Story time Isang maaliwalas na langit ang bumabati sa inyong lahat. Ngayon lang naka pag bukas ng noise. Paggising kong 5 am. Walang signal ang internet pati ang smart at globe ko. Bangon agad ako kasi baka sira na ang sim ko. O sira ang sinusuotan ng sim. Kinuha ko ung maliit na pantusok sa phone. Inilagay ko sa phone ng anak ko ang sim ko. Wala pa din service. Ung globe kasi wala na talagang service. Pero nagtaka ako bakit pati ang smart. Andami na agad tumakbo sa isip ko haha. Sabi ko paano ang noise ko, ang mga earning sites ko, ang online wallet ko, hayysss. Ipapagawa ko ba mamaya ang phone ko. Dapat makabili ng isang phone. Hihiramin ko ba phone ng anak ko. Naisip ko pa baka dahil sa war. Oh d ba exaggerated ang peg. Kasama na sa buhay natin ang cellphone. Lalo na sa mga tulad natin na may earning sites. Pati mga work from home. At mga internet related works. At mabuti na lang bumalik na agad ngayun 7:30 ang signal. Naibsan ang aking pangamba. O siya ako'y gagawa na ng house chores. Silip na lang dito. Magandang araw ng Huwebes po mga kaibigan! nhez43💞 noise.cash🤍 #mema #nature #photography
3 comments
kasipag naman o aga gising.. aga kilos. aga noise hahahhaa... have a great rest madam..
hala, gandan din samin sis. internet is life! hehe
Natuwa ako sa kwento mo sis. Minsan ganyan din ako. Paano na nga ba kung masira ano? Mabuti na lang kung may pambili agad ng bago.haha Pero kapag ganyan, ang ginagawa ko ay off muna ang phone, saka ko naman on. Para bumalik ang signal o kaya airplane mode.