Sobrang konti ng inihi ko kasi nagfasting ako eh simula ng gabi hanggang madaling araw ay ihi ako ng ihi kaya naubos na hahaha. Pinaubos pa ang glucose na inumin 200ml at nahirapan sila sa pagkuha sa dugo ko kasi hindi nila makita ang ugat ko. Sana matapos na para makakain na 😅. Nagalit pa anak ko sa akin kasi ang tatay ko…
Good evening po sa lahat. Namiss ko ulit ang magtrabaho para may income na may sobra pa hahahaha. Kumusta sabado niyo? Dami ng nilabhan ko kanina buti nalang at nakiayon ang panahon at marami ang natuyo. Happy weekend po sa lahat. Ingat @sherry0324
Good morning mga kingay flex ko lang panganay ko 5th placer noong Sunday competition. Medyo naging busy kasi ako kaya hindi nakapag update at may sinat ako. Buti nalang medyo okay na pakiramdam ko ngayon. Sana hindi mahalata na may sipon ako sa pagpaprenatal ko mamaya kasi medyo strikto yung OB GYNE sa ospital dahil ilang beses na daw siya nagkacovid. Ingat po
Magandang gabi sa lahat kumusta po kayo? napakalinawanag ng buwan sa labas kanina kaso hindi ko napicturan may tao kasi sa tindahan at ako nagbantay hahaha. Marami na nangangaroling dito sa amin kahit hindi pa araw ng pangangaroling bakit kaya nagbago na ang date? hahaha. Noong Halloween rin may nag trick or treats 1st time yun nangyari hahaha nag evolve na mga bata dito. Ingat po
Good morning mga kaingay ang hahaba na naman ng damo kaya kailangan na naman icucutter nasira kasi yung improvised mower ng tatay ko kaya mano mano muna sa pagka cutter ng mga damo. Lagi kasi umuulan sa amin kaya madaling tumubo. Ang dating bermuda namin napalitan na ng carabao grass kasi kinain na nila. Sayang nga eh mahal pa naman ng Bermuda ngayon tapos ang liit pa ng measurement nila. Ingat po
Good evening mga kaingay ang mahal ng presyo ng havaianas sa mismong shop 1199 pero yung nabili ko sa zalora ai 50% off buti nalang nag message yung pinsan ko nakasale para sa 12.12 kaya bumili ako ng 4 pairs na iba iba ang designs para ibenta ko sana mabenta hahahaha. Bibili sana ako ng par sa akin eh kaso may binigay yung pinsan ko sa akin kailangan gamitin para hindi masira. Sana mabenta ko lahat hehehe ingat po. Happy Sunday 😊
Good afternoon mga kaingay kumusta kayo? Maaga sinumpong tatay ko dahil sa panganay kong anak kaya nadamay pati bunso 😅. Maaga kami naglaba at nag general cleaning kasi parang bomba yung ratatat ni papa. Sana maging matured na anak ko at maging responsable. Ingat po
Good afternoon mga kaingay,kumusta po kayo? Dito sa amin medyo paiba iba ang panahon. Kanina umambon tapos uminit na naman at umambon ulit. Patuyo na sana mga nilabhan ko kahapon. May pinapasearch anak ko kaya hiniram namin laptop ng kapatid ko kaso alaga namin maepal. Pahirapan gumamit sa laptop kasi sasandal siya hahaha kahit kinukuha ko na ay bumabalik talaga 😅 😆 😂. Christmas party ng department ng partner ko mamaya sana may dala pag uwi hahahaha. Ingat po
Good morning noisemates palapit na ng palapit amg pasko pero parang wala lang sa akin siguro dahil wala akong pera hahahaha. Kumusta mga preparation niyo for Christmas ? Marami siguro nag aattend ng mga parties sa mga trabaho. Pangit pa rin panahon dito sa amin nhanggang ngayon at lumindol pa saglit kanina pero yung mata ng lindol ay nasa Lanao del sur. Ingat po kayo lagi
Good evening mga kaingay,kumusta kayo? Walang tubig sa amin dahil inayos daw yung water pump ng tangke sabi hapon babalik na ang tubig pero hanggang ngayon wala pa. Sana magkatubig na ulit. Buti nalang at umulan at nakapag impok ng tubig . Ingat po
MERRY CHRISTMAS po sa lahat walang tigil ulan dito sa amin simula pa kahapon. At ninakawan pa ako ng 600 pesos una ay 100 ang kinuha sa bag ko ang pangalawa ay 500 na talaga. Nilagay ko lang kasi sa kuwarto ang bag ko. Sa kabilang bahay kasi kami natulog at maraming mga bata pumapasok sa kuwarto hindi namin alam sino kumuha. Sana merry ang Christmas niyo. Ingat po
Good morning mga kaingay maulan pa rin sa amin. Nandito ako ako ngayon sa sss para mag change status ang daming tao sana hindi kulang requirements ko para hindi na ako babalik.Medyo malaki na kasi tiyan ko at hassle na. medyo malayo pa number ko at nagugutom na ako. Ingat po kayo