Sa wakas! Magaling na talaga ako. Wala na ulit sumpong ng UTI ko. Pangalawang araw ko ng nakabalik sa trabaho at dalawang araw na rin akong hindi nilalagnat na may kasamang chills. So hinatid-sundo ako ni hubby kanina dahil nagbayad na sya para sa monthly amortization namin sa bagong motor at nagpachange oil na rin. Natawa lang ako sa usapan namin kanina habang naghihintay maluto ung binili naming inihaw na liempo at mga isaw para sa hapunan. Sya : hon may meeting nga pala kami sa Linggo ha (twing Sabado palagi ang assembly nila at never nya itong tinawag na meeting kaya gets ko agad) Ako : meeting kapang nalalaman, inuman yon e (sya shempre napangisi kaya naconfirmed ko na) Ako : saan? Sya : sa papaya (gen.tinio, nueva ecija / lugar po ito) Ako : anong oras? Sya : 2 pm Ako : aga naman, d ba mas hapon pa o kya gabi na ang inuman? (tapos may naisip pa kong linya na bitawan) Ako : aga naman magbukas ng beerhouse don 2pm Sya : walang ganon bday yon ng tatay ni Mallare(katrabaho nya na kilala ko at nakakasama namin sa rides, at alam ko naman talaga na tagaroon nga) Ako : buti naman at nagpaalam ka muna bago umuwing lasing, ung iba kasi hindi nagpapaalam sa asawa Sya : tama ba ginawa ko?(sabay ngisi) Toyo talaga itong hubby ko. Nakakaaliw din ung reaksyon nya habang nagsasalita. Tipo bang nag aalanganin sa sasabihin na bka awayin ko sya kabod. Natuwa nga ako sa ginawa nya na nagpaalam na agad kahit sa Linggo pa ung okasyon. Binilinan ko pa nga sya na pag nasa harap na ng inuman wag ng cp ng cp. Sa ilang ulit nya kasing pagpunta sa inuman kadalas lang magtxt magchat. At may ilang beses nya rin akong naisama lalo pag kasama rin ang mga asawa ng mga ka-rides namin. Shempre hiwalay kami ng table. Sumasama ako sa mga kapwa ko asawa/jowa kesa naman tumabi ako sa inuman ng mga lalaki db. Pero hindi ba naman talaga matawa?! Magkatapat lang ung table namin sa table nila aba tntxt pa ko kung kamusta ako okay lang daw ako sa kaharap ko? At nung makibanyo ako aba tnxt rin ako kung saan ako nagpunta? Nung pahapon na at nakaabang na rin ang ulan abot na ang aya ng dalawa kong kaharap sa asawa nila na ayaw ayaw pa sanang paawat pero nauna pang tumayo ang asawa ko kaya nagsisunod lang sila. At nung sabi ng asawa ko sakin gayak na daw ako aba sumagot pa ko ng uuwi na kayo may liwanag pa? Pero joke joke ko lang sana yon shempre. Thank you Lord binigay mo saken ang asawa ko nung mga panahong nananalangin ako ng katuwang, katulong at karamay sa buhay.
1 comment
Kakatuwa Naman Asawa mo sissy. Naku one in a million Ang ganyang Asawa .swerte mo sissy at napaka bait Ng Asawa mo..