Hello mga ka mema. Napasulat ako dito kasi may nag message sa akin gusto daw niya magpatahi ng sofa cover. Ang gusto sa sunod na Sabado gawa agad. Dahil may okasyon. Bakit kaya ugali na talaga ng iba na, saka gagawin or magpapagawa kapag gahol na sa oras. Pwede namang ahead of time. Para mas maayos ang ipapatahi. Ayoko namang pangit ang kalabasan ng aking gawa. Mahirap yung naghahabol ka sa oras dahil mas lalong hinde matatapos ang ginagawa. Isa pa siyempre may ibang inaasikaso kasama na ang modules ng anak ko. At isa pa alam niyo bang lahat nagtaas na,ang tela mahal na din. Siyempre kelangan ko din tamang presyo para sa aking pagtatahi. Dahil hinde biro ang bumuo ng sofa cover. Katawan at isip ang gumagana. Kaya pagod din. Mema lang po hehe. Magandang araw sa inyo! #nhez43
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
tama ka jan mate kaya ang iba may policy talaga na ahead of time bago ka magpagawa kung gusto mong maayos ang gawa. hihi