read.cash Log in
@sashley more from that month

Usapang Maingay Hindi sa ako'y nagpapansin Mayroon lang akong napapansin Hindi rin ako nagpapasaring Mayroon lang din akong hinaing Alam kong karamihan sa inyo Ay may ganito ring karanasan At sa takot na tanggalin tayo Ating pinili ang katahimikan Kailangan natin ang pagsunod Sa lahat ng alituntunin dito Patuloy lang nating itaguyod Paglikha ng orihinal na teksto Sa mga patuloy na naghihintay Huwag po sana tayong mapapagal Sunod na pagdating minsa'y mabagal Ngunit sapat ding napaghahatian Aking dalangin nawa'y lahat tayo Maging masigasig at matiyaga Sa anumang balak na pagbabago Bawat isa sa ati'y mahalaga Magtulungan sana tayong lahat Pagkakaisa'y ating pairalin Santabi muna pansariling mithiin Upang lahat tayo dito'y umangat #Poems

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.