read.cash Log in
@santiagorhie

Nung nakaraang buwan, nagfile ako ng salary loan sa SSS habang may balanse pa akong nasa 2k sa calamity loan ko. Dahil na approved ako ni company ay nag automatic deduct ng payment sa calamity loan ko galing sa salary loan ko. Ang total loan ko ay 19k at proceeds ko ay 16700. Pero para iconfirm ni company na totally paid na ako, nagkaroon pa rin ako ng loan deduction ng 2 cut off para sa calamity loan ko. Iadd back nalang daw ito kapag confirned paid na ang calamity loan ko. Dahil ang salary loan ko sa September pa ang start ng deductions. Buong akala ko na add back na sa salary ko ng July15 at July30 ung 2x na deductions ko ng calamity loan payments. Pero ngayon ko lang nacheck ang mga payslip ko na nagkaroon pala ako ng salary adjustments at hindi pa pala naadd back un ngang deductions na hinihintay kong mabalik. Nung mga nakaraang salary adjustments ay iniinform at kinicongratulate kami. Ngayon ay surprise ata dahil hindi na kami naemail. Nakakatuwa rin naman dahil noong 420 minimum rate ay na adjust ako ng 445. Ngayon namang naging 450 ang minimum rate ay naging 473 na ang per day ko. Nakakatuwa rin naman na nacoconsider rin pala ni company ang efforts at pagiging tenure namin. Mag 5 years na rin ako sa company. At kahit palagi akong mag undertime at magleave ay kasama pa rin ako sa mga naicoconsider.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.