read.cash Log in
@santiagorhie

Epic girlfriend. Noong nakaraang weekend, habang masaya ang lahat sa aming long ride, nagkaroon ng issue ang isang girlfriend ng kasama namin. Sa tingin ko ay kinoconfront nia talaga ako at masama ang loob nya sa amin ng asawa ko. Ganito ang naging usapan namin. ME : Alam mo biglaan lang ung pagsama namin kasi last week na inaya si hubby, hindi raw kami sasama, tpos kahapon ng tanghali tumawag sakin na sasama na raw kami... SYA : Pinahiram daw kasi ni bf si hubby mo ng 500 para makasama kayo. ME : Yun nga ung iniisip ko last week, iniisip ni hubby ung budget na gagamitin kaya ayaw nyang sumama buti napilit. Ewan ko bakit nag second the motion lang ako sa spill ni girlfriend. Hindi ko rin alam kung bakit sinabi ng bf nya yon sa kanya. Hindi ko rin alam bakit kailangan nyang iopen yun sakin kasi sa totoo lang db dapat sa pagitan yon ni hubby at ng bf nya. Hindi ko rin alam bakit hindi ako nagreact na nagsisinungaling ang bf nya sa kanya. Kasi, though totoo na iniisip ni hubby na wala kaming budget, saktong dumating ung back pay nya na worth P7600. Kahit P7600 lang ang backpay nya, 8k ang niremit nya sa akin. Gusto ko rin sanang sabihin na merong nagbibigay ng allowance kay hubby dahil meron syang under the table agendas sa isang boss nila sa finance department na nag iinvolved ng mga incoming letters, bill statements, checks, at receipts dahil reliable si hubby. Itatanong ko sana kung alam nya kung kasama sa nabibigyan ng allowance ang bf nya. Pero dahil ayokong lumala ang issues at baka mag away silang magjowa on the spot ay hinayaan ko nalang ang lahat. Ewan ko pero naisip ko kasi na, what she doesn't know won't hurt her. Anu ba naman yung more than 8 years naming pag aaway ni hubby kumpara sa 1year anniversary nilang magjowa db. Kaka-anniversary lang kasi nila kahapon...

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.