Hello !
Good morning and Merry Christmas to each one of us. On this day we celebrate and remember the birth of jesus christ. That's why this is a special day for us, we share our blessings to other people wether it's a big or small thing what is important we able to give gift to other people.
So don't forget guys the meaning of Christmas day. Enjoy your holidays everyone.
Good evening guys !
Finally nakapag migrate nadin. Sa una hindi ko talaga nakuha pero enixplore ko lang at ayon na nga nakarating din sa paruruonan.
Anyways sana maging smooth din yung pag migrate nyo. See ya all here !
Good morning everyone !
Grabe hindi ako makatulog sakit ng ulo ko tsaka mainit sa katawan mukhang dadapuan pako ng trangkaso.
Masakit din sa lalamunan napilitan tuloy ako bumaba para uminom ng bioflu sana umiffect agad hirap ng ganito. hays
Kayo mga ka noisemates anong magandang home remedies para sa trangkaso ?.
Magandang Gabi sa lahat .
kakatapos lang manuod ng online mass. Syempre ipagpasalamat natin ang biyaya sa isang buong taon.
Pati rin yung mga pagsubok na nalampasan natin. Pati itong covid na hindi matapos tapos. hihi
Thanks god and Merry Christmas ulit sa inyo mga ka noisey !
Hello to all !
Alam ko na ang iba jan ay nagkakasayahan na. Meron nag iinuman nagkakantahan at nagkakainan charoot ..haha
MERRY CHRISTMAS sa ating lahat lalong lalo na dun sa mga kababayan nating binagyo ni odette tuloy padin ang buhay kahit ganun ang nangyare laban lang.
Love you all guys ! (^^)
Good afternoon Everyone !
May dumating na maagang ayuda. haha Galing sa company na pinagtratrabahohan ng kapatid ko. As usual hindi mawawala ang spaghetti. haha Yung alak lang yung gusto ko jan..haha
Anyways kamusta kayo dito mga ka noisey ? madalang nalang ako makasilip dito sa noise busy sa career. chariiiiz ! haha
Have a good day to all !
Magandang Hapon sa lahat !
May problema ba yung noise ngayon. Kasi pag pinipindot ko yung explore tapos pinindot ko yung 10minutes yung lumalabas ay yung mga 2 days ago pa na mga post. Sabi ko parang may mali. haha
But anyways meryenda na kayo guys. kami meryenda habang nanunuod ng M3 world championship. hihi GO Philippines. Goodluck sa onic and blacklist.
Have a nice day everyone.
Hallo mga amiga/amigo..
Hindi ako mapakali sa kakaisip ngayon kung ligtas ba sila nanay dun sa province. Sana safe sila tsaka sana hindi sila bahain dun.
Papansin kasi tong si odette bat kasi kailangan pang dumaan dito sa pilipinas. Hindi nalang lumihis o sa ibang way nalang siya dumaan. kung tao lang to si odette pinagtatampal ko na to ngayon. haha
Hays hindi tuloy ako makatulog.
Hello mga mare magandang umaga !
So share ko lang itong nalaman ko lately makaka earn ka rin dito ng " BitcoinCash ". So search mo lang mga mare sa telegram ang " BCH click bot ".
So ang earning dito ay gagawa kalang ng mga task everyday kagaya ng visit sites, message bot, join channel at tsaka thru referral.
Maliit lang ang withdrawal dito nasa 0.00005 lang. Pero kung gusto mo ipunin pwede rin withdrawhin mo nalang kapag malaki na.hihi
Hallo cold evening everyone !
Nagdinner naba kayo ? Kain na sa mga hindi pa nag dinner jan.hihi
Sa mga taga visayas and mindanao mag ingat po kayo dahil may paparating na naman na bagyo, si bagyong " odette " ang pangalan. Sana hindi na lumakas itong bagyo kasi base sa mga nababasa ko may chance padaw ito na lumakas hanggang signal #4 kasi malayo pa. Anjan pa naman din mga kamag anak ko sa visayas. Sana matunaw nalang itong bagyong ito :(
Hi, Hello Everyone !
Ayan kape kape muna habang nagpapaantok ..haha Tsaka habang nanunuod ng korean movie. Ewan ko ba hindi naman ako mahilig sa mga korean movies noon pero ngayon slightly gusto ko na. Haha Sana all gusto !
Pero ang galing talaga nila gumawa ng movies tsaka series. Kahit nga kaunti lang yung mga characters eh napapaganda nila..haha Lalo na sa mga horror movies gustong gusto ko. Hindi pa naman ako nasa part na adik na adik ako patungo pala..haha Joke !
^_^
Hello noisey friends !
Happy lunch sa lahat nakakapagod maglinis ng bahay kaya mabilis akong nagutom. haha Halinat kumain na tayo.
Ulam natin ngayon ay lechon manok tsaka giniling na baboy. Ako nagluto nong giniling yung lechon manok lang binili ko dumaan kasi yung suki namin kanina kaya napilitan bumili. haha
Oo nga pala miss Universe ngayon ah may nanalo naba ? Full support tayo sa pambato ng pilipinas ! Yey
Have a nice day guys !
Hello humans !
Tanghalian na naman mga ka noisey kain na kayo jan.
Feel ko na talaga ang pasko at may pamasko na agad ako galing sa kapatid ko. haha Bumili kasi ng bagong sapatos kapatid ko siguro may bunos na ata kaya bumili. hahaha So yung pinaglumaan nyang sapatos sakin napupunta. haha Tagapagmana kung baga kaya naman nakakatipid ako. haha
Okay lang naman kahit hindi bago ang matanggap natin this Christmas basta nagagamit pa naman kaya mag pasalamat nalang tayo .hihi
Happy Sunday mga ka noiseeey.
Have a great day everyone !
Hello ladies and Gentlemen !
Minsan nalang ako makapag post dahil yung converge namin ay may dalaw na naman ata nawalan kami ng net almost 1 day. Sarap kurutin ng mga taga converge. haha
Anyways kumain nalang tayo para pampawala ng negative vibes. haha heto ulam namin for today tilapia with gulay na upo. Isda muna tayo panay tayo meat noong nakaraan na week. hihi
Happy lunch time everyone !
Good morning mga ka noisey !
Just wanna flex our ulam for today it's bbq. Actually tira namin to kagabi kasi madami kaya hindi namin naubos kaya ayan ito padin ulam namin ngayong umaga. haha
Paresan nalang ng kape para oks na oks na yung umagahan namin. hihi Breakfast nadin kayo dyan mga siiiiss.
Have a nice day everyone !
Hello noisers all over the world !
Ang ganda ng panahon today napakalinaw ng langit tsaka mahangin hangin din sa labas. Sa mga maglalaba jan chance niyo na to talagang madali matuyo mga labahahin niyo. hihi
Lunch time na pala o kay bilis ng oras. haha Halinat kumain tayo ng tanghalian letchon manok ulam namin. Kayo jan lunch nadin kayo ! hihi
Have a beautiful day Everyone !
Isang nag yeyelong umaga sa inyong lahat !!
Goodluck sa mga maliligo ng ganitong oras. haha Magpakulo muna kayo ng tubig bago maligo para maibsan ang lamig.haha
Maaga akong nagising dahil sa electric fan abay nakatutok pala sakin. Kape muna tayo mga ka noisey. Sa mga papasok sa trabaho ng maaga " INGAT PO KAYO ".
Have a nice day everyone !
Good evening Everyone !
May dumaan na magbabalot kanina dito samin kaya napabili ako ng 3, kinain ko na kasi yung 2 kaya 1 nalang ang nanjan sa picture ..hihi
Base on my research charooot research talaga..haha Alam nyo ba na may good benifits na makukuha sa balut. Kagaya ng Calories, Protein, Iron and calcium.
Tsaka sabi nila nagpapalakas daw ito ng tuhod ..HAHA
Dinner na kayo guys !
Hello mga ka nooiseeeey !
Matagal na hindi nakapag update nabusy lang netong mga nakaraang araw..hihi charooot sana all busy. haha
Flex ko lang itong aming paninda..haha Baka gusto nyo bumili..haha Tamang tama pa naman ito ngayong pasko dahil malamig. Para dun sa mga walang kayakap sa darating na pasko katulad ko mag " JACKET " nalang tayo para hindi tayo lamigin. hahaha
HAVE A BLESSED SUNDAY EVERYONE !!
Hallo humans !
Lunch na naman mga ka noiseeey.
At dahil nag cracrave kami ng pizza bumili kami ng mga ingredients para dito nalang kami gumawa sa amin tsaka may maliit na oven naman dito kaya goraaa.. haha .May sarisarili kaming gawa ng mga kapatid ko para walang sisihan sa kung ano maging lasa.. hahahaha
Taray siguradong pang dominos pizza ang kalalabasan nito mamaya pag naluto na ..hahaha
Have a good day Humans !
Good Evening Everyone !
December 1 na pala o kay bilis talaga ng panahon. At dahil December na malapit na din ang simbang gabi. Nakakamiss lang yung dati sama sama kaming boung pamilya kung magsimba nakakatuwa lang .
Pagkatapos ng simbang gabi Christmas day na yey. Then pagkatapos naman New year na at tadaaaaaaaaaaaa 2022 na.. haha
Dinner na pala kayo guys !
Greetings to all Noisers !
So habang nagbrobowse ako kanina sa youtube at nakita ko ang bagong post ni mareng Jessica. haha
Topic jan ay tungkol sa gayuma..Naniniwala ba kayo mga ka noiseeers sa Gayuma ? Ako siguro depende kung maka experience ako haha
Siguro ito na yung sign na kailangan ko nang bumile ng ganito. haha Pampaswerte daw ito sa LOVE, CAREER at SUGAL. haha
Have a good day Everyone !
Hello to all Noiserss !
11:51PM Hindi padin tayo makatulog kaya naisipan kong bumaba at magtimpla ng kape baka sakali antokin ako ..haha Sinamahan ko na din ng slice bread para may partner ang kape ko ..charoot sana all may partner !
Tsaka binuksan ko na din yung TV para hindi mabored habang nagkakape. Actually ako nalang gising dito samin ..haha
Near lunch mga ka noisersss !
Nov. 30, 2021 sa araw na ito ay ginugunita natin ang Bonifacio day. Araw ng pagpupugay sa ama rebolusyon.
At dahil holiday ngayon walang pasok ang iba sa trabaho pero swerte ng may pasok ngayon dahil double pay tiba tiba na naman tayo jan.haha
Anyways just wanna share this Stationary bike namin ito libangan ko twing umaga pagka gising na pagkagising. Tamang pedal pedal lang para kana rin nag bibike sa labas yun nga lang hindi ka nakakalayo . haha
Have a great day Everyone !
Oh hello people !
Late lunch na naman mga ka noisssey. At heto ulam natin for today " menudo ".. Kahit hindi siya mukhang menudo talaga pero menudo po yan.haha Masarap po yan dahil ako yung nagluto..haha Charoooot !
Kaway kaway sa mga katulad kong late nadin maglunch . Makulimlim na naman dito sa amin mukhang uulan na naman.
Good afternoon to all !
Have a great day Everyone !
Cold morning weather everyone !
Yey ewan ko ba gustong gusto ko kapag naulan. haha Siguro masarap kainin ngayong maulan na umaga ay mainit na sopas o kaya Lucky me chicken flavor pwede nayan. haha
Well anyway sa lahat ng magsisimba jaan ay make sure may dala kayong pangsangga sa ulan tulad ng payong o kapote. Mahirap pa naman mag kasakit sa panahon ngayon kaya takecare of yourself. charoot !
Blessed Sunday to all of you !
Have a great day !
Hello guys Happy weekend !
Breakfast pala tayo mga ka noissssy gatas muna tayo today diet kasi tayo.chaaring ! Anong diet diet sarap kaya kumain.haha hindi lagi nalang kasi kape noong nakaraan baka nerbyosen tayo neto. haha
Kayo ano bang breakfast niyo jan ? Share nyo naman tsaka mamigay narin kayo. haha
Have a good day guys !
God bless !
Hello sa maiingay jan este sa mga kaingay natin jan !
Nakakatuwa talaga tong mgames sa gcash nakakalibang mga laro nila. Hihi Dito makaka earn ka talaga ng malaki pag magaling ka sa mga laro laro. Buti nalang seryoso ako hindi ako mahilig sa larolaro lang. charoooot !
Pero ingat lang din kasi nakaka addict rin to yung panay ka ng bili ng token tapos hindi mo namamalayan ubos na pala laman ng gcash mo .hahaha
Magandang hapon po sa lahat .
Have a great day !
Hello to all Noisers all over the world !
So i just wanna share my journey here in noise. It's been 3 weeks now at masasabi ko na maganda talaga ang naidulot sakin ng noise.
Noong una ay medyo nahirap ako kasi lima palang ata nun yung noise friends ko. Pero habang tumatagal eh marami na akong nakikilala at nakakachikasan charooot chikadora. haha
Ngayon medyo nakakasabay na ako maraming nadin akong noisey Friends ngayon i have 289 and counting. So tuloy tuloy lang tayo hanggang maabot natin ang 5K noisey friends. Charoot ! haha
So that's all for now.
Have a great day everyone !
Hello mga ka Food Trip !
Kumain naba kayo ? kasi ako kakain palang katatapos ko palang mag prepare ng tanghalian.
So ito inihanda ko para sa tanghalian sinabawang laman ng baboy with cabbage tsaka lechon manok. Masabaw kasi akong tao kaya gusto ko parati may sabaw.haha
Happy Lunch Everyone !
Enjoy your Food !