read.cash Log in
@sc

Kuripot

Agosto na. Kung hindi lang pandemya, siguradong buwan na naman ito kung saan abala na naman hindi lang mga guro, kundi pati na rin ang mga mag aaral sa paaralan. Paniguradong magiging abala na naman ang lahat sa paghahanda para sa buwan ng wikang pambansa. Buwan kung saan hinihikayat ang lahat na mas mahalin pa at pahalagahan ang ating sariling wika. At dahil buwan na ng wikang pambansa, naisip ko na magsulat ng artikulo gamit ang sariling kong wika, at hindi ang wikang banyaga. Sa totoo lang, hindi talaga ako matatas sa pagsasalita ng wikang Filipino pero susubukan kong huwag gumamit ng kahit isang salitang Ingles sa isinusulat kong ito. Tama na ang kung ano anong pang satsat, tara na't simulan ang tunay na kwento! Kuripot. Madalas din akong masabihan na kuripot daw ako. Sabi ng isa kong kaibigan kuripot daw ako dahil imbes na bumili ng mamahaling damit, mas gusto kong sa ukay-ukay bumili. Kuripot daw ako kasi kapag nagyaya siya na gumala kami, lagi kong pinipiling kumain ng mga *tusok-tusok* pagkatapos kahit di naman ako ang magbabayad. Kuripot daw ako kasi di ako nagbibigay ng limos sa mga pulubi. Sa bahay madalas din akong mapagsabihan ng kuripot. Kuripot daw ako kasi ultimo sampung pisong sukli hinihingi ko pa rin. Minsan nakakasawa na rin pakinggan. Ang totoo hindi ako kuripot, hindi lang ako komportableng magpalibre tapos mahal pa yung pipiliin ko. Matipid lang ako kaya mas gusto kong bumili sa ukay ukay. Di ako madalas magbigay ng limos kasi minsan ang lalakas pa ng katawan ng mga pulubi, imbes na magtrabaho nanghihingi na lang sila. Ako nga pinaghirapan kong kumita ng pera tapos siya hihingi pang diba? Yung ibang matatanda nga uugod ugod na pero kinakaya pa rin na magtrabaho. Di rin ako nagbibigay ng limos na pera sa mga bata dahil baka ibili lang sigarilyo, pero kung pagkain madalas na nagbibigay naman ako. Masinop lang ako kaya kahit maliit na halaga ng sukli, hinihingi ko pa rin. Dahil alam kong pag ako naman ang nangailangan, di nila ako matutulungan. Ang totoo niyan, ang nanay ko talaga ang pinaka kuripot na taong nakilala ko. Noong bata pa ako, madalas kahit sentimos na lang na sukli hinihingi niya pa. Di ko man lang nasubukan noon na magkaroon ng sobra sa baon, dahil kahit piso di niya ibibigay yun. Kapag nagluluto, ano kung gumastos ako ng malaki ang importante masarap ang pagkain, kaya gusto ko maraming sahog at rekado. Ang nanay ko, kung ano na lang ang nandiyan, yun lang ang ipapagamit. Kapag sinunod siya, magrereklamo pag di masarap ang lasa. Naku! Di ko talaga maintindihan kung bakit ganyan siya. Ngayong may trabaho na ako, pag nangungutang siya binibigay ko na lang kasi alam kong di niya naman ako babayaran. Pero kapag ako naman ang nangutang sa kanya, halos di na makatulog, di ko nga alam kung nanay ko ba talaga yun. Di biro lang naman. Minsan di ko rin mapigilan na isipin na baka naiimpluwensyahan na ko ng nanay ko sa pagiging kuripot, dahil sa totoo lang ayaw kong maging katulad niya at ayaw kong gayahin ang pagiging kuripot niya. `Ayun nga, nairaos naman ang isang artikulong walang kahit isang salitang Ingles. Pakiramdam ko dudugo na ilong ko haha. Mas mahirap talaga mag tagalog kaysa mag ingles.😅 Pasensya na kung ganito ang nasulat ko, naiinis lang talaga ako sa nanay ko kagabi kaya naisipan kong magsulat na lang.`

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.